PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, umaariba sa ratings

The World Between Us ni Alden Richards, magwawakas na ngayong linggo.
by PEP Troika
Published Jan 4, 2022
john lloyd cruz sitcom
Nakadalawang episodes na ang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, ang Happy ToGetHer, at parehas itong pumalo sa ratings.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Maganda ang feedback sa sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7 na Happy ToGetHer.

Sa pilot episode nito nung December 26, kung saan si Jasmine Curtis Smith ang special guest, naka-12% ito, ayon sa AGB Nielsen NUTAM Ratings. Okay na ito sa panahong ang daming lumalabas pagkatapos ng Pasko.

Tumaas pa ito nung nakaraang Linggo, January 2, na si Faith da Silva ang guest. Mas naaliw ako sa episode na ito, at okay rin ang rating na 13.1%.

Magandang senyales ito at baka masundan ng isa pang Kapuso show para kay Lloydie.

Ang ibang programa ay hindi gaanong pumalo, na expected kapag ganitong season. Pati commercial loads ay hindi pa ganun kadami.

Naka-3.3% ang All-Out Sundays sa GMA 7, at 2.2% ang combined ratings ng ASAP Natin ‘To na napapanood sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Jeepney TV.

Naka-3.5% ang GMA Blockbusters versus 1.9% ng FPJ Da King.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo tumaas ang Dear Uge, na naka-3.5%. Ilang episodes na lamang mapapanood ang Dear Uge, at wala pa kaming balita kung bibigyan ng ibang programa si Eugene Domingo.

Ang episode nina Ruru Madrid at Kyla Padilla sa Regal Studio Presents ay naka-3.4%, at 5.9% naman ang Amazing Earth.

Pagkatapos ng 24 Oras Weekend, na naka-13.7%, medyo tumaas din ang Daig Kayo ng Lola Ko na naka-12.1%.

Tumaas ito pagdating ng Happy ToGetHer (13.1%) at bumaba pagdating sa Kapuso Mo Jessica Soho (12.6%). Mga “the best of” ang ipinalabas sa episode na ito ng programa ni Jessica Soho.

Okay rin ang replay ng The Boobay and Tekla Show na naka-3.6%.

Sa darating na Biyernes, January 7, ay matatapos na ang The World Between Us na hindi bumababa ang rating ng ilang natitirang episodes.

Naka-11.2% ito nung Lunes, January 3, na mas mataas sa I Left My Heart in Sorsogon na naka-10.7%.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Mas maaksyon na ang pagtatapos ng drama series nina Alden Richards, Jasmine Curtis Smith, at Tom Rodriguez.

Sa January 7 na rin pala magtatapos ang The End of Us nina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi sa Stories From the Heart.

JERRY OLEA

As expected, GMA-7 pa rin ang wagi sa ratings at commercial load.

Nasa line of 2 kadalasan ang ratings noon ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion. Hindi man lang napalapit doon ang ratings ng The World Between Us nina Alden at Jasmine.

Hopefully, mas raratsada sa ratings ang next primetime series ni Alden kung saan katambal niya si Bea Alonzo.

Trending ang pag-uumpisa ng Mano Po Legacy: The Family Fortune noong Enero 3, Lunes ng gabi, at inaasam nating aariba sa ratings ang Chinoyseryeng ito ng Kapuso Primetime Princess na si Barbie Forteza.

Ang Little Princess ni Jo Berry ay raratsada na sa Enero 10, Lunes. Leading man dito ni Jo si Rodjun Cruz, at nasa cast din sina Jestoni Alarcon, Angelika dela Cruz, Geneva Cruz, Juancho Triviño, Chuckie Dreyfus, Jenine Desiderio, Therese Malvar at Lander Vera-Perez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Patuloy na mamamayagpag ang Kapuso Network ngayong 2022, lalo na sa pag-ere ng Voltes V: Legacy.

NOEL FERRER

Tama kayo, mga ka-Troika, expected na mag-spike ang GMA-7 TV ratings dahil sila talaga ang may edge in terms of reach.

Sana, TV5 and even the Kapamilya Channel can really come close para aside from creating more work, mapapanatili rin ang kumpetisyon.

I also hope CNN Philippines and even Net25 or GTV can also make its presence felt not only in terms of ratings pero sa quality rin.

Lagi kong sinasabi, sa huli’t huli, sana pagandahan ng shows para ang manonood ang panalo!!!

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakadalawang episodes na ang sitcom ni John Lloyd Cruz sa GMA-7, ang Happy ToGetHer, at parehas itong pumalo sa ratings.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results