Kim Atienza addresses loyalty issue after leaving ABS-CBN; calls transfer to GMA-7 "perfect timing"

by Rachelle Siazon
Oct 5, 2021
Kim Atienza on bashers criticizing his transfer to GMA-7: "Ang binabato sa aking issue, e, 'Bakit ko iniwanan ang ABS-CBN, sinabi ko namang di ko iiwanan?' Ang sagot ko diyan, I am not leaving ABS-CBN at its darkest moment. The darkest moment of my former company has passed."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs

"It's surreal. Last month lang wala sa guni-guni ko ito."

Ganito inilarawan ni Kim Atienza ang hindi inaasahang paglipat niya sa GMA-7 matapos ang labimpitong (17) taong serbisyo sa ABS-CBN.

Lunes ng gabi, October 4, ganap na sinalubong si Kim sa 24 Oras, ang prime-time newscast ng GMA Network.

Ito ay makalipas ang tatlong araw mula nang pormal siyang magpaalam bilang resident weatherman ng TV Patrol, ang daily newscast ng Kapamilya Channel.

Dito siya unang nakilala bilang resident weatherman at trivia man na si "Kuya Kim."

Hindi man napapanood sa free TV ang TV Patrol dahil sa kawalan ng prangkisa ng ABS-CBN, hindi kailang karibal nito ang 24 Oras na nilipatan ni Kim.

Kaya bagamat maraming tagasuporta si Kuya Kim, mayroon ding solid Kapamilya fans na binabatikos siya dahil kinain daw nito ang kanyang sinabi noong hindi niya iiwan ang ABS-CBN.

Diretsahang sinagot ni Kim ang loyalty issue na ito.

Continue reading below ↓

Nitong Martes, October 5, nakapanayam siya ng piling entertainment reporters, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via Zoom call.

"Ang binabato sa aking issue, e, 'Bakit ko iniwanan ang ABS-CBN, sinabi ko namang di ko iiwanan?'" prangkang saad ni Kim.

"Ang sagot ko diyan, I am not leaving ABS-CBN at its darkest moment. The darkest moment of my former company has passed.

"Believe me, in a few months, they will announce something very beautiful which I cannot disclose, and it would be good for them.

"So, I'm leaving them at a time that is good. It's not the time at their darkest. The time of their darkest was last year."

Kaya nasabi rin ni Kim na "perfect timing" ang desisyon niyang lumipat ng network, dahil tila mas nahirapan daw siya siguro kung pinatagal niya ang pagkumpirma na Kapuso na siya.

"Ayun ang tamang weather ng pag-goodbye ko, at pagpasok ko. Talagang eksaktong-eksakto.

Continue reading below ↓

"Kung nahuli ako ng ilang araw, maaaring di mangyari."

Naiintindihan ni Kim na sadyang matindi ang debate pagdating sa die-hard fans ng mga TV network.

"Alam mo, merong network wars talaga, e. Talagang may die-hard na Kapamilya, may die-hard na Kapuso, na araw araw...

"Kagabi nga nanonood ako ng 24 Oras, sa computer ako nanonood, at habang pinapanood ko, nakabukas ang chat room.

"Naku! Walang tigil ang giyera sa Kapuso at Kapamilya... Whatever you're doing, whatever you're saying, palaging may hater, e."

Bilang tagapagdala ng balita ay updated si Kim sa mga ganap sa social media, at naintindihan niyang bahagi ng kanyang trabaho ang haters.

"If it's valid, then maybe I'll learn something. If it's not valid, then I'll know it's just a troll, and I just let it pass.

"Sometimes I give a piece of trivia to answer the troll para maging nakakatawa lang yung sitwasyon."

ON PURSUING HIS "PURPOSE AND PASSION"

Ipinaliwanag din ni Kim na tugma sa kanyang "purpose at passion" bilang isang mamamahayag ang paglipat niya ng TV network.

Continue reading below ↓

Hindi raw iyon nalalayo sa layunin ng ibang artista na lumilipat din ng network.

"Kung isa kang theater actor, you are doing your purpose and you are at your best when you have an audience. Puno ang teatro.

"Pinakamasarap umarte ang artista sa teatro kapag puno ang teatro.

"Kung walang laman sa teatro, kahit anong arte mo, kahit anong husay ng pag-acting mo sa teatro, maaari mong gawin.

"Pero hindi yun ang purpose mo, e. Ang purpose mo is to be seen by the most number of people, to see what you're doing with your art."

