JERRY OLEA
Naingayan ang vlogger na si Michael Louie “Byx” Almacen sa invitational screening ng first five episodes ng Love At The End Of The World nitong Disyembre 28, Martes, sa Cinema ‘76-Anonas, Quezon City.
Kuwento ni kaibigang Byx via Messenger, “Hiyaw nang hiyaw ang audience sa mga eksena. Pinakamalakas ang sigawan nang mag-hello ang alaga ni Nico Locco habang lumalangoy siya.
“Hindi babad ang pagpo-frontal niya. More or less, five seconds. Yung episode nila ni Gold Aceron, heavy drama talaga.

Nico Locco and Gold Aceron in Love At The End of the World
“Tama lang na sina Kristof Garcia at Rex Lantano ang nasa first episode. Nakakaaliw ang harutan nila, gaya ng finger-licking na nasa teaser. Ang lakas din ng sigawan sa threesome nina Kristof, Rex, at Mike Liwag.
“Na-tense ako kay Kristof sa preview dahil sa mega-bukol sa kanyang pantalon!
“Madilim yung eksena ni Elijah Filamor na wala siyang saplot. Parang may ipinakitang pubic hair sa bandang ibaba, but I’m not sure kung may notary public.
“Absent si Elijah sa preview kaya walang kapartner si Yam Mercado sa interbyuhan.
“Si Markki Stroem, may isa pang forthcoming series, yung My Delivery Gurl with Rocky Salumbides and Victor Basa na streaming sa Cignal Play starting January 1, 2022.
“Siyempre, kay Khalid Ruiz muna si Markki sa Love At The End Of The World na streaming sa GagaOOLala simula Huwebes, Disyembre 30, 2021.”
Facebook post naman ng kaibigang scriptwriter-actor-producer-yoga instructor na si Lex Bonife sa dalawang bagay na tumatak sa kanya pagkapanood ng Love at the End of the World:
“Una. Napakahusay ni Gold Aceron. Nag-transform siya into another being. John Malkovich level ang husay ng batang ito.
“Pangalawa. Grabe ang ari ng aktor na si Nico Locco. Muntik nang mahawi ang dagat ng Mindoro sa laki nito.”
Ang Love at the End of the World ay may bahid ng apocalyptic drama art film ni Lars von Trier na Melancholia (2011).
Kaugnay rin sa end of the world ang pelikulang Don’t Look Up, na ilang araw na nanguna sa Netflix Philippines.
Natuwa ako sa dynamics nina Meryl Streep at Jennifer Lawrence sa pelikula. Naalala ko ang sinabi ni JLaw noong Enero 2013 nang tanggapin niya ang best actress trophy sa Golden Globes para sa Silver Linings Playbook, “I beat Meryl.” Linya iyon ni Bette Midler sa pelikulang First Wives Club (1996).
Naaliw rin ako sa kissing scene ni JLaw with Timothee Chalamet, maging sa harutan nina Leonardo DiCaprio at Cate Blanchett. Co-star muli ni Leonardo si Jonah Hill na gumanap bilang business partner niya sa The Wolf of Wall Street (2013).

Jonah Hill, Leonardo DiCaprio, Meryl Streep, and Jennifer Lawrence in Don't Look Up
Satire ang Don’t Look Up, na ikinukumpara ng iba sa Dr. Strangelove (1964) ni Direktor Stanley Kubrick.
Na-enjoy ko rin sa pelikula ang pagdu-duet nina Ariana Grande at Scott Mescudi sa kantang "Just Look Up."
As we write this, pangalawa na lamang ang Don’t Look Up sa Top 10 ng Netflix Philippines.
Nasa top spot ang South Korean sci-fi mystery drama series na The Silent Sea. Bongga ang casting nito — Bae Doona (Kingdom), Gong Yoo (Train to Busan, Goblin), at Lee Joon (Iris II, Rough Play).
NOEL FERRER
Grabe ang hype sa Love At The End of the World na nilikha at idinirek ni Shandii Bacolod.
Ito na ba ang ultimate Pinoy BL series na bordering on truly a RESTRICTED menu? Papanoorin ko iyan sa GagaOOLala pagkatapos kong mapanood ang napapanahong Don’t Look Up sa Netflix na much talked about.
Mixed ang reviews ng mga kritiko sa Don’t Look Up, pero kasama ito sa listahan ng Top 10 films ng 2021 ng National Board of Review at American Film Institute. Humamig ito ng apat na nominasyon sa 79th Golden Globe Awards.
GORGY RULA
Noong nakaraang taon, tampok si Markki sa una at huling episode ng Unlocked anthology ni Direk Adolf Alix Jr., na nag-streaming sa GagaOOLala. This time, back-to-back ang payanig niya.
Bortalicious si Markki sa Love At The End Of The World kung saan teaser pa lang ay wala na siyang saplot, at nakipaglampungan kay Khalid Ruiz.
Sa My Delivery Gurl, dalawa ang kanyang persona — ang male na si Bingo Duran, at ang effem o drag queen na si Mommy Bianca D.
Dalawa rin ang love interest niya rito. Una, ang neighbor at kababatang si Jakoy (Rocky Salumbides) na pumitas ng kanyang strawberry. At ikalawa, ang boss niyang si Sam (Victor Basa).
Noong Disyembre 24, Biyernes, nag-umpisang mag-streaming sa Netflix ang The Silent Sea, Don’t Look Up, at Irreplaceable (Walang Hanggang Paalam).
Sa ngayon ay #3 sa Netflix ang Emily in Paris (season 2), #4 ang Our Beloved Summer, at #5 ang The Witcher (season 2).
Ang iba pa sa Top 10 ng Netflix Philippines ay New Beginnings (Bagong Umaga), Princess DayaReese, Sonic The Hedgehog, Momshies! Your Soul Is Mine (Momshies! Ang Soul Mo’y Akin), at Irreplaceable (Walang Hanggang Paalam).
Natanggal na sa Top 10 ang pelikulang Will You Marry nina K Brosas, Elisse Joson, Paul Lyderer, at Anjo Yllana. Tuwang-tuwa si Anjo dahil nakatanggap siya ng messages na pinupuri siya sa pelikulang yun.
Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.
