PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Janno Gibbs, Kitkat exchange tirades in group chat of comedians

Janno at Kitkat, tuloy pa rin ang talakan at patutsadahan.
by PEP Troika
Published Dec 3, 2021
Janno Gibbs Kitkat tirades group chat
Kitkat on heated message versus Janno Gibbs who called her "mas toxic": "Sino ang nagmumura ng PI mo at pumapatol sa babae? Talaga lang? Alam ng lahat ang topak mo! Wag ako! @Janno isa kang BASTOS na matanda!"
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Umalis ang ilang artists na kabilang sa isang group chat na tinatawag nilang "Grupo COVIDyante" dahil sa talakan uli nina Janno Gibbs at Kitkat.

Nagsimula ito nang mag-post si Gene Padilla tungkol sa isang komedyante na nagpapatulong daw sa kanyang makaraket.

Sinagot ni Gene na magtatanong siya, pero hindi niya alam kung bakit nagalit at pinagmumura raw siya ng komedyante.

Hindi binanggit ni Gene kung sino itong komedyante, pero masama ang loob niya dahil gusto na nga raw niyang tulungan ay pinagmumura pa siya.

Nag-comment sa thread na iyon si Kitkat.

Sabi ni Kitkat: "May iba nga bigla na lang nagmumura sa kapwa ng PI, e… isipin na lang natin meron silang pinagdadaanan. Kawawa din.

"Kasi yun nga kahit sino walang karapatan! May mga matatanda talagang walang pinagkatandaan."

Nag-react si Jeff Tam at sinabing ang lakas daw ng tama ng di pinangalanang komedyante, na may topak ang taong iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pumasok sa thread si Janno Gibbs.

Diretsahang sabi niya patungkol kay Kitkat: "Pero mas may topak parin si Kitkat jan!!"

Hindi iyon pinalagpas ni Kitkat.

Sa pagkakataong ito, naungkat ang alitan nina Kitkat at Janno na nagresulta sa pagkatanggal nila pareho sa NET25 noontime show na Happy Time.

Balik-sagot ni Kitkat kay Janno: "Sino ang nagmumura ng PI mo at pumapatol sa babae? Talaga lang?

"Alam ng lahat ang topak mo! Wag ako! @Janno isa kang BASTOS na matanda!"

Humaba na ang patutsadahan ng dalawa.

Tila nagpa-survey pa raw sa thread si Janno sa ibang kagrupo nila kung sino sa kanilang dalawa ni Kitkat ang nagsasabi ng totoo.

Sa interview ni Ogie Diaz kay Kitkat, sinabi ng komedyana na hindi na niya pinagsasagot ang iba pang sinasabi ni Janno laban sa kanya, dahil humahaba na ang usapan at nag-aalisan na ang iba sa GC.

"Gusto ko mang sagutin kaya lang kawawa naman ang iba. Ayoko nang madamay. Ang dami na nga pong nag-'left,' e. Nag-leave na si Paolo Contis, si Mitoy Yonting.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Si Kuya Jeffrey Tam, niyaya na rin akong mag-leave. Sabi ko, 'Sige, tingnan ko lang.' Gusto ko pa makita kung ano pa ang talak niya, e," pahayag ni Kitkat.

Tinext ko si Paolo tungkol sa pag-leave niya sa GC pagkatapos magtalakan nina Janno at Kitkat.

"Ang toxic na," sagot sa akin ni Paolo.

Ang tagal na nga naman ng away na ito nina Janno at Kitkat. Natanggal na ang Happy Time, tuloy pa rin ang away nila.

Ikinairita ito ng ilang artists at gusto na ring umalis sa kanilang group chat.

JERRY OLEA

Pebrero 18, 2021 pa naganap ang isyung murahan nina Kitkat at Janno Gibbs sa defunct noontime show ng TV5 na Happy Time.

Nagtamo ng mga karangalan si Kitkat bilang host ng nasabing programa, kahit tinanggal sila pareho ni Janno sa Happy Time matapos ang kanilang patutsadahan.

Tuluy-tuloy naman ang movie career ni Janno sa Viva Films.

Hindi naman siguro gusto lang paingayin ni Janno ang bagong movie niyang Mang Jose kaya nagparunggit siyang muli kay Kitkat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

In the first place, hindi naman si Janno ang tinutukoy ni Gene Padilla na komedyanteng nagmura sa kanya.

Mukhang aabot ng Pasko, Bagong Taon, Three Kings, Chinese New Year, Valentine’s Day, at first anniversary ang hidwaan nina Janno at Kitkat.

Kahit siguro masawata ang coronavirus sa buong mundo, magpapatuloy ang panggigigil nila sa isa’t isa!

NOEL FERRER

Pasko na, may ganito pa rin talaga?

Hindi ba masasaya ang mga tao at nakatanim pala nang ganun kalalim ang samaan ng loob?

Nakakalungkot ang balitang ito!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kitkat on heated message versus Janno Gibbs who called her "mas toxic": "Sino ang nagmumura ng PI mo at pumapatol sa babae? Talaga lang? Alam ng lahat ang topak mo! Wag ako! @Janno isa kang BASTOS na matanda!"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results