Joross Gamboa, sumailalim sa surgery; nagpasalamat sa pag-aasikaso ng kanyang misis

by PEP Troika
Nov 28, 2021
joross gamboa family
Joross Gamboa on wife Katz who takes care of him and their kids while he is recuperating from surgery: "Siya yung nagpapaaral sa dalawa kong anak... Tapos, siya pa ang nag-aasikaso sa akin. Yung sasamahan niya akong mag-CR, kasi ayaw niya akong madulas. Pati sa mga gamot ko, tinututukan niya ako, pati yung nga chores ngayon sa bahay."
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER

37th birthday ng aking mahusay, mabait, at premyadong talent na si Joross Gamboa ngayong Nobyembre 28, Linggo.

Kahit nasa pandemya, naging banner year pa rin niya ang 2021. Kasi, naka-two successful seasons ang kanilang balik-tambalan ni Roxanne Guinoo na Hoy, Love You. Una sa iWant TFC, na sinundan ng magandang reception sa Kapamilya Channel.

Dahil isang ama na may dalawang batang lalaking anak, desisyon ni Joross na piliin talaga ang kanyang lock-in projects na mag-e-expose sa kanya sa iba. Ingat na ingat siyang huwag maging carrier ng virus kaya deliberate ang di niya pagtanggap ng ibang projects.

Pero just as when he was supposed to tape for a good role in Flower of Evil — the Filipino adaptation ng hit Korean series with Piolo Pascual and Lovi Poe — ayun, nagkaroon siya ng injury sa kanyang pagba-basketball dahil sa torn Achilles heel.

Continue reading below ↓

Sumailalim si Joross sa surgery noong nakaraang linggo kaya siya — aside from Edu Manzano na nasa U.S. ay nasa Zoom noong storycon ng bagong ABS-CBN-Dreamscape project na Flower of Evil.

Gaganap dito si Joross bilang journalist-friend ni Piolo Pascual.

Bukas, Nobyembre 29, Lunes ay 7th wedding anniversary nila ng wife na si Katz. Bale 13 years na ang kanilang pagmamahalan.

Naglalabing-labing ba sila nowadays? Ang tugon ni Joross, medyo disiplinado muna sila sa kanilang galaw-galaw dahil gusto niyang gumaling agad.

GORGY RULA

Bilib si Joross at lalo niyang minahal ang kanyang asawang si Katz dahil talagang lumabas ang pagka-superwoman nito.

Nagagawa ni Katz ang lahat mula sa pag-alaga kay Joross hanggang sa pagtuturo sa kanilang mga anak na nag-o-online schooling.

“Even my wife, sobrang na appreciate ko siya. Iba ang tiyaga niya sa akin,” kuwento ni Joross.

“Kasi, siya yung nagpapaaral sa dalawa kong anak, siya yung teacher dito sa bahay. Nagkakasabay pa ang sked, ha? Palipat-lipat siya ng Zoom rooms, ha? Tapos, siya pa ang nag-aasikaso sa akin.

Continue reading below ↓

“Yung sasamahan niya akong mag-CR, kasi ayaw niya akong madulas. Pati sa mga gamot ko, tinututukan niya ako, pati yung nga chores ngayon sa bahay.

"Bilib talaga ako. Siya talaga yung major bumuhat sa pamilya namin."

Gaming at streaming ang pinagkakaabalahan ngayon ni Joross, pero mabilis ang healing sa kanyang injury dahil sa pagtutok ng kanyang asawa at may special participation pa ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Ani Joross, “Maganda rito, pinagpa-participate namin ang anak sa nangyari sa akin. ‘Help Papa, open the door.’ Yung dalawang bata, sila ang alalay ko at ang sabi naman nila, ‘Kasi, we’re gonna take care of you, Papa.’”

Yung gustong laro nila ng kanyang mga anak ay hindi na nagagawa dahil sa kanyang kalagayan. Pero nagagawan naman daw ng paraan para maka-bonding niya ang mga anak.

