PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Shara Chavez, Jovit Baldivino on child custody issue

Mag-ex na Shara Chavez at Jovit Baldivino, mainit ang bangayan sa social media.
by PEP Troika
Published Aug 30, 2021
Shara Chavez Cruzat to Jovit Baldivino: "Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama! Hindi ako interesado sa mga opinyon mo about sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero para i-drag mo dito ang anak ko at mag pa awa kunyari mabuting ama ka, ibang usapan na yun."
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Naghimutok si Jovit Baldivino sa ex-girlfriend niyang si Shara Chavez Cruzat noong Agosto 28, Sabado, dahil gusto ng mang-aawit na makuha ang custody sa limang taong gulang na anak nila.

"Ang sa akin lang po eh yung makuha ko ang anak ko sa kanya at ilayo sa masama, kasi matagal na nya itinatago sa akin," hinaing ni Jovit sa kanyang Facebook post.

Dagdag niya, "Syempre, bilang isang ama may karapatan din naman ako sa anak ko…"

Ani Jovit, wala siyang kinalaman sa "scam" na kinasangkutan ni Shara.

SHARA ON FINANCIAL TROUBLE INVOLVING HER BUSINESS

Depensa ni Shara, hindi totoong nanloko siya ng investors sa kanyang negosyong beauty brand.

Nitong Agosto 29, Linggo ng hapon, may mahabang open letter si Shara para kay Angel Tablante aka Edith Francisse Tablante—na itinuring niyang mentor, life coach, big sister, at someone na tinitingala niya sa buhay.

Idinetalye ni Shara ang kaganapan sa SCosmetics by Shara Chavez, na merong 1271 members.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang SCosmetics ay produkto ng korporasyon na SCET Colleens Corporation, kunsaan si Shara ang CEO at ang kasosyo niyang si Tablante ang chief finance officer.

Ani Shara, "May mga hinire po na admin na nakikipag settlement sa mga investors. Need po talaga mag follow ng process hindi po yan utang.

"Investment po ito sana aware kayo kasi ito ay FREE WILL ng lahat. Wala po pumilit sa inyo kahit isa.

"Makipag usap nlng po tayo ng maayos para maayos na ang problema na ito. Stress na rin ang lahat.

"Closed na din po nya ang CORP, nag file sya ng bankruptcy nung isang araw ko lang din nalaman. Ang focus now is makipag settlement sa tao.

"SANA EDITH FRANCISSE TABLANTE, tumupad ka sa mga pangako mo sa kanila. Umaasa kami na maayos ang responsibilidad sa mga tao.

"Humihingi rin ako ng tawad sa lahat investors na naapektuhan, madami po ako pagkukulang at nagtiwala po ako ng buong buo at patawad po sa lahat ng mga nadamay."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Noong August 25, inilathala sa Facebook page ng SCET Colleens Corporation ang pahayag ni Tablante na inaako niya ang responsibilidad na i-settle ang financial transactions sa investors ng kumpanya.

Nakasaad din sa update ng Facebook page na mula August 17 ay nagsimula na umano ang pag-release ng payout para sa investors.

SHARA CLAIMS NO FINANCIAL SUPPORT FROM JOVIT

Bukod sa paliwanag ni Shara tungkol sa estado ng kanyang negosyo, may buwelta rin siya sa tirada sa kanya ni Jovit noong August 28.

Base pa rin sa kanyang August 29 Facebook post, pahayag ni Shara (published as is):

"At para sayo, Mr. Jovit Baldivino. Ang saya mo siguro. Sabi mo nga matagal tayo wala koneksyon at komunikasyon e bakit parang magsalita ka ngayon alam mo yung nangyayari? Gumatong ka pa sa problema na wala ka naman kaalam alam.

"Labas kana sana pero nilagay mo issue pabalik sayo. Dinamay mo na naman ang Diyos. Chance mo ba to na baka magkaka gig ka? Di kpa rin nagbabago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano mo ba malalaman e sa limang taon na nabubuhay ang anak ko, HINDI KA NAMAN NAGSUSTENTO. NEVER KITANG HININGAN KASI KAYA KO."

