Watch Now

Luis Manzano at Jessy Mendiola may nakahanda nang pangalan sa magiging anak nila

by PEP Troika
Aug 4, 2021
Luis Manzano on his plans after pandemic: “I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram

JERRY OLEA

Habang laganap ang pandemya, ayaw munang magkaanak nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

“We love kids. When we see cute kids on social media, we send each other the pictures and videos of laughing babies to crying babies.

“Wallpaper niya right now sa kanyang phone is what we believe our child would look like,” kuwento ni Luis nitong Agosto 3, Martes, via email na ipinadala ng ineendorso niyang Bioflu.

May napagkasunduan na silang ipapangalan sa kanilang supling—Emma o Ocean kung babae, at Luke kung lalaki.

Paliwanag ni Luis, “When we hear the name Emma, naiisip namin yung tisay na naka-pigtails, tapos ang pula-pula ng cheeks.

“Ocean naman because we love the ocean. We’re divers, we want to eventually live by the sea…

“Yung pangalang Luke, it’s a bit of a play on Lucky and also a bit of a Star Wars thing.”

Isa sa mga palayaw ni Luis ay Lucky. Ang tawag sa kanya ng malalapit na kaibigan ay Lu, o Lulu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Luke Skywalker ang pangunahing tauhan sa orig na Star Wars trilogy. Nasa plano na ni Luis ang mga unang gagawin niya post-pandemic.

“I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel,” lahad ni Luis.

Limang taon na ang relasyon nina Luis at Jessy noong Hunyo 25.

Ipinagdiwang nila iyon sa The Farm at San Benito sa Brgy. Tipakan, Lipa, Batangas. Sa nasabing resort sila ikinasal noong Pebrero 21 this year.

Noong Hunyo 29, nag-vlog si Jessy sa The Farm kaugnay sa “Questions I’ve Never Asked My Husband.”

Naitanong ni Jessy sa asawa, “What physical features of mine do you hope our kids will get, too?”

Mabilis na tugon ni Luis, “Lahat!”

Sundot ni Jessy, aling feature ang pinakagusto ni Luis na makuha sa kanya ng mga magiging anak nila.

“Mukha. Complexion, eyes, lips. Ni hindi maaarawan yung batang 'yon,” pagbibiro pa ni Luis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang unang boyfriend nun, mangyayari, hindi pag 30 years old; pag 40, hindi. Mangyayari unang boyfriend niya pag agaw-buhay na siya!”

“Grabe,” sambit ni Jessy, na seryosong hirit ni Luis, “Oo.”

Natatawang saad ni Jessy, “Kawawa naman ang magiging anak natin.”

NOEL FERRER

Napakapraktikal na kunsiderasyon ang concern nina Luis at Jessy sa pagbuo ng pamilya. Bale, after the pandemic na lang.

Ngayon, malamang nasa ASAP Natin 'To bubble si Luis. In-advance ang ASAP taping bago mag-hard ECQ lockdown na naman this weekend.

Nakakaawa ang ating sektor. Kumahog talaga.

“We have to admit, there are some na if they don’t go to work, they don’t get paid. Kumbaga, they are very reliant on their income for that particular day, especially at this time na marami nang nawalan ng trabaho o naging unstable ang kanilang pinagkakakitaan,” sabi ni Luis bilang health advocate.

Sa pagtaas na naman ng number of COVID cases, ingat tayong lahat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GORGY RULA

Hindi mo maiaalis kina Luis at Jessy ang ganitong pangamba lalo na sa panahon ngayon.

May takot na hindi mabigyan ng proteksiyon ang mga bata, at baka meron pang dumating na mas matindi pa sa pandemyang hinaharap natin ngayon.

Iyan din ang takot ni Paolo Contis nang minsang napag-usapan namin ang mga anak niya. Maliit pa raw si Summer at hindi nga naman masasabi kung ano ang bukas na nakalaan sa mga batang ito, sa mga nangyayari sa atin.

Pero sabi naman niya, hangga’t nandiyan sila ni LJ Reyes na magbibigay proteksiyon sa kanilang mga anak, tuloy lang ang buhay.

Patuloy lang sa pagdarasal at manalig na malagpasan natin ito lahat. Okay rin yung i-enjoy na lang ang kung anong meron at hinaharap natin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kagaya ng engaged couple na Derek Ramsay at Ellen Adarna, habang aligaga sa paghahanda sa kanilang kasal, pinagtatalunan na nila kung boy o girl ang gusto nilang baby.

Gusto ni Ellen ay girl. Pero si Derek naman ay kini-claim na raw niya sa buong universe na boy. Hindi raw niya kaya ang magkaroon ng anak na babae, at baka marami raw siyang makakaaway.

Ganoon yata ang feeling ng mga tatay na sobra ang proteksiyong ibinibigay sa mga anak na babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Manzano on his plans after pandemic: “I would spend time with my family. Siguro sit down, have a maskless meal, hug everyone, my mom, my dad, and create the little angel.”
PHOTO/S: @senorita_jessy on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results