PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julia Montes, Coco Martin go together to voter registration site

Julia shows video of her and Coco during voter registration at a mall.
by Rachelle Siazon
Published Sep 29, 2021
Ipinakita ni Julia Montes na magkasama sila ni Coco Martin na nagparehistro para sila ay makaboto sa May 2022 elections. Bukod sa co-stars sila sa FPJ's Ang Probinsyano, matagal nang hinihinalang magkarelasyon sila sa tunay na buhay.
PHOTO/S: @montesjulia08 Instagram

Magkasabay na nagparehistro sa voter registration sina Julia Montes at Coco Martin.

Si Julia ang nag-post ng short video clip ng pagpila nila ni Coco sa voter registration site ng Commission on Elections (COMELEC) sa isang mall.

Nakasuot ng face masks at face shields ang dalawa, pero may ipinakitang mga litrato si Julia kunsaan kita ang mga mukha nila ni Coco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa last stage kasi ng registration ay pinapatanggal ang face mask at face shield para makunan ng litrato para sa voter's ID.

Sabi caption ni Julia, nakasulat ang quote mula kay Roald Dahl na nagsasabing, "Somewhere inside of all of us is the power to change the world."

Dinagdagan niya ito ng hashtags na "#botopilipinas, #magparehistroka, #iwillvotein2022, #magparehistrona, at #bobotoakosa2022."


CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngayong September 29, kinumpirma ng COMELEC na inaasahang mae-extend ang voter registration hanggang October 31.

September 30 ang original date ng huling araw ng registration.

Pero sa panayam ng CNN Philippines, sinabi ni COMELEC Chairman Sheriff Abas na pinaplano ng ahensya na sa October 8 muling i-resume ang voter extension hanggang sa October 31.

JULIA AND COCO'S RELATIONSHIP

Sina Julia at Coco ay kasalukuyang magkatrabaho sa Kapamilya prime-time series na FPJ's Ang Probinsyano.

May ginawa rin silang pelikula na hinulma ng direktor na si Brillante Mendoza.

Hindi kaila sa mga masugid nilang tagasubaybay ang matagal nang hinihinalang relasyon ng dalawa at pagkakaroon nila ng anak.

Tikom-bibig sina Coco at Julia tungkol sa estado ng kanilang relasyon, pero mula nang magbakasyon sila sa Boracay noong Marso ay unti-unti silang naging bukas sa kanilang madalas na pagsasama.

Noong Hulyo ay namataan din sila sa isang shop sa Greenhills, San Juan City.

Noong buwan ding iyon ay umamin si Julia tungkol sa relasyon niya sa isang hindi pinangalanang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinabi ni Julia sa panayam ng Mega Magazine na "personal choice" nila ng kanyang karelasyon na panatilihing pribado ang kanilang ugnayan para makaiwas sa intriga.

Bahagi ng pahayag ni Julia: "Pag hindi kayo, pag magka-love team kayo, gustong maging kayo. Pag kayo, pagsisirain kayo.

"So, might as well, 'O, anong alam niyo? Okay, kung anong alam niyo, okay po.' Yun na lang."

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ipinakita ni Julia Montes na magkasama sila ni Coco Martin na nagparehistro para sila ay makaboto sa May 2022 elections. Bukod sa co-stars sila sa FPJ's Ang Probinsyano, matagal nang hinihinalang magkarelasyon sila sa tunay na buhay.
PHOTO/S: @montesjulia08 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results