PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paolo Contis, LJ Reyes still mum about rumored breakup

Paolo, may pahiwatig na tungkol sa relasyon nila ni LJ?
by PEP Troika
Published Aug 20, 2021
Isang araw matapos pumutok ang usap-usapang hiwalay na umano sina LJ Reyes at Paolo Contis, wala pang direktang pahayag ang dalawang Kapuso stars tungkol dito. Inaasahan namang magbibigay ng opisyal na pahayag ang GMA Artist Center kaugnay ng isyung ito.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram

GORGY RULA

Ngayong Agosto 20, Biyernes ng hapon ay hindi pa rin ako sinasagot ni Paolo Contis nang kinulit ko siya tungkol sa pumutok na isyu nila ni LJ Reyes.

Napansin ko na noong nakaraang linggo ang ilang na-delete na post ni Paolo sa Instagram.

Naintriga rin ako sa caption ng isang IG post niya: “Tough road ahead… Rest. Reflect. But never stop moving…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi niya ako sinagot nang hiningan ko siya ng explanation tungkol sa post na iyon.

Pero marami ang nakapansin nang mag-"zero following" siya sa kanyang IG account. Hindi man lang itinira si LJ sa pinapa-follow niya.

Nang tinanong ko siya kahapon tungkol dito, deadma pa rin siya.

Kilala ko si Paolo. Kapag tahimik siya at hindi sinasagot ang mga tanong ko, maaaring totoo ang kumakalat na isyu.

Pero marami rin ang hindi naniniwalang hiwalay na sila ni LJ.

May mga nagsasabi sa aking eme-eme lang daw itong "hiwalayang issue" nina Paolo at LJ dahil may pinu-promote na pelikula ang aktor.

Kasabay kasi ng streaming sa Netflix ng pelikulang A Faraway Land nina Paolo at Yen Santos, saka naman pinag-usapan ang isyung ito.

Pero alam kong hindi papayag si Paolo na gamitin ang relasyon nila ni LJ para lang mapag-usapan ang pelikula niya.

Ang napansin ko lang ay lalong dumami ang followers nina Paolo at LJ sa Instagram nang kumalat ang isyu nilang dalawa.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Isang araw pa lang itong pinag-uusapan, pero halos 20,000 na ang nadagdag sa followers ng Kapuso actor. Hindi ko lang natantiya kung ilan naman ang nadagdag kay LJ.

Hintayin na lang natin kung magbibigay sila ng pahayag kaugnay sa isyung ito.

Sana nga, inaayos na ito ngayon ng GMA Artist Center.

JERRY OLEA

Parehong nasa ilalim ng GMA Artist Center sina Paolo at LJ.

Makabubuti na ang GMAAC ang magbigay ng official statement kaugnay sa usapin ng hiwalayan ng dalawang Kapuso.

Nadamay si Yen dahil pumutok ang isyu nang mag-streaming ang Netflix movie nila ni Paolo na A Faraway Land.

Hindi naman siguro madadawit si Heart Evangelista na katambal ni Paolo sa Kapuso drama series na I Left My Heart In Sorsogon.

Magpapalamig na lang muna siguro si LJ kasama ang dalawang anak.

Kailan kaya natin muling mapapanood si Paolo na ka-vlog ang anak nila ni LJ na si Summer?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Sana, maayos pa nina Paolo at LJ ang gusot.

Sana, kapag naharap nina LJ at Paolo ang Diyos, masasabi nilang ginawa nila ang lahat para ma-save ang kanilang pamilya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang araw matapos pumutok ang usap-usapang hiwalay na umano sina LJ Reyes at Paolo Contis, wala pang direktang pahayag ang dalawang Kapuso stars tungkol dito. Inaasahan namang magbibigay ng opisyal na pahayag ang GMA Artist Center kaugnay ng isyung ito.
PHOTO/S: @paolo_contis Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results