Ruru Madrid, papalit muna kay Andre Paras sa Game of The Gens

by PEP Troika
May 20, 2021
Habang hindi pa nagsisimula ang taping ng Lolong, ang Kapuso actor na si Ruru Madrid (left) ang sasalang na guest co-host sa Game of The Gens. Sinasabing nagpaalam muna si Andre Paras (right) para makapagpokus sa basketball.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram / Screengrab from Game of The Gens

JERRY OLEA

Waley si Andre Paras sa comedy game show na Game of the Gens sa Mayo 23, Linggo ng 8:30 p.m., sa GTV.

Si Ruru Madrid ang guest co-host ni Sef Cadayona.

Balita namin ay sa Hunyo pa sisimulan ang lock-in taping ng GMA-7 series ni Ruru na Lolong kaya nasasabik ang kanyang fans na mapanood siyang umaarte.

Co-stars ni Ruru sa Lolong sina Shaira Diaz at Arra San Agustin. Si Shaira ang pumalit kay Sanya Lopez, na inalis sa Lolong matapos mapili bilang kapalit ni Marian Rivera sa First Yaya.

Siyangapala, mapapanood na si Sanya bilang Maya Lagman sa ikaapat na episode ng Agimat ng Agila sa Mayo 22, Sabado ng 7:15 p.m., sa GMA-7.

Nakakaintriga ang pangalang “Maya Lagman.”

“Maya” ang pangalan ng karakter ni Jodi Sta. Maria sa Kapamilya morning series na Be Careful With My Heart (Hulyo 2012-Nobyembre 2014) kung saan yaya ang papel niya.

Continue reading below ↓

Ang Kapamilya actor na si Gab Lagman ay na-link kay Sanya.

Naiulat na natin dito sa PEP Troika na ang tunay na pangalan ni Gab Lagman ay Gabriel Paolo Lagman.

Ang katambal ni Sanya sa First Yaya na si Gabby Concepcion ay Gabriel Concepcion sa tunay na buhay.

At ang pangalan ng karakter ni Senator Bong Revilla sa Agimat ng Agila ay Gabriel Labrador.

GORGY RULA

Gustong mag-focus ni Andre sa basketball kaya nagpaalam na muna siya sa Game of the Gens.

Nag-eensayo ngayon si Andre sa kanyang team na Blackwater dahil tuloy pa rin ang career niya sa larangan ng basketball.

Mukhang tuluy-tuloy na si Ruru as co-host ni Sef dito dahil sa narinig ko, tatapusin na lang ang season nitong game show ng GTV.

Wala naman akong nakuhang kumpirmasyon mula sa GOTG, pero tinapos na raw ang taping nila hanggang June. Hindi pa masasabi kung mai-extend sila ng isa pang season.

Continue reading below ↓

Masaya at ang gaan lang panoorin itong game show, bukod sa magaling ang hosting dito nina Andre at Sef. Ang saya ng tandem nilang dalawa.

Sana, another season pa.

NOEL FERRER

Long overdue na itong taping ng bagong teleserye ni Ruru Madrid.

I’m sure, since big production, lalo na kung may fantasy element ang project, kailangang iangkop ito sa pandemya. Kailangan ang ibayong ingat sa dami ng tao at scale ng proyekto.

I can imagine ang hirap talagang mag-mount ng production ngayong panahon ng pandemya.

Ayan, malinaw na hindi COVID-19 ang sanhi kaya pinalitan ni Ruru si Andre sa Game of the Gens.

Karaniwan kasi na kapag “nawawala” sa eksena ang isang artista ay dahil naka-isolate o naka-quarantine.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Habang hindi pa nagsisimula ang taping ng Lolong, ang Kapuso actor na si Ruru Madrid (left) ang sasalang na guest co-host sa Game of The Gens. Sinasabing nagpaalam muna si Andre Paras (right) para makapagpokus sa basketball.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram / Screengrab from Game of The Gens
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results