PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Upcoming GMA-7 shows resume taping after health break

Agimat ng Agila siguradong eere na sa January 29, 2022.
by PEP Troika
Published Jan 21, 2022
GMA shows, First Lady, False Positive, Agimat Ng Agila
Siguradong ratsada ang taping ng First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion (left), False Positive nina Xian Lim at Glaiza de Castro (center), at Agimat ng Agila ni Bong Revilla (right). Inaasahang eere ang mga ito pagpasok nitong taong 2022.
PHOTO/S: Screengrab from First Lady, False Positive, and Agimat Ng Agila

GORGY RULA

Sa susunod na linggo ay babalik na sa lock-in taping ang mga nakabinbing drama series ng GMA-7.

Nagkaroon lang ng mahigit isang linggong health break dahil sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Pero next week ay kailangan na nilang magsimula dahil may schedule na ng airing ang mga bagong drama series, gaya ng First Lady, Widow’s Web, False Positive, at Artikulo 247.

Ang action-fantasy mini-series na Agimat ng Agila ni Senator Bong Revilla ay na-move lang ng isang linggo ang airing. Pero tuloy na tuloy na raw ang pilot airing nito sa January 29, 2022.

Kaya magre-resume na rin sila ng taping ngayong weekend. Kinakailangan kasing matapos ang taping ng buong season bago nila ito iere. Pero marami na rin namang naibangkong episodes ang Agimat ng Agila.

Habang hinihintay ni Senator Bong ang pagbabalik-taping, inikot muna niya ang mga lugar na nasalanta ng bagyong Odette para makapagbigay ng konting ayuda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabuti na lang daw at marami silang naipong yero at ilan pang gamit, kaya ipinamigay nila ito sa mga nawalan ng bahay dahil sa pagtama ng malakas na bagyo.

Ngayong babalik sila ng taping, mas mahigpit na ang mga safety at health protocols na ipinatutupad.

May ilang programa palang pinaiksian na lang ang quarantine bago pumasok sa lock-in taping.

Pero ang first five days ng lock-in taping ay may araw-araw na antigen test para matiyak na talagang negative ang lahat ng mga artista, staff, at crew na nagtatrabaho sa loob ng bubble.

JERRY OLEA

What about Love. Die. Repeat? Siyempre, hihintayin munang makapanganak si Jennylyn Mercado. At hindi naman siya babalik agad-agad sa taping pagkapanganak.

E, ang dambuhalang action-thriller na Lolong? Maihahabol pa ba ito bago mag-eleksyon? Last year pa dapat ipinalabas ang Lolong nina Ruru Madrid at Shaira Diaz, subalit sangkatutak na aberya ang inabot nito.

Abang-abang din tayo sa prime-time soap na Love You Stranger, na inaasahang magpapa-sparkle kina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

I wonder kung matutuloy pa ang Seed of Love nina Glaiza de Castro at Mike Tan. Nasimulan iyon bago lumaganap ang pandemya. May mga batang aktor iyon, kaya ginawa na lang nina Glaiza at Mike ang Nagbabagang Luha.

And now, may False Positive na si Glaiza with Xian Lim, ang leading man ni Jennylyn sa Love. Die. Repeat.

Basta, masaya tayo na magbabalik na ang Agimat ng Agila! Siguradong aariba muli ito sa ratings!

NOEL FERRER

Ang daming bagong shows. Sana magtagal ang mga ito.

Magkaiba ang direksiyon ng soaps ng ABS-CBN and GMA-7.

Sa ABS-CBN, pinahahaba ang mga successful soaps, prime example of which is the never-ending FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa GMA-7, tinatapos agad para walang umay. Mabilis ang turnover.

At ang super-successful like Prima Donnas, First Yaya, at Agimat ng Agila ay nagkaka-Season 2.

Sa TV5, ang Niña Niño ay pinahahaba naman at pinangangatawanan.

Ano rito ang mahusay na production at business model? Wait and see tayo!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Siguradong ratsada ang taping ng First Lady nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion (left), False Positive nina Xian Lim at Glaiza de Castro (center), at Agimat ng Agila ni Bong Revilla (right). Inaasahang eere ang mga ito pagpasok nitong taong 2022.
PHOTO/S: Screengrab from First Lady, False Positive, and Agimat Ng Agila
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results