“Sa ngayon, wala munang carry-carry, e, gustung-gusto pa naman nilang nagpapabuhat.

“Every day, request nila, ibinabalot ko sila sa kumot at habang nasa ere, gusto nila, paikut-ikutin ko sila. Ngayon, wala muna yun.

“Sabi nila, ‘You can do it with one foot and you’re a strong man.’ Pero hindi talaga kaya, so bawi ako sa ibang paraan. More Lego time, kasama ako dun. Tapos, may tickle time talaga kami na kinikiliti ko na lang sila bago matulog.

“Yun na muna, adjust-adjust ang lahat, pero nagpapasalamat ako na tuluy-tuloy ang blessings. Kasi, we also just got word na tuloy na rin ang Season 3 ng Hoy, Love You namin. So, thank you Lord talaga!” dagdag ni Joross.

Continue reading below ↓

Happy birthday kay Joross, at happy anniversary sa kanila ni Katz bukas!

JERRY OLEA

Achilles ang pinakamalaking tendon sa katawan ng tao. Yun ang nagkukunek sa sakong natin sa litid. Yun ang ginagamit natin sa pagtakbo, pagtalon, kaya talagang gamit na gamit siya.

“Na-hyper-extend, nag-lock ang paa ko, maraming dahilan… kasama na rin siguro ang ageing,” salaysay ni Joross.

“Hindi naman ako nakikipagbalyahan sa basketball o tumatalon nang matataas. Ito po ay patakbo pa lang ako ay parang nag-lock ang paa at parang may humampas ng dos-pos-dos sa binti ko. Pagkaputol, bumagsak talaga ako.

“Yung parang may napigtas kaya bumuwal ako. Tapos, nakita ko sa mural, Kobe [Bryant] is watching, parang may pahaging na kung ano ang nangyari!” sabay tawa ni Joross.

“Nung nabuwal ako, nung sinabing, ‘Achilles mo, naputol…’ — ang unang pumasok sa isip ko, matagal ito. Galit na galit ako sa sarili ko, kasi paano na ang trabaho ko?”

Continue reading below ↓

Baka test daw talaga ito sa kanya.

“Bakit hindi ako nag-stretching nang todo noong una? Sa lahat ng gumagawa ng physical activities, mapa-dancing or physical activities man 'yan, napakaimportante ng stretching.

“Ito lang yung time na hindi ako nag-stretch. Hindi ko masyadong na-stretch ang calf ko.

“Mahalaga sa kahit anong bagay, lahat dapat i-stretch mo na!” sabay tawa ulit ni Joross.

“Ito tuloy ang kapalit.”

Nagpasalamat si Joross sa Panginoon dahil matagumpay ang operasyon sa kanya. Pinasalamatan niya sa Instagram ang mga nars at hospital staff, partikular si Dr. Wowie Yap na tinutukan siya from Day 1.

Siyempre, todo pasasalamat din siya sa one and only wifey niyang si Katz na sinabihan niyang, “Mahal na mahal kita at naa-appreciate ko lahat ng ginagawa mo sa akin at sa family natin!”

Wala na raw mahihiling pa si Joross sa kanyang birthday, at ibibigay niya sa asawa kung ano ang gusto nito sa kanilang 7th wedding anniversary bukas.

Continue reading below ↓

Nag-post si Joross ng family picture today sa Instagram at ang emote niya, “Simple lang naman ang gusto ko ngayong Birthday ko…

“Mas makilala natin at magkaroon tayo lahat ng personal relationship kay God!”

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Continue reading below ↓
We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joross Gamboa on wife Katz who takes care of him and their kids while he is recuperating from surgery: "Siya yung nagpapaaral sa dalawa kong anak... Tapos, siya pa ang nag-aasikaso sa akin. Yung sasamahan niya akong mag-CR, kasi ayaw niya akong madulas. Pati sa mga gamot ko, tinututukan niya ako, pati yung nga chores ngayon sa bahay."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results