PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Hidilyn Diaz pays tribute to her two coaches

Hidilyn Diaz, titira na sa ibinigay sa kanyang condo unit.
by PEP Troika
Published Aug 4, 2021
Hidilyn Diaz on her coaches Julius Naranjo (left) and Gao Kaiwan (right): “Thank you sa pagintindi at pagkakaroon ng multiple roles gaya ng pagiging coach, training partner, chef, driver, Masahista, translator at marami pang iba.”
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram

NOEL FERRER

Aalis na sa pagkaka-quarantine sa hotel ang Team HD sa pangunguna ng ating first Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Lilipat sila sa Resorts World Manila (RWM)-Sheraton Hotel bukas, August 5.

Ang Resorts World Manila ang unang nagbigay kay Hidilyn ng People of the Year award pagkatapos niyang manalo ng silver medal sa Rio 2016 Olympics.

Since then, si Haidie ang kanilang "Lucky Person" kaya ang mangyayari bukas ay homecoming of sorts sa puwede na ring tawaging HOME ng ating Olympic champ.

Bukod pa rito, ang RWM ay under din sa Megaworld na magbibigay kay Haidie ng condo unit sa Eastwood, na titirhan na niya after her stay sa RWM.

What’s exciting ding magaganap bukas ay ang pagdating ng mga magulang ni Haidie mula Zamboanga bago mag-hard lockdown dahil sa ECQ ulit.

Sa RWM-Sheraton Hotel din titira ang tatay at nanay ni Haidie habang naka-quarantine, at se-segue na sila sa bagong tahanan nila pagkatapos ng isang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saya lang at magsasama ang pamilya bago ang ating lockdown na naman! Hayyyyy!

JERRY OLEA

Tungkol din sa “pamilya” ang Instagram post ni Hidilyn nitong Agosto 4, Miyerkules ng umaga.

Nagpasalamat si Hidilyn kina Coach Gao at Coach Julius Naranjo—ang tumayong pamilya niya sa loob ng labinsiyam (19) na buwan sa Malaysia, bago siya lumahok sa Tokyo 2020 Olympics.

“Na-kaya ko dahil nandun sila, di nila ako iniwan,” sabi ni Hidilyn.

“Di maiwasan may di pagkaunawaan kasi may language barrier (Filipino, Chinese, Guamanian).

“Minsan di nagkaintindihan pero mas pinili namin maghanap ng paraan, magusap at pagusapan ang dapat pagusapan, at bumalik kami sa WHY ng #TeamHD ito ay manalo ng Gold para sa Pilipinas.

“Thank you sa pagintindi at pagkakaroon ng multiple roles gaya ng pagiging coach, training partner, chef, driver, Masahista, translator at marami pang iba.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Siyempre, dala ni Hidilyn ang mga barbel sa Resorts World Manila, kasi tuluy-tuloy ang training niya. Special diet food pa rin si Hidilyn na maraming itlog at veggies…

Sa SUNDAY, August 8, siya puwedeng mag-cheat day!

GORGY RULA

Nakatutuwang subaybayan ang bagong buhay na haharapin ng ating Olympic gold medalist.

Nakaka-excite din isiping makakasama na ni Hidilyn ang kanyang pamilya, dahil ito talaga ang hiling niya pagbalik dito galing Japan.

Ang susunod na gusto ko sanang masaksihan ay ang date nina Hidilyn at ng boyfriend niyang si Julius. Cute ding magkilig-kiligan silang dalawa.

Ang susunod na susubaybayan natin ay ang pagdating ng ating Olympic silver medalist sa women’s boxing na si Nesthy Petecio.

So far, ang nasagap ng PEP Troika na uuwian dito ni Nesthy ay ang bagong residential condominium unit sa One Lakeshore Drive sa Davao City na bigay ng negosyanteng si Andrew Tan.

Makakatanggap siya ng P5M mula sa gobyerno, may tig-P5M mula rin sa Manny V. Pangilinan Sports Foundation, at kay Ramon S. Ang ng San Miguel Corporation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sigurado na rin daw ang P2M mula sa 1-Pacman party-list ni Congressman Mikee Romero.

Kinukumpirma ko pa kung magkano naman ang matatanggap ng ating bronze medalist. Pero nakikipaglaban pa ang ating mga boksingerong sina Carlo Paalam at Eumir Marcial na sure na sa bronze medal.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hidilyn Diaz on her coaches Julius Naranjo (left) and Gao Kaiwan (right): “Thank you sa pagintindi at pagkakaroon ng multiple roles gaya ng pagiging coach, training partner, chef, driver, Masahista, translator at marami pang iba.”
PHOTO/S: @hidilyndiaz on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results