JERRY OLEA
Takaw-pansin ang singsing ni Paolo Gumabao nang mainterbyu namin nitong Oktubre 21, Huwebes ng hapon, via Zoom.
“Oh my God! Costume ko ‘to!” bulalas ni Paolo, sabay hubad ng singsing.
“Nakalimutan kong tanggalin. Wedding ring namin ‘to ni Kylie. Andito pa pala ‘to! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Hindi si Kylie Padilla ang tinutukoy ni Paolo, kundi si Kylie Verzosa na gumanap bilang asawa niya sa pelikulang Sisid, sa direksiyon ni Brillante Mendoza.
First time nakatrabaho ni Paolo si Kylie Verzosa. Kumusta ang working relationship nila, lalo pa’t meron silang intimate scenes?
“Si Kylie… si Kylie kasi, noong una, pagdating niya — kasi, nauna akong dumating, e — ahhm, nilapitan ko na rin siya,” matamang kuwento ni Paolo.
“Kaibigan siya ni Marco [Gumabao], e. Si Marco kasi is good friends with Jake Cuenca, di ba? And good friends with Kylie also.”
Si Marco ay half-brother ni Paolo. Ama nila si Dennis Roldan, na Mitchell Gumabao sa totoong buhay.
Nagkatrabaho sina Marco at Jake bilang half-brothers sa Kapamilya teleseryeng Los Bastardos (Oktubre 2018-Setyembre 2019), kung saan kasama rin si Kylie Verzosa. Doon nagkamabutihan sina Kylie at Jake.
Pagpapatuloy ni Paolo, “Yung unang sinabi ko kay Kylie pagdating niya, sabi ko, ‘Uy! You know it’s ironic, ‘no?’ Kasi, kakatapos lang ni Kylie na mag-shoot ng movie with Marco, na medyo daring din. Under Viva din yun.
“Sabi ko, ‘Uy, nakakatawa, ‘no? After mo kay Marco, isa na namang Gumabao, sabihin ng mga…’ Tapos, biniro ko lang, ice breaker lang para matawa siya, and maging komportable na siya.
“After nun, naging magkaibigan na rin kami ni Kylie.”
Kaabang-abang ang eksenang “sinisid” ni Kylie si Paolo sa pelikula.
Pero ang na-enjoy nang lubos ni Paolo ay ang mga eksena niya ng pagsisid, yung underwater scenes.
Paliwanag ni Paolo, “Doon mo makikita lahat ng beauty ng dagat. Kasi siyempre, a lot of us, gusto nating pumunta sa dagat. Maganda yung view, maganda yung surface.
“Yes, it’s beautiful. Pero pag sumisid ka sa ilalim, makikita mo lahat. Mga corals, iba’t ibang klaseng isda, may pawikan pa nga.
“We were lucky enough na biglang may sumulpot na pawikan. And, ahhmm, here’s the thing about our scenes underwater. It was very challenging.
“Before kami sumisid sa ilalim ng tubig, kailangan naming pag-usapan yung shot list. So, nag-usap kami ng cameraman…
“Pinag-usapan namin na OK, ganito… yung mga gestures na gagamitin natin. Kasi, pag sumisid na kayo sa dagat, hindi na kayo makakapagsalita, e.
“So, yung mga eksenang kukunan namin, pag-uusapan muna, tapos aarte kami sa ilalim ng tubig. Kailangan, mas malapit yung camera. Kailangan, marunong kang mag-favor sa camera.
“Kasi, minsan hindi makikita underwater. Kailangan kasi, ang gusto ni Direk Brillante, hindi kami mukhang dobol. Gusto ni Direk Brillante, kitang-kita na kami yung nasa ilalim ng tubig.
“So, that was a challenge. And ang hirap gumalaw underwater, lalo na pag ganun kalalim [30 feet]. Actually, nasugatan ako. Nasugatan ako dito,” pagmuwestra ni Paolo sa kaliwang palad niya.
“Lahat kami, nagkasugat kami. Kasi, ang mga corals, matatalas. Matutulis!”