ON JOVIT'S ALLEGED PAMBUBUDOL NG FAN

Inilahad din ni Shara ang aniya'y pambubudol ni Jovit sa isang fan na hiningan umano ng singer ng pera.

"Kung may scammer sa ating dalawa baka ikaw yun, baka nga budol ka pa. Tanda ko nung Birthday ni Keya, nanghingi ka sa isang Fan para may pang gastos kuno sa Birthday nya ginamit mo pa picture namin na nasa hotel kami kunyari ikaw ang gumastos e sa totoo wala naman.

"Nananahimik ako, wala ako pakielam busy ako pero sobra ka. Konting hiya naman, manginig ng kahit konti, kabahan sa sinasabi please.

"Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama!

"Kagaya ng sinabi ko noon, uulitin ko ulit ngayon kung may kikilalanin syang ama wag ka mag alala at hindi ikaw yun!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi ako interesado sa mga opinyon mo about sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero para i-drag mo dito ang anak ko at mag pa awa kunyari mabuting ama ka, ibang usapan na yun."

May mga pinost si Shara na screenshots ng conversation niya sa isang fan na nabuntis din daw ni Jovit, pero nakunan.

Ibinunyag ng nasabing girl na ginamit daw ni Jovit ang pictures nito with Akeya para mapadalhan ng fan si Jovit ng PHP25K.

Lahad pa ni Shara kaugnay sa kinasangkutang problema sa members ng SCosmetics, “Gusto ko na lang ngayon ay matapos na ang problema na ito. Dahil pagod na pagod na rin ako...

"Nasira ang pangalan ko na ilang taon kong binuo at pinag ingatan. Buntis na buntis ako sinasalo ko lahat ng problema at stress. Kaya ko ba?

"Pero nung nabasa ko itong post ni Jovit teka muna parang nabuhayan ako. Ilalaban ko to! Ilalabas ko ang side ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Shara ay kasal na sa isang non-showbiz guy na nagngangalang Russel Cruzat.

HOT STORIES

GORGY RULA

Rumesbak si Jovit sa parunggit ni Shara nitong Agosto 29, Linggo ng hatinggabi, sa Facebook.

"Hindi sa nagpapasikat ako hehe, naranasan ko na ang sumikat," sabi ni Jovit.

"Hindi naman sa nagyayabang ako, eh ikaw? Nakilala ka lang naman dahil ko, at wag mong sasabihin na wala akong alam sa mga nangyayari sa buhay mo?

"Dahil Hindi naman ako magpopost nang ganito kung hindi ako nadadamay sa problema mo!

"Halos mga kaibigan ko, friends ko sa social media accts ko at kung sino sino pang tao na nascam mo, na hinahanap ka sa akin…"

JOVIT DENIES HE ASKED FOR MONEY FROM A FAN

Itinanggi ni Jovit na nanghingi siya sa fan ng panghanda para sa anak nila.

"Hindi ko kailangang humingi nang pera sa mga fans ko at sa fansclub ko,” pahayag ni Jovit.

"Ikaw itong nawala na sa linya nung time na malapit na ang b-day ni Akeya, naghanda ako, nagplano kami nang mga kaibigan ko para puntahan kayo at sinabi mo pa na sa akin na merong paborito ang anak ko na ganyang bagay, binili ko yun at ginawa namin yun, pero hindi kana sumasagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya hindi pa din nasayang ang hinanda namin kinain na lang namin at nagcelebrate na lang kami nang mga kaibigan ko, and tinago ko na lang yung gustong gift ko sana sa anak ko.

"Kasi daw guyss, saka na lang sya sumagot makailang araw after bday ni akeya, at sabi nya sa akin, kung ano ano daw mga kinukwento about sa kanya na nakarating daw sa kanya.

"Eh hindi naman po ako nagsisinungaling pag tinatanong ako, nagsasabi naman po ako nang tunay at wala naman akong sinasabi na masama.

