NOEL FERRER
Parang bata ang Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz na puno ng pagkamangha sa pagte-turnover sa kanya ng pabuyang condo unit sa Eastwood mula sa Megaworld nitong Agosto 9, Lunes.
Napakabait ng batang boss din ng Megaworld na si Kevin Tan. Talagang siniguro nilang alaga si Hidilyn ng community sa Eastwood.
Haidie loves it na may church sa community at malapit pa ito sa Padre Pio Shrine.
Pero ang talagang chineck ni Haidie ay ang gym, at meron pang sauna at massage room. Sabi niya, makakapag-train daw siya rito nang maayos.
Agosto 10, Martes, makakasama ni Haidie ang mga boksingerong nanalo rin ng medal para sa bansa para sa isang presscon.
Masaya ito, at isang magandang pagpapaalala ng kahit maraming problema, kaya nating magwagi bilang Pinoy.
JERRY OLEA
Simple at masaya ang pagdiriwang ng kaarawan ng ina ni Hidilyn noong Sabado, Agosto 6.
Ang daming nagpapadala ng pagkain at regalo sa hotel. Meron pang unli ice cream na ipinamahagi nila sa hotel staff!
Nakakatuwa na nai-turnover na ang kotse at condo unit kay Hidilyn.

Hidilyn Diaz with Megaworld Corporation's Kevin Tan
Facebook post ni Kevin Tan nitong Lunes, “I am so proud and honored to personally turn over to Hidilyn Diaz her brand new condominium at Eastwood City, this morning.
“This is a gift from Megaworld Corporation to our new Hero, for making the entire country so proud.
“Having spent some time with her this morning, I am totally blown away by her humility and her dedication to her sport. It was indeed a very challenging road to the 2020 Tokyo Olympic games.
“But she marched on with so much commitment and perseverance and brought home our first Gold medal.
“Congratulations Hidilyn and welcome to the Eastwood City Community!
“Also turned over a sketch painting by John Ken Gomez, a 21 years old Fine Arts student from FEU, with the inscription ‘Thank you for lifting our Country up high - Megaworld’
“And of course we also gave her some hand picked items from Pick.A.Roo to get her started in her new home.
“Lastly, check out some photos of her new fully furnished condominium along with the gym and swimming pool amenities. We are gonna dedicate a special spot for her in the gym for her equipment and training.
“Maraming Salamat Hidilyn Diaz for the pride and joy you have brought to all your Countrymen.”
Nakaka-hmphh ang mga gumamit ng image ni Hidilyn sa artcards at pledges na nauna pa sa social media pero hindi man lang nagpaparamdam.
Utang na loob! Huwag naman nilang gamitin si Hidilyn sa ganitong paraan. Ang OPM (oh, promise me), nawa’y tuparin at huwag maging kabulastugan!
Bonggacious ang condo unit sa Eastwood City, pero ang golden question… may nakalaan bang parking space para sa kotse ni Hidilyn?
Aba! Mahal ang parking space, ha?!
Knowing Megaworld, generous naman iyan at ano ba naman ang konting dagdag for the parking space sa ating Olympic gold medalist?!
GORGY RULA
Okay lang kung hindi man agad maibigay ang lahat ng pledges sa ating kauna-unahang Olympic gold medalist. Pero sana, tuparin.
Baka ang iba riyan, gagamitin lang para sa kanilang produkto, tapos waley na! Naku! Madugo ang gagawin mong pag-uurirat diyan, Sir Noel!
Eto pa ngayon. Dumating na rin ang ating iba pang atleta na may pasalubong ding silver at bronze.
Kagaya ni Hidilyn, tatanggap din sila ng Order of Lapu-Lapu Medal.
Ang ating silver medalists na sina Paalam at Petecio ay may pangako ang ating Pangulong Duterte na tig-P2M, at P1M naman para sa bronze medalist na si Marcial. Ang ibang hindi nagwagi ay may tig-200,000 pesos.
Alam ko, meron pang ibang sponsors na nangakong may ibibigay kina Paalam, Petecio at Marcial.
Sana matutukan at ma-update tayo para di sumabit kagaya ng nangyari kay Onyok Velasco.
