PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño passed on other projects to enter Pinoy Big Brother

Pagpasok ni Albie sa PBB, magbunga kaya ng mas maraming proyekto?
by PEP Troika
Published Oct 29, 2021
Si Albie Casiño ang isa sa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition,
PHOTO/S: @vynimalism / @thestallion09 on Instagram

JERRY OLEA

Hindi pa sana papasok si Albie Casiño sa Bahay ni Kuya.

Noong Setyembre 25, Sabado, ay nag-report si Albie sa set ng pelikulang Moonlight Butterfly sa Angeles City.

Three days ang shooting niya sa launching movie ni Christine Bermas, sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Sa storycon ng Moonlight Butterfly ay tinanong si Albie kung hanggang saan ang kaya niyang ipakita.

Tugon ng 28-anyos na aktor, “Let’s just say na may gagawin ako rito na first time ko siyang gagawin.”

Pwetmalu si Albie sa love scene nila ni Christine. Ayon sa source ng PEP Troika ay parehong nag-plaster ang dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Christine Bermas and Albie Casiño

Na-impress si Direk Joel sa performance ni Albie.

Ika-cast din sana si Albie sa kasunod na movie ni Direk Joel, yung Walker na nag-shooting noong Oktubre 21-27 sa Cavite City.

Kaso, naka-lineup na si Albie bilang isa sa walong celebrity housemates na papasok sa Bahay ni Kuya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gusto rin sana ni Albie na dumalo sa 34th Tokyo International Film Festival (Oktubre 30-Nobyembre 8) sa Japan. Kalahok kasi roon ang pelikulang Resbak na idinirek ni Brillante Mendoza.

Markado ang papel ni Albie sa nasabing movie na pinagbibidahan ni Vince Rillon, at nagtatampok din kina Jay Manalo, Khalil Ramos, Nash Aguas, at Bibeth Orteza.

Siyempre, may quarantine-quarantine pa kung magto-Tokyo si Albie, kaya hindi na siya tumuloy at sa halip ay nagpasiklab na sa PBB Celebrity Edition.

NOEL FERRER

Plain and simple—malamang na tinimbang ni Albie ang lahat at mas makakabuti sa kanyang visibility at career move ang pasali sa Pinoy Big Brother para mapalapit pa siya lalo sa masa, sa mainstream TV audience.

Ang huling teleserye ni Albie ay Init Sa Magdamag na pinagbidahan nina Yam Concepcion, JM de Guzman, at Gerald Anderson, at nagwakas noong Setyembre.

May isa pang movie si Albie na natapos, yung Got 2 Bilibid Magic kung saan leading man siya ni EJ Jallorina. Co-stars nila sina KaladKaren, Nikko Natividad, Royce Cabrera, John Lapus, Miles Ocampo, Jao Mapa, at Krissy Achino, sa direksiyon ni Rod Singh.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sana, yung pagpasok ni Albie sa Bahay ni Kuya ay magbunga ng marami pang magagandang proyekto para sa kanya after.

GORGY RULA

Tila ine-enjoy lang ni Albie itong pagpasok niya sa PBB. Parang hindi niya siniseryosong manalo sa reality show na ito.

Bago siya pumasok ay may plano na siyang magsa-Siargao o baka Boracay paglabas niya ng Bahay ni Kuya.

Kung magsa-Siargao siya, posibleng magkakasalubong sila roon ni Andi Eigenmann. Mangyayari kaya ang bonggang deadmahan, o doon na magso-sorry sa kanya si Andi?

Sana, magkaayos na lang. Hindi man sila maging friends, maging kaswal na lang at wala nang sasabihing di maganda sa isa't isa.

Blessed naman ngayon si Albie sa dami ng projects niya, at mukhang happy naman si Andi sa simpleng buhay niya sa Siargao.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Albie Casiño ang isa sa celebrity housemates sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Celebrity Edition,
PHOTO/S: @vynimalism / @thestallion09 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results