"Nainsecure ata sya kaya hindi na nagreply nung bday ni keya, at yun naman talaga ang dahilan kaya hindi na sya nagparamdam at hindi na din pinakita ang anak ko, simpleng bagay pero na guilty ata sya."

JOVIT ON SHARA'S BUSINESS PROBLEM

Hangad ni Jovit na ayusin ni Shara ang problema nito.

"Ang kailangan lang naman dito eh maibalik mo yung Milyong Milyon na kinuha mo sa kanila, maawa ka sa mga kaibigan ko, at sa mga taong naginvest sa inyo na mapapapunta lang sa wala," lahad ni Jovit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Isipin mo na pandemya ngayon kailangan nang tao ang pera nila kasi hindi naman basta basta pinupulot ang pera, hindi ka ba nagaalala na apektado ang anak ko sa problema mo?

"Hindi mo ba naiisip yun? Bakit ka ba nagtatago? Harapin mo sila at kausapin HINDI YUNG GAGAWA KA NA NAMAN NANG KWENTO PARA MAIIWAS MO PANGALAN MO SA ISSUE.

"Tapos, hahanapan mo pa ako nang butas para masira na naman ako sa mga TAO, ang galing mo ah nahahanapan mo ako nang problema eh ang problema mo nga di mo magawan nang paraan? Hehehhe,,

"WAG KANG MAG MALINIS AT IKAW ANG MANGINIG SA MGA PINAG GAGAGAWA MO! HEHE."

JOVIT WANTS TO BE A PRESENT FATHER TO DAUGHTER WITH SHARA

Kaugnay sa pagiging ama, idiniin ni Jovit na nais niyang makilala siya bilang ama ng limang taong gulang na anak nila ni Shara.

Diret-diretso pang saad ni Jovit: "At kung sasabihan mo ako nang walang silbing ama manginig ka ulit Mrs. Shara, ikaw ang walang silbing ina para sabihin mo sa tao na WAG AKONG MAGALALA AT HINDI AKO YUNG KIKILALANING AMA NI AKEYA!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Paano mo nasasabi ang ganyang bagay? Bakit hindi ako kikilalanin na ama nang anak ko? Grabe ka!!!

"Kung may pagkakamali ako, mas malaki pagkakamali mo kasi inilayo mo sa akin ang anak ko.

"Ayusin mo muna problema mo bago mo ulit ako babuyin at siraan sa kanila, matagal akong nanahimik Mrs. Shara kahit sobrang sakit nang naririnig ko sa kanila halos balatan ako nang buhay, binaliktad mo lahat, pinaniwala mo sila sa mga kasinungalingan mo kung pwede ko lang bawiin din lahat nang mga nagawa at nabigay ko naisip ko na lang na kay akeya na lang yun,,,,

"Kahit alam nila alam ko at alam nang dyos na wala akong ginawang mali sa inyo, oo dinadamay ko ang panginoon kasi sya naman talaga ang nakakaalam nang lahat.

"IBALIK MO ANG PERA NILA PARA HINDI AKO NADADAMAY NANG WALA KANG NARIRINIG SA AKIN!!"

NOEL FERRER

Alam ba nina Jovit at Shara na mas maaayos nila ang lahat ng ito kung hindi na nila ipinadadaan ang mga gusto nilang sabihin sa isa’t isa sa social media?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bakit pa nila kailangang isapubliko ang mga ito? Hindi na lang nila isinaalang alang ang kanilang anak, pamilya at sarili?

Actually, hindi nakakatuwa ang pag-usapan ang sitwasyon nila sa publiko, lalo na ngayong pandemya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Shara Chavez Cruzat to Jovit Baldivino: "Ako ang bumuhay at nagpapalaki sa anak ko at wala kang karapatan na mag ambisyon sa custody nya dahil wala ka pa ring kwentang ama! Hindi ako interesado sa mga opinyon mo about sa mga nangyayari sa buhay ko ngayon pero para i-drag mo dito ang anak ko at mag pa awa kunyari mabuting ama ka, ibang usapan na yun."
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results