Ipinakilala ni Erin Ocampo ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon.
Ang pag-amin ni Erin ay naganap dalawang linggo mula nang madawit siya sa hiwalayang Kylie Padilla at Aljur Abrenica.
Sa pamamagitan ng Instagram post ngayong Biyernes, Hulyo 30, ipinakita ni Erin ang mga larawan nila ng basketball player na si Henry Iloka.
Si Henry ay isang Nigerian basketball player sa PBA D-League at nasa koponan ng McDavid-La Salle Araneta.
Kalakip ng hugging photos nila ni Henry ay ang pag-amin ni Erin tungkol sa pagkakamabutihan nila ng basketbolista.
Bungad pa lang, tinawag na niyang “baby” si Henry.
“Hi, baby @ilokahenry23 [girl, shaking heads, boy, heart emojis],” simula ng caption ng Kapuso actress.
“These words are not enough to let you know the immense feeling that I have for you.”
Sabi ni Erin, naranasan niya ang “moments of paradise” dahil sa karelasyon.
Patuloy niya, “Ever since I have met you, I have experienced the moments of paradise. Everything is so magical.
“You are that one man who has brought back all the happiness and cheer of my life which I was searching for until now.
“In your company, I feel so blessed, secured and happy and I wish to spend every moment with you.
“I am grateful for everything that we have.”
Nabanggit din ni Erin na isang linggo silang nagkasama ni Henry, pero kailangan muna nilang magpaalam sa isa’t isa para sa kani-kanilang pinagkakaabalahan.
“It's sad to say goodbye again after a week of vacation with you, but I know we'll see each other again soon.
“Thank you for being you Babe, I love you so much.”
Katatapos pa lang ng lock-in taping ni Erin ng Kapuso teleseryeng The World Between Us, na pinagbibidahan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith.
Hindi binanggit ni Erin kung gaano na katagal ang relasyon nila ni Henry.
Si Erin ay dating miyembro ng GirlTrends o GT, ang all-female group sa It's Showtime.
Nakarelasyon niya noon ang singer na si Michael Pangilinan at mayroon silang isang anak na lalaki.
ERIN TAGGED IN THE KYLIE PADILLA-ALJUR BREAKUP
Kamakailan, isa si Erin sa mga pangalang naugnay umano kay Aljur.
Ito ay matapos aminin ni Robin Padilla, ama ni Kylie, na third party ang dahilan ng paghihiwalay ng kanyang anak at asawa nitong si Aljur.
Nagsulputan ang mga babaeng itinuturong diumano’y third party, kagaya nina Cindy Miranda, Maika Rivera, at Erin.
Una nang lumantad sina Cindy at Maika upang tahasang itanggi ang alegasyon.
Walang tuwirang pahayag si Erin tungkol sa pagkakadawit niya sa breakup nina Aljur at Kylie, liban sa cryptic tweets niya noong July 12 tungkol sa pag-iwas sa negative vibes.
Pero malinaw sa latest IG post ni Erin na may lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ngayon, at hindi ito si Aljur.
