PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mariane Osabel wins The Clash Season 4

Mariane Osabel, nanalo ng kabuuang P4 million na premyo.
by PEP Troika
Published Dec 20, 2021
mariane osabel the clash champion
Si Mariane Osabel ng Iligan City ang itinanghal na kampeon ng Season 4 ng Kapuso singing competition na The Clash.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Ang pambato ng Iligan City na si Marian Osabel ang itinanghal na grand champion sa fourth season ng The Clash nitong Linggo, December 19.

Matindi ang labanan ng limang finalists, pero sina Mariane at Vilmark Viray ng Pampanga ang naiwan sa final one-on-one.

Dito sa huling pagtatapat ay kinanta nila ang original songs na napili ng The Clash mula sa mga sumali sa kanilang songwriting competition. Anim na original compositions ang napili pero dalawa lang ang kinanta sa final one-om-one.

Kinanta ni Mariane ang awiting "Bakit Mahal Pa Rin Kita" na likha ni Harish Joya at inareglo ni Marc Lopez.

Ang kay Vilmark naman ay "Umuwi Ka Na" ni Christian Paul Rosa at in-arrange din ni Marc Lopez.

Ang maganda rito ay nagkaroon ng chance ang mga baguhang songwriters at nabigyan ng highlight sa finals ng The Clash.

Umabot ng P4M ang napanalunan ni Mariane kasama ang house and lot mula sa Camella Homes at may exclusive contract sa GMA Artist Center.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Mariane at ilan pang finalists ay mapapasama rin sa All-Out Sundays, pero malamang na makibiritan na itong dalaga ng Iligan sa "Queendom" kasama sina Lani Misalucha, Julie Anne San Jose, Rita Daniela, Jennie Gabriel, Jessica Villarubin, at iba pang Kapuso biritera.

Congratulations kay Marianne Osabel at sa lahat na bumubuo ng The Clash na nasa fourth season na.

Malamang na meron pang panglimang season sa 2022!

NOEL FERRER

Congratulations kay Mariane! Mabuti at may paglalagyan na siya pagkatapos ng kumpetisyon.

Sana ay magkaroon din siya ng signature song na siyang magde-define ng kanyang pagiging singer.

We’ll see kung hanggang saan ang puwedeng maabot ni Mariane sa kasikatan at kagalingan.

JERRY OLEA

Ayon sa AGB Neilsen, naka-14.8 percent ang rating ng finale ng The Clash. Walang nabago sa rating dahil nasa labas siguro ang mga tao at abala pa sa pamimili.

May kanya-kanyang grupo ng fans ang mga naiwang finalists, pero mukhang kulang yata ang hatak para bumongga ang rating.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Madadagdag si Mariane sa hanay nina Jeremiah Tiangco at Jessica Villarubin na sana ay magkaroon ng puwang sa music industry. Ang first grand champion na si Golden Cañedo ay pansamantalang nagpapahinga muna dahil sa nag-aaral pa raw.

Kaya good luck kay Mariane na sana ay mabigyan ng tamang break.

HOT STORIES

Use these Adidas PH promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Si Mariane Osabel ng Iligan City ang itinanghal na kampeon ng Season 4 ng Kapuso singing competition na The Clash.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results