Patuloy ni Kim, "Ganun din kami sa telebisyon, ganun din kami sa broadcasting.

"GMA has given me that opportunity to fulfill my purpose as an artist and as a broadcaster to be seen by the most number of people...

"Maski si Aling Barang sa kanto, mga tambay sa Malate, yung mga pedicab driver, lahat sila mapapanood ako na naman, and that's my purpose.

Continue reading below ↓

"And to be given that opportunity right now is the right thing to do. Yun ang dahilan ng aking paglipat.

"Makikita na naman ako ng ordinaryong tao. Magandang dahilan yun. That's the purpose of broadcasting."

Bukod sa segment nila ni Mang Tani sa 24 Oras, mapapanood din si Kim sa daily morning talk show na Mars Pa More.

May sarili rin siyang infotainment show sa GTV, ang Dapat Alam Mo, kasama ang aktres na si Patricia Tumulak at broadcsater na si Emil Sumangil.

HOT STORIES

HOW HIS transfer to gma CAME ABOUT

Ayon kay Kim, dumating ang offer na siya ay maging Kapuso tatlong linggo lamang ang nakararaan.

Kung naging "smooth" ang kanyang pagpapaalam sa ABS-CBN bosses, ganoon din daw ang pagpasok niya sa GMA-7.

Lahad niya: "Yung pagpasok naman dito, mas madali yun.

"That's why I acknowledge First Vice President for GMA Public Affairs Nessa Valdelion because she was the one assigned to help me get [into] GMA-7.

Continue reading below ↓

"It turns out my manager, Noel Ferrer, is an old friend of hers. Dalawang kaibigan ang nag-uusap.

"Naging madali ang lahat ng bagay dahil will ni Lord."

Isang linggong ipinagdasal at pinag-isipan ni Kim ang gagawing career move bago siya nagpasyang magpaalam sa ABS-CBN bosses.

Patuloy niya: "The hardest part was I prayed for courage. Courage to be able to tell my bosses who took good care of me in the other station that I was leaving. That was the hardest part.

"In my 17 years in ABS-CBN, those three days two weeks ago were the hardest that I did.

"Because that was three days in a row, and those were three bosses I had to say goodbye to.

"One was my boss in news, then the next day was my boss in entertainment, the channel head.

"And the last, which was the most difficult, was the president of the channel, Carlo Katigbak, who is a friend."

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy niyang boss sa news room ay si Ging Reyes, at ang entertainment boss na si Cory Vidanes.

Na-appreciate daw ni Kim ang pag-intindi ng mga ito sa kanyang desisyon.

"Ngunit dahil alam ko na dinaan ko sa dasal yung desisyon kong ito, at malinaw ang mga senyales na ibinigay sa akin, it was seamless...

"They let me go with their blessing, they let me go with a lot of love, and they even issued a statement saying how much they value me and all that.

"And they really filled my heart with so much love. Mahal nila ako, at maganda ang pagpapahalaga nila."

grand WELCOME IN GMA-7

Puno ng pasasalamat si Kim lalo na't mainit ang pagtanggap sa kanya hindi lang ng GMA-7 bosses kundi prized stars na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kabilang sa mga nagbigay ng mensahe sa kanya sa 24 Oras sina GMA Chairman and CEO Felipe Gozon, GMA Films President Annette Gozon-Valdes, EVP Financial Officer Felipe Yalong, Executive Committee Vice Chairman Joel Jimenez, News and Public Affairs SVP Marissa Flores, at Entertainment Group SVP Lilybeth Rasonable.

Continue reading below ↓

Saad ni Kim, "Pitong minuto [sa primetime newscast] ang pag-welcome sa akin.

"As in nanliit ako sa pasasalamat sa ginawang welcome sa akin ng bago kong istasyon.

"I'm full of gratitude."

Dagdag niya: "Hindi ko naisip ito. Ngayong nandito na ako, ako ay Kapuso na at may inaabangan na shows at magte-taping na sa susunod na linggo.

"Isa siyang panaginip na parang hindi nagaganap. Ganun ang pakiramdam.

"I'm just thankful to the Lord that everything became so smooth."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza on bashers criticizing his transfer to GMA-7: "Ang binabato sa aking issue, e, 'Bakit ko iniwanan ang ABS-CBN, sinabi ko namang di ko iiwanan?' Ang sagot ko diyan, I am not leaving ABS-CBN at its darkest moment. The darkest moment of my former company has passed."
PHOTO/S: GMA Corporate Affairs
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results