Maliban kina Paolo at Kylie, nasa cast ng Sisid sina Vince Rillon, Christine Bermas, Irma Adlawan, at Mayton Eugenio.
GORGY RULA
First time din para kay Paolo na makatrabaho si Direk Brillante sa pelikulang Sisid.
Ipinahanap ni Direk Brillante ang Star Magic talent na si Paolo sa Viva Films para makatambal ni Vince Rillon.
“Very happy ako, kasi matagal ko nang gustong makatrabaho si Direk Brillante dahil napanood ko yung series niya na Amo sa Netflix two years ago,” lahad ni Paolo.
“And noong napanood ko yung series na yun, sabi ko, ‘Gusto kong makatrabaho ‘tong direktor na ‘to.’
“Siyempre, nung nalaman ko na ni-request niya ako sa Viva, I was very happy. Na-excite ako. And yung bida pa sa Amo is yung bida rin dito na si Vince Rillon.
“Sobrang excited and, at the same time, naano ako… parang feeling ko, headless fly akong lumilipad, wala akong ulo,” pagmumuwestra ni Paolo.
“Kasi, iba si Direk Brillante’ng magdirek. Hindi siya nagbibigay ng lines. Ibibigay niya lang sa ‘yo yung situation, and ibibigay rin niya sa co-actor mo yung situation, and bahala na kayo sa lines niyo kung paano niyo i-interpret yung situation na yun in your words.
“So, kailangan talaga, nag-iisip ka constantly. Kasi, ayaw niya na may mine-memorize ka. Ayaw niya na it sounds rehearsed. So, gusto niya natural.”
Nasakyan ba niya ang estilo ni Direk Brillante, kung saan inilarawan lang sa script ang mga eksena, pero bahala silang mag-improvise ng mga dialogue? Proud ba siya na nakapag-deliver ng lines na hiningi sa kanya?
Napangiti si Paolo, “Para sa akin, as an actor — I’ve been acting for eight years — and I’ve never felt more of an artist dito sa Sisid.
“Dito talaga sa Sisid, I felt talaga yung artistry. Parang… overwhelming freedom. I’ve never had this much control over my character.
“And dito talaga, parang… since ikaw talaga lahat, every scene na ginagawa namin, proud ako! Kasi syempre, lahat ng eksena na 'yan, hindi 'yan madali.
“Kailangang mag-isip ka ng sarili mong lines. Kailangan, hindi ka mag-memorize. Kailangan,spontaneous ka.
“So, lahat naman ng mga eksena na ginawa namin na may line, may mga conversations, I’m very proud of them. Kasi, alam ko sa sarili ko na hindi madaling gawin 'yon.
“And siyempre, lahat ng mga artista dito sa bansa natin, also across the world… nasanay tayo, kami, na may lines. May sinusunod kami.
“Pero dito kasi, wala kayong sinusunod, e… Noong una, medyo hindi namin nakuha. Unang eksenang syinut namin, ako, si Kylie and si Mayton Eugenio.
“Na-overwhelm kami sa freedom. To the point na yung mga sinasabi namin, hindi na connected sa eksena.
“Pero nung unti-unti, nakukuha na namin… nakukuha na namin yung ano, kung paano talaga, ano ang mga dapat sabihin namin, naging smooth na yung mga eksena.
“Na-enjoy na namin. Ahh, hindi na kami kinakabahan. Nage-gets na namin, nabibigay na namin yung gusto ni Direk Brillante.”
NOEL FERRER
Sana, mag-work ang pagsisid nilang ito na foray rin ni Direk Brillante Mendoza to commercial filmmaking for his prized talent Vince Rillon.
Remember that his biggest earning film so far may be Mindanao (MMFF 2019) starring Miss Judy Ann Santos, and we’ll see if this commercial project is truly a commercial one and a crowd-pleaser which is not usually tatak-Brillante!!!
Good luck Paolo, Kylie, and Vince sa inyong pag-Sisid!
