Kasal ng anak nina Bong Revilla at Lani Mercado na si Gianna, nahaluan ng pulitika

by PEP Troika
Nov 12, 2021
bong daughter gianna wedding
Pinagkaguluhan ng mga dumalong media sa kasal ng anak ni Senator Bong Revilla na si Gianna Revilla (kaliwa) sina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte (kanan) dahil sa inaasahang tambalan ng dalawa sa 2022 elections.
PHOTO/S: @niceprintphoto on Instagram / Facebook

GORGY RULA

Napaluha ang mag-asawang Senator Bong Revilla at Mayor Lani Mercado-Revilla habang nagmamartsa na sa aisle ang 24-anyos na anak nilang si Gianna Revilla.

Ginanap ang kasal ni Gianna kay Jed Patricio sa Revilla farm sa Silang, Cavite, kahapon, November 11.

Dinaluhan ito ng pamilya, at karamihan ay mga kasamahan at kaibigan ni Bong sa pulitika.

Bago nagsimula ang seremonya, idinaan ni Bong sa biro na kaya hindi niya tinatanggal ang suot na shades ay dahil tiyak na iiyak siya.

Pero nang tinanong namin kung ano ang eksaktong nararamdaman niya, napapangiti lamang siya.

“Parang wala akong maramdaman, e. Siyempre happy, pero kasi mag-aasawa na ang isa sa very close na anak ko,” lahad ni Bong.

“Huwag sana akong maging emotional mamaya. Ganun din naman kasi ang naramdaman ng ibang tatay.

“Nung namanhikan, dun ko na naramdaman na… oh, I can’t believe it, na ito na ang panahon na mahihiwalay na ang mga anak mo, mag-aasawa na sila. I-accept ko na lang, lalo na babae ang sa akin.”

Continue reading below ↓

Pero masaya raw ang buong pamilya para kay Gianna dahil nakikita nilang masaya ito sa pagpapakasal sa long-time boyfriend niyang si Jed.

Hindi naiwasang mahaluan ng pulitika ang naturang okasyon dahil sa malalaking pangalan sa pulitika ang dumalo na tumayong ninong at ninang.

Labinlimang pares na ninong at ninang ang sumaksi sa naturang kasalan, na pinangunahan nina Davao City Mayor Sara Duterte at dating Senator Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Continue reading below ↓

Pinagkumpulan ng media ang dalawa dahil sa mainit na usap-usapang sila ang magiging magka-tandem sa 2022 elections.

Lingid sa kaalaman ng media na nag-cover doon, nagkaroon ng panunumpa si Mayor Sara bilang bagong miyembro ng partidong Lakas-CMD.

Pagkatapos ng seremonya ay tumuloy si Mayor Sara sa itaas ng waiting area malapit sa may reception, at sumunod doon sina Congressman Martin Romualdez at Senator Bong, na tumatayong national president at chairman, respectively, ng partido.

Tiyak na may malaking anunsiyong magaganap bago dumating ang November 15, Lunes, tungkol sa posisyong tatakbuhin ni Mayor Sara pagkatapos nitong i-withdraw ang kanyang kandidatura bilang mayor ng Davao City.

Inaasahang sila ni Bongbong ang magiging standard bearer ng Lakas-CMD, pero di pa tiyak kung sino sa kanila ang tatakbong presidente at bise presidente.

JERRY OLEA

Dumalo rin sa garden wedding si Senator Ronald “Bato” de la Rosa, at may pictures pa ito kasama sina Mayor Sara at kapwa presidential aspirant Bongbong Marcos (BBM).

Continue reading below ↓

Pero mukhang panggulo lang si Bato, kaya ang pinagkaguluhan nang lubos ay ang Sara-BBM tandem bilang godparents.

Bilang chairman ng Lakas-CMD, naglabas ng statement si Senator Ramon Bong Revilla Jr. kaugnay kay Mayor Sara.

Facebook post ni Bong, “We are more than honored that Mayor Sara chose LAKAS as her national party.

“We have worked with Mayor Sara in the past, and in fact continue to be allies in coalition with her former local party — Hugpong ng Pagbabago.

“Mahaba na po ang kasaysayan ng LAKAS sa paglilingkod-bayan. Our Christian-Muslim-Democratic principles have guided our members in the past 3 decades, and we continue to build a proud legacy for the country.

“All out ang LAKAS sa anumang tatahakin ni Mayor Sara and we will work to assure her success and triumph, which will also be the success and triumph of the Party, of the nation, and of all Filipinos.

“Sara all!”

Continue reading below ↓

Nagbunyi siyempre ang mga I.S.D.A. (“Inday Sara Duterte Ako”).

Sumagi sa isip ko ang pag-uumpisa ng pelikulang The Godfather (1972) na idinirek ni Francis Ford Coppola. Nag-umpisa ang pelikula sa kasal ni Connie (Talia Shire), ang unica hija ni Don Vito (Marlon Brando) na patriarch ng pamilya Corleone.

Maganda at masuwerteng petsa ang Nobyembre 11, ayon sa numerologists. 11/11 kasi ito, apat na uno, ang unang numero.

Continue reading below ↓

Nahulaan nga nating 11/11 din ang pagpapakasal nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kung ano man ang ibinabadya ng 11/11 sa mga pag-uumpisang ito, abang-abang tayo sa mga kaganapan.

NOEL FERRER

Nakabase ako sa coverage sa TV, naging national event at news ang kasalan sa Cavite dahil sa presence ng malalaking politiko.

Sana lang, nabigyan din ng kaukulang pansin ang ikinasal na magkasintahan.

Samantala, nasa Entertainment News naman ang kasalang Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Naging simple at masayang event ito, at nakakatuwa ang kanilang hashtags… #EDetona #EllentaongnaghintaysiD

Mabuhay ang mga bagong kasal!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinagkaguluhan ng mga dumalong media sa kasal ng anak ni Senator Bong Revilla na si Gianna Revilla (kaliwa) sina Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte (kanan) dahil sa inaasahang tambalan ng dalawa sa 2022 elections.
PHOTO/S: @niceprintphoto on Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results