Kim Atienza, inientrega sa misis lahat ng kita niya sa GMA-7

by PEP Troika
Nov 3, 2021
Kim Atienza ratsada sa tatlong shows niya sa GMA-7: "Be careful what you ask for.' Kasi, I asked for this, e. Ito ang ginusto ko, e. And it’s good because I’m getting stretched, and I’m learning more. I’m learning so many things."
PHOTO/S: @kuyakimatienza Instagram

GORGY RULA

Nakaentrega pala kay misis ang lahat na suweldo ni Kim Atienza.

Na-curious ang PEP Troika kung ano ang balak gawin ni Kuya Kim sa unang suweldo niya mula sa Kapuso network.

Mag-iisang buwan na siya sa GMA-7, at next week ay maaaring matanggap na niya ang kanyang unang tseke mula sa mga programa niya sa network.

"Ibibigay ko lahat sa misis ko," kaagad na sagot ni Kuya Kim nang nakatsikahan namin ngayong Miyerkules, November 3, sa virtual mediacon ng Mars Pa More.

Sabi pa niya, "Actually, I made an arrangement with the bank. Sabi ko, 'Puwede bang mutual account?' Gusto ko, alam niya, e.

"Sabi, 'What you can do is your personal account and you can go to mutual account,' then internal lang ang arrangement namin sa bangko.

"Anything you can get from GMA-7, they will transfer to your mutual account. So my wife has access to what I earn. I gave everything to my wife.

Continue reading below ↓

"The little rakets naman I do on the side…malakas akong rumaket sa social media o kung saan saan man. I get that for my hobbies naman, and she allows me.

"Napagalitan nga ako minsan, kasi medyo napalakas na daw."

Nae-enjoy ni Kuya Kim ang TV shows na ginagawa niya sa GMA-7. May segment siya sa 24 Oras na "Kuya Kim Ano Na" at "Alam Na This."

Meron siyang daily rin na Dapat Alam Mo sa GTV kasama sina Patricia Tumulak at Emil Sumangil.

At simula sa Lunes, November 8, ay kasama na siya nina Camille Prats-Yambao at Iya Villania-Arellano sa Mars Pa More.

Kaya umaga hanggang gabi ay araw-araw mapapanood si Kuya Kim. Sabi naman niya ay nakasanayan na niya ang ganitong trabaho kahit nung nasa kabilang istasyon pa siya.

Hindi ba siya nahihirapan sa dami ng mga trivia na ibabahagi niya sa kanyang tatlong daily shows?

Sagot ni Kuya Kim: "Ano nga, e, 'Be careful what you ask for.'

Continue reading below ↓

"Kasi, I asked for this, e. Ito ang ginusto ko, e. And it’s good because I’m getting stretched, and I’m learning more. I’m learning so many things.

"Sa Dapat Alam Mo, hindi madaling newscast yun. Napakahirap nun.

"Sabi ko nga kina Patricia at Emil, after this newscast, kahit saan kayo mag-newscast, kaya na natin. Mahirap. Mahirap, but I’m learning.

"Tapos dito sa Mars Pa More, I’m learning to be softer, I’m learning to be more for myself with the trivia, and learning to relax more, alam mo yun?

"Yung 24 Oras, pareho rin yun. That’s what I used to do in the other station.

"The more stretch there is, the more growth there is also din… and it’s good.

"Change is good. And a little stretch is good for your character and to develop your totality," masayang pahayag ni Kuya Kim.

JERRY OLEA:

Paano naha-handle ni Kuya Kim ang mga bashers? Bakit ang cool lang niya sa pagpatol sa mga bashing sa kanya?

Continue reading below ↓

Ano yung reaction niya sa tweet ni JC Punongbayan na tinanggal din nito?

"Pikon ako. Very reactive ako, e. It’s good that I know that I react very easily. Very fiery ako. Mabilis ako mag-react," pag-amin ni Kuya Kim.

"But you know, since I became Christian, I became more circumspect and more discerning with my answer.

"Pag galit ako, sabi nga nila, 'Be quick to listen, slow to speak and slow to get angry.' I listen, I read."

Kaya nag-iisip daw muna siya at iniiba na ang niya ang sagot.

"Pagsagot ko, trivia na yung sinasagot ko o I shoot the energy para maging masaya.

"I remember yung sinabi ng lalaki na yun, pseudoscience daw yung nire-report ko sa 24 Oras. Ano daw ba ang gagawin ni Ka Ernie Baron?

"Ka Ernie Baron was the inventor of pito-pito. Ka Ernie Baron was so… with pyramids and all that.

"It was Halloween naman, e. It’s a magazine segment. My segment is not pure Science segment, magazine segment naman yun.

Continue reading below ↓

"So we did a segment on Ed Caluag and then, para siyang nagalit.

"Sabi ko, 'I’m sure he will not say something like that.’ And then, wala lang, tapos na yun.

"Kung kami nina Mars Iya o Mars Cams o ako ang pumatol sa bashers, kami ang talo dun, e.

“It’s really best to just keep quiet or shoot the energy positively para gumanda ang usapan."

NOEL FERRER

If there’s anything about my talent and my kumpare Kuya Kim, ang sipag niya talaga! He works really hard.

With the three programs in GMA-7 now, ramdam mo talaga ang impact niya. This weekend, he will also do the rounds of promo kaya nasa All Out Sundays din siya.

Sulit na sulit, and he really gives more of himself.

But as he works hard, he plays hard, too. He has time for his hobbies and family naman during the weekend, na talagang sacred time iyun!!!

Continue reading below ↓

I am truly proud of him. Parang sinilaban iyung passion niya ulit sa pagsisimula ng bagong yugto sa career niya sa GMA-7.

At ngayong, isa-isa nang nag-a-abroad ang mga anak nila ng misis niyang si Feli, ang sabi niya, ayaw niyang mag-empty nesting silang mag-asawa.

Kailangang excited pa rin silang umuwi sa isa’t isa na may bagong pinag-uusapan at natututunan sa isa’t isa.

This GMA transfer in a sense paved the way for healthier and happier conversations, not to mention yung dami pa ng possibilities na puwedeng gawin ng isang Kuya Kim.

Ibang klase, hindi talaga siya nauubusan, dahil wagas ang kahusayan at kabutihan ng pinanggagalingan nito—yung Boss natin sa Itaas.

All the best, Kuya Kim!

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza ratsada sa tatlong shows niya sa GMA-7: "Be careful what you ask for.' Kasi, I asked for this, e. Ito ang ginusto ko, e. And it’s good because I’m getting stretched, and I’m learning more. I’m learning so many things."
PHOTO/S: @kuyakimatienza Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results