Watch Now

Barbie Forteza, nag-enjoy sa love triangle nila nina David Licauco at Rob Gomez

by PEP Troika
Feb 2, 2022
David Licauco, Barbie Imperial, Rob Gomez, Mano Po Legacy
Barbie Forteza (center) on working with David Licauco (left) and Rob Gomez (right): "I admire their willingness to learn and I’m happy to have shared some of my experiences with them."
PHOTO/S: Screengrab from Mano Po: Legacy

GORGY RULA

Na-enjoy ni Barbie Forteza ang role niya bilang si Steffy Dy sa Mano Po Legacy: The Family Fortune.

Hindi naman daw nalalayo sa kanyang lifestyle ang role na ginagampanan niya rito, pero may natutunan siya sa buhay ng malalaking Chinese clan nang ginawa niya ang Mano Po.

"As Steffy Dy, my lifestyle is not as different. I guess all the strict Chinese traditions really goes around the Chan family.

"I enjoy playing Steffy Dy, she’s mature and caring. She’s a real person, I’d like to believe that’s why I think a lot of people relate to her," sagot ni Barbie na idinaan sa Kapuso PR girl.

Sinundan namin ng tanong si Barbie kung nagkaroon na ba siya ng manliligaw o naging boyfriend noon na Chinese.

"No, I don’t think so!" natatawa niyang sagot sa amin.

Na-enjoy rin ni Barbie ang co-actors niya rito na ngayon pa lang niya nakasama, kagaya nina David Licauco, Rob Gomez, Nikki Co, at iba pang baguhang Kapuso actors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ka-love triangle ni Barbie sina David at Rob sa Mano Po.

"I admire their willingness to learn and I’m happy to have shared some of my experiences with them," sabi pa ni Barbie.

Simula sa Lunes, February 7, mapapaaga na ang timeslot ng Mano Po, dahil papalit sila sa oras ng AlterNate na magtatapos na sa Biyernes, February 4.

At sa mga susunod na episodes nito ay tinitiyak nilang lalo raw ikatutuwa ng mga manonood ang mga tarayan nina Maricel Laxa bilang si Valerie Lim, Sunshine Cruz bilang si Cristine Chan, at Almira Muhlach bilang Elizabeth Sy-Chan.

Pahayag ni Maricel, "Super nag-e-enjoy ako na I am part of this serye kung saan I am able to explore other possibilities for my acting abilities.

"First time ko to play an antagonist and nakakatuwa sya.

"Masaya rin na on screen we get to do tarayan, but off screen we get to enjoy each others’ company."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag naman ni Sunshine, "Super enjoy kami sa set ng Mano Po. Everyone is so nice and professional. From Tita Boots, Barbie and the boys.

"To be able to work at makipagtarayan especially kay Ate Maricel is an honor. Ang dami pang exciting and pasabog scenes na dapat abangan."

Natutuwa si Barbie at ang buong cast nitong serye dahil nabuo nila ang Mano Po Legacy para sa telebisyon na iba naman sa mga pelikulang nagawa ng Regal Entertainment, Inc.

JERRY OLEA

Keri pa ba nilang makipagtarayan sa tunay na buhay kagaya ng ginagawa nila sa Mano Po Legacy?

Tugon ni Sunshine, "I’ve always believed na kapag nasa tama ka at kung mauna silang makipagtarayan, just like my role here as Cristine Chan, I have the right and excuse to answer back.

"Pero as Sunshine naman, now that I am 44, I try to be selective of my battles and focus sa positivity."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ni Maricel, "Hindi man ganito kadrama ang buhay ko, pero in every situation sa story ng Mano Po Legacy, marami talagang maaring matutunan lalo na sa importance of having a good foundation for children in families.

"Kasi, eventually, they will take on the values of their parents by observing them in how they interact with one another.

"When we talk about legacy, ano bang legacy ang nais nating iwanan? Magandang pag-isipan iyun.

"Ang legacy ba ay kung magkano ang perang ipapapamana o ang legacy ba ay kung anong klaseng mga tao ang ipapamana sa susunod na generation?"

NOEL FERRER

Kumusta ang Mano Po Legacy? Napanood at nadadaanan ko ito sa TV, pero parang kailangan nito ng major konek sa mga tao.

Interesting ang mga issues at play sa Chinoyserye, pero challenge talaga kung paano ito tatahiin at kukunek sa mas marami pang audience.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Barbie Forteza (center) on working with David Licauco (left) and Rob Gomez (right): "I admire their willingness to learn and I’m happy to have shared some of my experiences with them."
PHOTO/S: Screengrab from Mano Po: Legacy
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results