Watch Now

Silip Sa Apoy ni Angeli Khang, kinabog ang record ng Hugas ni AJ Raval sa Vivamax

by PEP Troika
Feb 3, 2022
angeli khang silip sa apoy
Naka-250,000 plus views ang Silip Sa Apoy sa opening weekend nito, ayon sa Vivamax. Tampok sa pelikula ang bagong sexy star na si Angeli Khang.
PHOTO/S: Vivamax

JERRY OLEA

Naka-250,000+ views sa Vivamax noong nakaraang weekend ang pelikula ni Angeli Khang na Silip Sa Apoy.

“HIGHEST VIEWS EVER!” pagbabando ng Vivamax sa Facebook page at Twitter account nito. Kabog ang Hugas ni AJ Raval!

“Hindi lang sinilip, pinanood pa” ang pelikula ni Angeli, kung saan leading man niya sina Sid Lucero at Paolo Gumabao.

Idinirek iyon ni Mac Alejandre, mula sa panulat ni Ricky Lee. Tampok din sa cast sina Dexter Doria, Jela Cuenca, at Massimo Scofield.

silip sa apoy vivamax

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Siyempre pa, happy and pleasantly surprised si Direk Mac sa tagumpay ng Silip Sa Apoy, na nag-umpisang mag-streaming noong Enero 28, Biyernes.

“Happy ako for everyone involved specially the actors who gave so much to the project,” sabi ni Direk Mac nang maka-chat namin nitong Pebrero 3, Huwebes ng hapon, via Messenger.

“I am very appreciative sa commitment at dedication nila sa film at sa tiwalang ibinigay nila sa akin.

“Happy ako na napag-uusapan ang tema at kuwento ng pelikula.”

Sabi-sabi, nakakaawa si Angeli sa dami ng skin exposure sa movie, may pa-frontal pa.

Na-exploit nga ba siya? May ginawa ba si Angeli na labag sa kalooban niya? Na napilitan lang siya?!

“Walang pilitan. Wala kaming ginawa na hindi napag-usapan at napagkasunduan,” tugon ng premyadong direktor.

“Inilatag nang maayos sa lahat bago pa ang shooting and we all agreed. The adjustments made sa shoot ay pinag-usapan at napagkasunduan din.

“At kita sa pelikula ang commitment ng lahat ng mga actors sa roles nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Angeli even approached me after we did the first intimate scene nila ni Paolo at she said na maganda ang ginagawa namin, at sabihin ko lang daw sa kanya ang kailangan at gagawin niya.

“It was a harmonious set. I think kita naman iyon sa declarations nila sa press interviews.”

Siyempre pa, dahil sa tagumpay ng Silip Sa Apoy ay may kasunod nang film project si Direk Mac para sa Vivamax, na si Ricky Lee pa rin ang scriptwriter.

“Parang fusion ang genre pero basically family drama. Ricky and I have a couple of materials sa pipeline,” pagbabalita ni Direk Mac.

Family drama?! After My Husband, My Lover and Silip Sa Apoy, family drama muna?! Pahinga muna sa erotic drama na ine-expect ng iba?

“Maraming hinahanda sa paggawa ng film. Casting, schedules, logistics. So, kung ano ang pinaka feasible na mauuna will be dictated by these factors,” saad ni Direk Mac.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Panalo si Direk Mac Alejandre at nami-miss ko na ang partnership nila ni Ricky Lee sa paggawa ng provocative films na may sinasabi.

Bravo rin kay Dexter Doria na paborito ko, lalo ngayon dahil sa kanyang Teacher Didi Serye sa YouTube.

Sana, after Silip Sa Apoy, mapangatawanan ni Angeli Khang ang kanyang pagiging Silip sensation at mag-progress sa isang sought after at edgy actress. Sana. Sana.

GORGY RULA

Maayus-ayos naman kasi itong Silip Sa Apoy kung ikukumpara sa mga pelikula nina Direk Roman Perez Jr. at Darryl Yap.

Bukod sa pasilip ni Paolo Gumabao, maganda si Angeli at mukhang bata pa. Kaya mas okay sana kung i-workshop pa si Angeli at tutukan ang tamang pag-arte dahil may potential naman.

Pero ewan ko lang kung tama ang obserbasyon ng isang kaibigang sinipat nang husto ang katawan ni Angeli. Sinabi niya sa akin kung puwede ko raw bang tanungin si Angeli, kung may inayos daw ba sa ilong niya at dibdib?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi ko masasagot iyan, 'ikako, dahil hindi kami magkakilala ni Angeli Khang.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-250,000 plus views ang Silip Sa Apoy sa opening weekend nito, ayon sa Vivamax. Tampok sa pelikula ang bagong sexy star na si Angeli Khang.
PHOTO/S: Vivamax
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results