Andi Eigenmann reaches out to ex-boyfriend Albie Casiño to apologize

by Bernie V. Franco
Sep 4, 2020
Andi Eigenmann on apologizing to ex-boyfriend Albie Casiño: “you and the rest of the public are not aware, because i never owed you that apology. I owed that to him.”
PHOTO/S: @andieigengirl and @thestallion09 on Instagram

Kinumpirma ng isang showbiz source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nag-reach out si Andi Eigenmann, 30, kay Albie Casino, 27, para mag-sorry.

Ito ay matapos sabihin ni Albie sa isang social media post earlier this week na hindi pa nagso-sorry sa kanya ang dating girlfriend.

Nakarating ito kay Andi kaya nakipag-ugnayan siya kay Albie at humingi ng sorry.

Nakumpirma ito nang lumabas sa social media noong Huwebes, September 3, ang komento ng aktres, kung saan sinabi niyang humingi na siya ng tawad sa dating nobyo.

Sina Andi at Albie ay nagkaroon ng relasyon na nauwi sa masalimuot na paghihiwalay noong 2011.

ALBIE SAYS: "Hindi pa"

August 30, 2020, inanunsiyo ni Andi sa YouTube video na ipinagbubuntis niya ang kanyang pangatlong anak.

Ito ang pangalawa niyang anak sa kasalukuyang karelasyon, ang surfer na si Philmar Alipayo.

Isinilang ni Andi ang unang anak nila ni Philmar na si Lilo noong July 2019.

Continue reading below ↓

Ang panganay ni Andi na si Ellie, 8, ay anak niya sa dating boyfriend na si Jake Ejercito.

Kasunod ng balitang buntis ulit si Andi, isang netizen sa Twitter ang nag-share ng headline tungkol sa announcement ng aktres.

Pero isang nakakaintrigang tanong ang iniwan nito: “nagsorry ka na ba kay albie? charot”

Hindi na visible ang tweet na ito. Hindi rin malinaw kung kailan ito ipinost ng netizen.

Pero nag-react dito si Albie. Ni-repost ng aktor sa kanyang Instagram Story ang screenshot ng tweet ng netizen.

Sagot ni Albie sa tanong: “Hindi pa [three crying face emojis]”

Continue reading below ↓

Wala nang iba pang komento si Albie sa kanyang post.

NETIZEN ASKS ANDI IF SHE'S APOLOGIZED TO ALBIE

Pagsapit ng Huwebes, isang netizen ang nagkomento sa Instagram, at naka-tag si Andi.

Iminungkahi ng netizen sa aktres na mag-sorry ito kay Albie.

Mensahe ng netizen (published as is): “@andieigengirl baka naman gusto mo na po mag sorry kay Albie pagkatapos ng ginawa nyo po sakanya nuon kahit na matagal na iyon deserve nya pa rin naman po makatanggap ng public apology or kahit personal man lang..”

Ayon pa rito, dahil sa “false accusation” noon ni Andi na si Albie ang ama ng dinadalang bata, kinamuhian ng publiko si Albie at nasira ang papausbong nitong showbiz career.

Pagpapatuloy ng netizen, “maraming nawalang project sakanya, halos nasa peak sya ng career nya with Kath pero nawala lahat ng iyon nasira sa false accusation…”

Naging magkapareha sina Albie at Kathryn Bernardo sa ABS-CBN primetime series na Mara Clara (2010-2011), na mainit na tinangkilik ng madla.

Continue reading below ↓

Sabi pa ng netizen, dahil sa nangyari, kinailangang magsimula muli ni Albie sa ibaba matapos malugmok ang career.

Dagdag nito, “Pero kung iisipin napakabait ni Albie dahil pagkatapos ng ginawa nyo sakanya, di nya parin nagawang sampahan kayo ng kaso.. kahit yata halos patayin na sya sa bugbog nuong mga araw na yun tama ba ko?”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy na pambubugbog kay Albie ay ang insidenteng nangyari noong May 5, 2012.

Isang taon na noon matapos nilang mag-break nang muling nagkrus ang landas nina Andi at Albie sa Fiamma bar sa Makati City.

Akusasyon ni Andi, nakita raw niyang nag-make face sa kanya si Albie at narinig din umano niyang magmura ang aktor nang magkalapit sila.

Sinabuyan umano ng alak ni Andi si Albie sa mukha at saka sinampal. Habang itinanggi ni Andi na sinampal niya si Albie, hindi nito itinanggi ang pagsaboy ng alak.

Pagkatapos nito, sinundan si Albie ng mga kaibigang lalaki ni Andi sa parking lot at doon ay binugbog ang aktor, dahilan para maospital si Albie sa mga tinamong sugat.

