Bong Revilla, Pokwang, Kiko Pangilinan may mensahe para sa kalusugan ni Kris Aquino

by PEP Troika
Jan 25, 2022
Bong Revilla, Pokwang, Kiko Pangilinan, Kris Aquino
Senator Bong Revilla, Pokwang, at Senator Kiko Pangilinan (L-R), nag-alay ng dasal para sa speedy recovery ni Kris Aquino. Nais din ni Bong na makausap si Kris para personal na kumustahin ito.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook / Pokwang Instagram / Kiko Pangilinan Facebook / Kris Aquino Instagram

JERRY OLEA

Nakiusap si Robin Padilla sa bashers ni Kris Aquino na magpakatao at tantanan muna ang mga banat dito.

"Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan,” bahagi ng post ni Robin, published as is, sa Facebook noong Enero 14, 2022, Biyernes.

Dagdag niya, "Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman…"

Nitong Enero 24, 2022, Lunes, may kalat na kalat sa social media na naghihingalo o pumanaw na si Kris.

Bago maghatinggabi ng Lunes ay nilinaw ni Kris sa Instagram account niya na buhay pa siya, at ilalaban niyang humaba ang kanyang buhay dahil kailangan pa siya ng dalawang anak niyang sina Joshua at Bimby.

Marami pang nag-abot ng suporta at panalangin para kay Kris.

Komento ni Pokwang sa IG post ni Kris: "Hindi ako mapapagod at mawawalan ng pag-asa na ipagdasal ka. I love you, Kris, pagaling ka na please.”

Continue reading below ↓

Kris Aquino, Pokwang

"Love you ate,” sabi ni Mariel Padilla.

Mariel Rodriguez, Kris Aquino

Continue reading below ↓

May mensahe rin si Melai Cantiveros: "Keep praying kmi ms kris marami kang prayer warrior and marami nagmamahal sa inyu ms kris , kuya josh and bimb ,keep thebfaith burning ms kris ,dahil more years to come pa at babalik kapa ms kris sa hosting mag cocohost ulit ako sayu hehehehe basta laban ms kris marami kmi nagprapray."

Melai Francisco

Continue reading below ↓

“Praying for your healing and speedy recovery," saad ni Senator Kiko Pangilinan.

Mariel Rodriguez, Kris Aquino

Nag-post naman si Senator Bong Revilla ngayong Enero 25, Martes ng hapon, sa Facebook.

Aniya, "Sa panahong ito na dumaranas tayo ng ating kanya-kanyang pagsubok, napakahalaga po ng pakikipag-kapwa-tao at pagmamalasakit sa isa't isa.

"We should not allow negativity to dictate our actions. We must let our compassion and humanity prevail.

Continue reading below ↓

"Kaya naman nananawagan po ako sa lahat na ipagdasal po ang kalagayan ng aking kumare na si Kris Aquino, na nagdadaan ngayon sa matinding pagsubok sa kanyang kalusugan -- huwag na bilang isang celebrity; o isang political figure; kundi bilang isang kapwa tao na nakikipaglaban sa karamdaman.

"Get well soon Kris. Our prayers are with you."

Bong Revilla, Kris Aquino

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Halos lahat na taga-entertainment industry ay nagdadasal na malagpasan ito ni Kris.

Ang pagkakaalam ko, tinanong ni Senator Bong Revilla si Manay Lolit Solis kung paano niya makakausap si Kris.

Gusto sana ng actor-politician na personal na makumusta ang kalagayan ng actress-host.

Pero sabi ni Nay Lolit, mahirap kontakin si Kris at di raw siya gaanong pinapagamit ng phone.

Mas nanaig ang pinagsamahan nila noon lalo na't ninang si Kris ng panganay ni Senator Bong na si Bryan.

Kaya worried talaga sila at nakiisa sa pagdarasal na malagpasan ito ni Kris. Kasama tayo riyan!

NOEL FERRER

Marami talaga ang kailangan ng dasal at suporta sa ating mga kababayan, lalo na sa mga panahon ngayon.

We pray for Kris, and for all those who may need our help especially during these trying times.

Sa huli’t huli, tayo-tayo lang naman ang magtutulungan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla, Pokwang, at Senator Kiko Pangilinan (L-R), nag-alay ng dasal para sa speedy recovery ni Kris Aquino. Nais din ni Bong na makausap si Kris para personal na kumustahin ito.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook / Pokwang Instagram / Kiko Pangilinan Facebook / Kris Aquino Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results