PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Suzette Doctolero clarifies post about low ratings of Legal Wives

Legal Wives, mas mataas pa rin ang ratings kumpara sa katapat na programa.
by PEP Troika
Published Aug 26, 2021
GMA-7 head writer Suzette Doctolero on Legal Wives: "Oo, gusto nating mas mataas pa para ang mga show na gaya nito (At Bagman, hindi po ako bias. I appreciate a good show) ang maging standard na. Para level Up na lahat. Lalo at malapit na sigurong mawala ang tv kaya gusto natin ay mag golden age uli ang tv.. Yun lang ang point at huwag sanang isiping ito ay yabang."
PHOTO/S: Legal Wives trailer

JERRY OLEA

Naghimutok ang Kapuso soap opera writer na si Suzette Doctolero nitong Agosto 25, Miyerkules ng hapon, sa Facebook kaugnay sa pababang ratings ng primetime teledramang Legal Wives.

Makalipas ang isang oras ay tinanggal ni Suzette ang nasabing FB post.

Ngayong Agosto 26, Huwebes ng umaga, ay nag-post siya sa Facebook ng paglilinaw sa ratings ng teledramang pinapangunahan nina Dennis Trillo, Alice Dixson, Andrea Torres, at Bianca Umali.

Ani Suzette, “Mas mataas pa rin po ang ratings ng Legal Wives kaysa sa katapat nito na ini ere sa apat na istasyon (one digit lang po yata ang suma tutal ng katapat. Ang samang sabihin, sorry, pero need sabihin at Ginagamit ang salita ko).

“Ang aking deleted post ay dahil Feeling ko lang ay dapat mas mataas pa ang nakukuha ng LW lalo at may ingay ang show na hindi lang gawa gawa ng promo, kungdi suporta mula sa mga positibong reviews ng mga nanonood nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi peke, kungdi totoo. Hindi nanloloko.

“Mas gusto rin nating lumawak pa ang audience share nito — panoorin nang mas marami pa dahil hatid nito ay hindi lang aliw kungdi dagdag kaalaman.

“At Magpromote ng unawaan sa pagitan ng mga taong may magkaibang relihiyon. Alisin ang religion: pare pareho tayong tao, mabuting anak at kapatid, kaibigan, etc.

“Oo, gusto nating mas mataas pa para ang mga show na gaya nito (At Bagman, hindi po ako bias. I appreciate a good show) ang maging standard na. Para level Up na lahat.

“Lalo at malapit na sigurong mawala ang tv kaya gusto natin ay mag golden age uli ang tv.. Yun lang ang point at huwag sanang isiping ito ay yabang.

“Sadyang passionate lang po lalo at sobrang mahal ko ang tv at soap opera (minsan ay frustrating na hindi ako naiintindihan ng iba haha).

“Masama bang maghangad nang ganun? Bakit ngayon ay ginagamit ang sinabi ko na para bang talo? HINDI!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Iba ang hugot ko! (Mas malalim pa sa balon. Chos!)"

Hanggang bukas, Agosto 27, Biyernes, na lang muna ang The World Between Us nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Magsi-season break ito ng dalawa’t kalahating linggo.

Simula Agosto 30, Lunes, ay mapapanood nang mas maaga (8:00 p.m.) ang Legal Wives sa GMA Telebabad.

Pahayag pa ni Suzette, “Sa Lunes ay magiging first slot na tayo. At handa tayong lumaban sa bagong katapat (na dalawang beses nang tinalo ng Encantadia — maging nung rewind). Napakaraming twist pa ang kwento ng LW.

“Sa mga nanonood ng Legal wives, salamat sa suporta. Sobra! From the heart!!! Yiii.

“Sa mga hindi pa nanonood: Hindi po basura ang legal Wives. Hindi rin ito sampalan o kabitan (na nakasanayan ninyo dyan) kaya huwag munang maghusga.

“Bakit di ninyo muna silipin? Bago ijudge? Iniimbitahan ko kayo. Tiwala kami sa content nito…”

GORGY RULA

Okay naman ang ratings ng Legal Wives. Hindi nga lang na-meet ang expectations dahil ang ganda kasi ng trailer noong simula pa lang nito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

In fairness sa cultural drama series na ito, maganda naman talaga. Magagaling pa ang mga artista, at may natututunan ka pa sa kultura at tradisyon ng mga kapatid nating Muslim.

Sa radio program namin sa DZRH, lagi kaming may natatangap magagandang feedback sa Legal Wives. Nakakalungkot lang na kailangan talagang ratings ang basehan.

Pero bilang ang GMA-7 ang pinakamalaking TV network ng bansa, di ba't bukod sa pagbibigay ng magagandang programa, responsibilidad din nitong magbigay ng magandang aral at inspirasyon na napapanood ng taumbayan?

Kung kinakailangang mag-suffer ang ratings, ang mahalaga ay may naiambag na magandang aral sa ating manonood. Hindi puro commercial lang.

Kaya talagang saludo ako sa lahat na bumuo ng Legal Wives.

Huwag sumuko. Tuloy ang laban para maibahagi ang mayaman at makulay na kultura ng ating bansa.

Sana, meron pang kasunod na ganitong tipo ng material na mapapanood natin sa GMA-7.

NOEL FERRER

Nasisilip ko itong teleseryeng Legal Wives.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Maayos ang pagganap ng mga aktor dito, pero kailangan talaga ng suporta upang i-push pa ito para mag-level up ang awareness ng publiko.

Habang naka-season break ang The World Between Us, malamang na dito ibubuhos ang publicity push para may malawak na suporta na pampatumbas ng effort ng staff sa panooring ito!

Laban lang! Lalo na kapag alam mong may maganda kang inihahain sa publiko. Walang sayang.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
GMA-7 head writer Suzette Doctolero on Legal Wives: "Oo, gusto nating mas mataas pa para ang mga show na gaya nito (At Bagman, hindi po ako bias. I appreciate a good show) ang maging standard na. Para level Up na lahat. Lalo at malapit na sigurong mawala ang tv kaya gusto natin ay mag golden age uli ang tv.. Yun lang ang point at huwag sanang isiping ito ay yabang."
PHOTO/S: Legal Wives trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results