Itinanggi naman noon ni Andi na may kinalaman siya sa nangyari, at ipinagtanggol ang mga kaibigang nambugbog kay Albie.

ANDI responds

Sinagot ni Andi ang netizen na nagsabing dapat siyang mag-apologize kay Albie.

Continue reading below ↓

Ayon sa aktres, nag-apologize na siya kay Albie.

Saad ni Andi, “Not that i owe you any sort of explanation, but since you’re the only one that has tagged me in this, i actually already have. (You can ask him that too.)

“you and the rest of the public are not aware, because i never owed you that apology. I owed that to him.”

Makahulugan pa niyang pahayag, “You see, It’s one thing not to have given forgiveness. That’s something i can’t control. but it’s also another thing to say otherwise.”

Ang masayang estado raw ng buhay ngayon ni Andi ay patunay na malaki na ang ipinagbago ng kanyang pag-uugali.

“My past struggles have taught me that we can never really please everybody. That no matter what, there will always be people like you who will be quick to judge others w/o knowing their story.

May mga tao raw na titingnan at pakikinggan lamang kung ano ang gusto nila.

Continue reading below ↓

“(Did any of you even remember that the root of this controversy was because I was physically abused? Right. I don’t think so. But you know what? im ok with it.)”

Nang mapabalita ang paghihiwalay nina Albie at Andi noong 2011, may akusasyong sinampal umano ni Albie si Andi.

Itinanggi ito ni Albie sa isang comment sa social media.

Pagpapatuloy ni Andi: “This is exactly why I found my happiness living away from the limelight, and all the constant judgment from people you don’t even know.”

Ayon pa sa aktres, “Through all this ive learned that kindness is key no matter what. And that has definitely done me so much good.

“You obviously dont know me, so you probably wouldn’t know. Nevertheless I want you to try that too.

“I know times have been tough on all of us lately. But it always, always pays to be kind.”

Continue reading below ↓

Hindi malinaw sa komento ni Andi kung tinanggap ni Albie ang kanyang sorry.

Pero ayon sa isang source ng PEP.ph, nagkausap sina Andi at Albie via messaging noong Miyerkules, September 2.

Si Andi umano ang nag-reach out, at naging maayos naman ang usapan nila ni Albie.

Hindi na nagbigay ng iba pang detalye ang source.

ANDI-ALBIE-JAKE

Childhood friends sina Andi at Albie. Nagsimula silang mag-date bago pa man sila mag-artista.

Pareho silang nabigyan ng malaking break sa ABS-CBN noong 2010: si Albie bilang partner ni Kathryn sa teleseryeng Mara Clara, at si Andi bilang lead sa teleseryeng Agua Bendita.

Kasunod ng balitang paghihiwalay nila noong 2011, pumutok ang balitang buntis si Andi.

Bukod kay Albie, lumutang din ang pangalan ni Jake bilang ama ng batang nasa sinapupunan ni Andi.

Sa isang blog noong September 2011, tinukoy ni Andi na si Albie ang ama ng kanyang dinadala.

Sa sumunod na limang taon, hindi malinaw kung sino ang ama ng anak ni Andi.

Continue reading below ↓

Ngunit noong September 2016, isiniwalat ni Maxene Eigenmann, half-sister ni Andi, na si Jake ang ama ni Ellie.

Ginawa ni Maxene ang rebelasyon sa isang podcast ng Good Times with Mo.

Noong October 2016, kinumpirma ni Jake na siya nga ang ama ni Ellie.

Sa ngayon, patuloy si Albie sa kanyang showbiz career. Ang pinakahuling main role niya ay sa Los Bastardos noong 2018-2019.

Nagkaroon din siya ng special participation sa ongoing ABS-CBN teleseryeng Ang Iyo Ay Akin na nagsimula noong August.

Napanood din siya sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Martes, September 1.

Samantala, si Andi naman ay piniling mamuhay nang simple kasama ang kanyang pamilya sa Siargao, pagkatapos niyang lisanin ang showbiz noong 2017.

Pero aktibo pa rin si Andi sa social media, at may panaka-nakang interviews sa mga shows at online sites.

Pagdating naman sa anak na si Ellie, co-parenting sila ni Jake, na pumasok na rin sa pag-aartista matapos ianunsiyo noong Hunyo na bahagi na siya ng ABS-CBN talent management arm na Star Magic.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andi Eigenmann on apologizing to ex-boyfriend Albie Casiño: “you and the rest of the public are not aware, because i never owed you that apology. I owed that to him.”
PHOTO/S: @andieigengirl and @thestallion09 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results