John Estrada, matagal nang pangarap makasali sa Ang Probinsyano

by PEP Troika
Aug 23, 2021
John Estrada: "Honestly, matagal ko nang pinapangarap sumali sa Ang Probinsyano because alam ko, this action-drama series will go down to history as the longest, biggest, top rated and most watched tv series ever."
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Lubos ang kasiyahan ni John Estrada na makasama sa Kapamilya teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano.

“I’m overwhelmed,” text back ni John sa PEP Troika nitong Agosto 23, Lunes ng hapon.

“Honestly, matagal ko nang pinapangarap sumali sa Ang Probinsyano because alam ko, this action-drama series will go down to history as the longest, biggest, top-rated, and most watched TV series ever.

“Sabi nga, kapag artista ka at hindi ka napasama sa Ang Probinsyano, parang kulang ang pagiging artista mo.”

Ikatlong pakikipagtrabaho na ito ni John kay Coco Martin sa teleserye.

Nauna silang nagkatrabaho sa Minsan Lang Kita Iibigin (Marso-Agosto 2011) at Ikaw Lamang (Marso-Oktubre 2014).

Hindi pa pwedeng sabihin kung ano ang papel ni John sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero malamang na isa siya sa magpapahirap kay Cardo Dalisay (karakter ni Coco).

Ang pagpasok ni John sa cast ay bahagi ng ikaanim na taon ng FPJ’s Ang Probinsyano, tampok ang mga bagong karakter at ang pagbubukas ng bagong yugto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inaabangan na ang paglabas ni Julia Montes sa serye bilang si Mara, isang babaeng palaban na makakakrus ang landas ni Cardo habang patuloy itong naghahanap ng lugar na mapagtataguan mula sa batas kasama ang Task Force Agila.

Kabilang din sa bagong cast members ng FPJ’s Ang Probinsyano sina Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Michael Flores, Chai Fonacier, Marela Torre, Elora Españo, at Joseph Marco.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, WeTV, at iflix.

Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

NOEL FERRER

Halos isang buwan ding mawawala ang mga artista ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Maynila at humayo sila sa Ilocos para mag-taping.

Umalis kaninang madaling-araw sina Lorna Tolentino at Rowell Santiago, whose characters are in the thick of the palace story with Tirso Cruz III and John Arcilla.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Expect more interesting introduction of characters and plot twists sa teleseryeng ito, na kahit walang franchise ang mother network ay nananatili pa ring on top of the heap!

GORGY RULA

Talagang pursigido ang mga taga-FPJ’s Ang Probinsyano na pagandahin at palakihin ang teleseryeng ito.

Dito na nga kaya sa Ilocos kukunan lahat hanggang ending? Matutuloy kaya ang balak na mamamatay si Cardo Dalisay sa ending nito?

Ang malaking tanong: Sino ang papatay sa kanya? Ito na kayang si John Estrada?

Siyempre, “hehehe at maraming salamat Gorgy” lang ang sagot sa akin ng aktor.

Malamang, wala pa talagang nakakaalam kung paano tatapusin ang teleseryeng ito.

Samantala, magre-relax muna, at magkakaroon ng season break na ang katapat nitong The World Between Us.

Pero bago ito mag-break, matinding rebelasyon ang mapapanood ngayong linggong ito.

Ngayong Lunes, Agosto 23, ay malalaman na ni Brian (Tom Rodriguez) na ang Yachie (Jaclyn Jose) pala niya ang tunay niyang ina. Paano kaya ito tatanggapin ni Brian?

Marami pang lalabas na pasabog ngayong linggo, at ang mapapansin sa mga malalaking rebelasyon ay nandiyan si Yachie, na nagampanan ni Jaclyn nang napakahusay.

Sabi nga ni Jaclyn, iniba niya ang kanyang approach sa role bilang isang yaya. Subtle ang approach ng aktres, at ang gusto niya ay ang mga manonood ang magre-react para sa kanya.

“Nasa writer na talaga 'yan kasi at nasa director, at kumbinasyon na rin ng aking suggestion na si Yachie ay nasa frame lang.

“Pero malalim at malaki ang partisipasyon niya rito. Ang gusto namin na ang reaksiyon ng mga tao ay ‘huwag mong gawin 'yan, nanay mo 'yan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi na-reveal na anak ko si Brian. Pero marami pang hindi nare-reveal.

“So, we really have to have Yachie on the side para pag may malaking revelation, dun siya pumapasok lang talaga.

“Gusto ko, ang magre-react, yung audience through my nuances,” saad ni Jaclyn na sa totoo lang, napakagaling niya sa ganung atake ng pag-arte.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Estrada: "Honestly, matagal ko nang pinapangarap sumali sa Ang Probinsyano because alam ko, this action-drama series will go down to history as the longest, biggest, top rated and most watched tv series ever."
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results