Lovi Poe, pinu-promote pa rin ng GMA-7 kahit Kapamilya na

by PEP Troika
Sep 22, 2021
Simula sa October 1 ay mapapanood na Kapuso prime-time series na Owe My sa Netflix Philippines. Pinagbibidahan ito nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
PHOTO/S: GMA-7 / @lovipoe Instagram

JERRY OLEA

Kahit Kapamilya na si Lovi Poe, ipino-promote pa rin siya ng Kapuso Network.

Nag-tweet ang GMA Network at si Kapuso PR Girl noong Setyembre 20, Lunes ng hapon, kaugnay sa Netflix streaming ng seryeng Owe My Love nina Lovi at Benjamin Alves umpisa Oktubre 1, Biyernes.



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napabalita rin iyon that day sa website ng GMA News Online at GMA Network (Showbiz News section).



ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong Setyembre 22, Miyerkules ng hapon, ibinahagi rin iyon ng GMA sa PEP Troika at iba pang taga-media.

Anila, "Talagang mapapa-OML ang fans ng Team SenMig dahil mapapanood na nila muli ang kilig, iyak, at tawa nina Sensen Guipit at Doc Migs sa Owe My Love!

Magiging available na ito sa Netflix Philippines simula October 1.

"Ang hit romantic-comedy series ng GMA Public Affairs ay pinagbibidahan nina Lovi Poe bilang si Pacencia ‘Sensen’ Guipit at Benjamin Alves bilang Dr Miguel ‘Migs’ Alcancia.

"Umiikot ang kuwento nito sa pagatataguyod ni Sensen sa kanyang pamilya sa pamamagitan sa pagpasok sa iba't ibang raket.

"Makikilala niya ang heart surgeon na si Doc Migs na nag-aalaga sa kanyang Lolo Badong.

Sa pagkrus ng kanilang landas ay magkakaroon ng utang si Sensen kay Doc Migs. At habang binabayaran niya ito, ang sukli sa kanilang dalawa ay unti-unting nagiging pag-ibig.

"Bukod sa kilig at tawa ay marami din itong hatid na financial lessons sa manunuod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasama rin sa masayang cast ng Owe My Love ang Comedy Concert Queen na si Aiai Delas Alas, Winwyn Marquez, Jackie Lou Blanco, Nova Villa, Ruby Rodriguez, Pekto Nacua, Buboy VIllar, Kiray Celis, Ryan Eigenmann, Jelai Andres, Jon Gutierrez, Jason Francisco, Divine Tetay, Terry Gian, at ang yumaong komedyante na si Mahal.”

Ipinalabas ang Owe My Love sa GMA Telebabad mula Pebrero 15, 2021 hanggang Hunyo 4, 2021.

Nitong Setyembre 16, Huwebes pumirma ng kontrata ang 32 anyos na si Lovi sa ABS-CBN.

Gaganap si Lovi at ang 44 anyos na si Piolo Pascual bilang mag-asawa sa Pinoy adaptation ng 2020 South Korean drama thriller na Flower of Evil. Si Piolo ay tiyo ng 37 anyos na si Benjamin.

GORGY RULA

Ipo-promote kaya ni Lovi sa social media ang huling series na ginawa niya sa GMA-7?

Hindi ako sure kung proud siya rito sa Owe My Love, pero ang natitiyak ko, nabuo ang magandang friendship ng buong cast, kahit inalat ito ni Mystica nang sinimulan nila ang lock-in taping nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siguro, mas mabuting i-promote na lang natin ang seryeng ito na mapapanood na sa Netflix ang huling series na ginawa ni Mahal.

Kuwela ang role ni Mahal dito bilang si Mini Divi, ang personal assistant ni Divina Advincula na ginagampanan ni Jackie Lou Blanco.

Na-enjoy ni Mahal ang role niya rito dahil sa mga bonggang outfit na pinapasuot sa kanya. Sinabi niyang special treatment siya rito sa Owe My Love.

NOEL FERRER

Nakakatuwang maglaro ang tadhana na ang magtito na sina Benjamin Alves at Piolo Pascual ay katambal ni Lovi Poe sa magkasunod na TV series ng aktres.

With her transfer sa ABS-CBN, maraming posibilidad ng mga bagong makakatrabaho at kaakibat niyon ay mga bagong matututunan.

Pagkatapos ng obligatory ASAP Natin ‘To welcome, may It’s Showtime at Magandang Buhay pa.

Tapos, aabangan din natin ang unang feature ni Lovi sa iconic na Maalaala Mo Kaya. Dito masa-sample-sample ang “artistic growth” na inaasahan ng talents na lumilipat sa Kapamilya network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simula sa October 1 ay mapapanood na Kapuso prime-time series na Owe My sa Netflix Philippines. Pinagbibidahan ito nina Lovi Poe at Benjamin Alves.
PHOTO/S: GMA-7 / @lovipoe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results