PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ang Probinsyano continues to be shown in Vietnam, other countries

Rivalry nina Renato, Lily, at Arturo mas naging intense!
by PEP Troika
Published Oct 15, 2021
Matutuloy ba ang pagpasok ni Sharon Cuneta (right) sa FPJ's Ang Probinsyano? Sa latest episode ng action-drama series, mas intense ang pagiging tuso ng mga kalabang sina Renato (John Arcilla), Lily (Lorna Tolentino), at Arturo (Tirso Cruz III).
PHOTO/S: Revirginized / FPJ's Ang Probinsyano

JERRY OLEA

Ipapalabas na ang ikalawang season ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Vietnam.

Mapapanood ng Vietnamese viewers ang bagong yugto sa kuwento ni Cardo Dalisay (Coco Martin) simula Oktubre 17 tuwing Biyernes, Sabado, at Linggo sa HTV9 channel.

Sa nakalipas na anim na taon ng serye, dumami pa ang mga taong sumusubaybay sa longest-running Pinoy action-drama series sa bansa.

Maliban sa Vietnam, natutunghayan ang episodes nito sa Netflix at The Filipino Channel, at ipinalabas sa TV sa Myanmar, Laos, Thailand, at 41 bansa sa Africa.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng kasalukuyang season nito, nagkakagulo na ang mga kaaway ni Cardo.

Nag-uumpisa nang planuhin ni Arturo (Tirso Cruz III) kung paano niya maiisahan ang boss niyang si Lily (Lorna Tolentino) at ang makapangyarihang si Renato (John Arcilla).

Problemado si Lily dahil ayaw siyang tulungan ni Arturo pagkatapos mahuli ang kasosyo niyang si Lito (Richard Gutierrez) ng grupong Black Ops na pinamumunuan ni Albert (Geoff Eigenmann).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking problema rin ang hinaharap ni Renato dahil bukod sa pagkakapaslang ng malapit niyang tauhan, nabuntis din ng impostor na presidenteng si Mariano (Rowell Santiago) ang sekretarya nito.

Sa oras na malaman ito ng publiko, magiging malaking iskandalo ang balita na maaaring makasira sa pagkakandidato ni Renato sa paparating na halalan.

Napapanood ang FPJ’s Ang Probinsyano mula Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, CineMo, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, iWantTFC, at WeTV.

GORGY RULA

Papasok na tayo sa 2022, magpapalit na rin ng administrasyon. Sana, makakuha na ng franchise ang Kapamilya network.

Para meron na talaga silang sariling istasyon kunsaan napapanood sa free TV ang FPJ’s Ang Probinsyano at ang iba pa nilang programa.

May iba pa silang magaganda drama series na mas maganda kung mas malawak ang reach ng kanilang network.

NOEL FERRER

The good thing lang is… with or without franchise, nananatiling malakas sa online at top of mind pa rin ang FPJ's Ang Probinsyano sa mga kababayan natin!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Teka, matutuloy ba ang ating Megastar Sharon Cuneta sa pagpasok sa teleseryeng ito?

Maganda ito for visibility rin, lalo pa’t napakahirap umikot sa buong Pilipinas para makapagkampanya sa kanyang asawang si Kiko Pangilinan.

Dito na puwedeng ibuhos ni Shawie ang kanyang efforts!!!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matutuloy ba ang pagpasok ni Sharon Cuneta (right) sa FPJ's Ang Probinsyano? Sa latest episode ng action-drama series, mas intense ang pagiging tuso ng mga kalabang sina Renato (John Arcilla), Lily (Lorna Tolentino), at Arturo (Tirso Cruz III).
PHOTO/S: Revirginized / FPJ's Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results