Si Miss World Philippines 2021 Second Princess Janelle Lewis na ba ang bagong nagpapatibok ng puso ng Kapamilya actor na si Kiko Estrada?
Ito ang pinag-uusapan ng netizens matapos mapanood ang bagong upload na TikTok video ni Janelle kahapon, January 27, 2022.
Isa itong short video kung saan kasama niya si Kiko.
Naka-tag pa nga sa caption ni Janelle ang TikTok account ni Kiko.

Maiksing caption ni Janelle sa kanyang post: “@_m.i.s.t.e.r.j #fyp #foryou”
Ang ibig sabihin ng “fyp” ay for your page.
@lewisxjanelle @_m.i.s.t.e.r.j #fyp #foryou ? 5 star by Lil Wayne ft Nicki Minaj - toki
Sa comments section ay nagtanong ang ilang netizens kung si Janelle ba ang ipinalit ni Kiko sa ex-girlfriend nitong si Heaven Peralejo.




May isang netizen naman ang nakapag-screenshot ng Instagram Story ni Janelle. Makikita rito ang sweet na larawan nina Janelle at Kiko.

Kung totoong may relasyon nga sina Janelle at Kiko, siya na ang pangatlong girlfriend ni Kiko sa loob lamang ng isang taon.
Pebrero 2021 nang maghiwalay si Kiko at ang ex-girlfriend niyang si Devon Seron.
Ang itinurong third party sa hiwalayan noon ay si Heaven Peralejo, na kasama ng aktor sa dating teleserye ng ABS-CBN na Bagong Umaga. Mariin itong pinalagan ni Heaven.
Pero sa isang panayam, sinabi ni Kiko na naging sila ni Heaven bandang Mayo 2021.
Bandang Agosto 2021, bigla namang nag-unfollow si Kiko kay Heaven sa Instagram kaya lumakas ang haka-hakang naghiwalay na ang dalawa matapos lamang ang tatlong buwan.
Sa isang vlog, inamin ni Heaven na mahirap ang kanyang pinagdaanan kaya sarili muna niya ang pagtuunan niya ng pansin.
