PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

MJ Lastimosa, Michelle Dee, Rabiya Mateo on pageant requirements

Iba na ang pamantayan ngayon sa beauty pageants.
by PEP Troika
Published Feb 16, 2022
mj lastimosa, michelle dee, rabiya mateo
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo nagbigay ng kani-kanilang opinyon sa mga pagbabagong nagaganap sa pageants.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

May ilang naglabas na ng mga pangalang inaasahang sasali sa Miss Universe Philippines 2022 sa darating na Abril.

May mga repeater, bagong mukha, at nagpahayag din ng interes si Miss World Philippines 2019 Michelle Dee.

Pero tingnan natin kung may mga bagong bubulaga lalo na ngayong naging maluwag na raw ang requirements sa mga tatanggaping kandidata.

Ayon sa tatlong beauty queens na bahagi ng Agimat ng Agila na sina Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo, Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, at Michelle, iba na ngayon ang batayan ng hinahanap na beauty queen.

Hindi lang ang panlabas na anyo kundi kung gaano rin kaganda ang kalooban nito.

Sabi ni MJ, iba ang panahon nila noon na talagang patangkaran ang labanan.

Saad niya, “For me, I am happy na when it comes to beauty, dahan-dahan na naging open.

“Actually, few years ago, we had Miss Canada, she was… yung size is not the norm but she penetrated until the top ten, which means nalagpasan niya yung swimsuit competition. Kasi siyempre, may expectations ang mga tao, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang tinutukoy ni MJ na "Miss Canada" ay si Siera Bearchell, na kandidata ng Canada sa Miss Universe 2016.

“When it comes to height, I’m very happy na ngayon wala nang height requirement. Kasi, naalala ko dati sa Binibining Pilipinas na talagang grabe kami magsukatan ng height.

“Kailangan pumasok sa 4-point something, ganun. Pag hindi, ekis talaga, wala.”

Pero bilang taga-Davao si MJ at isa siya sa mga sumusuporta sa indigenous tribes sa Mindanao, sana raw ay may makapasok na katutubo para magbigay inspirasyon din sa mga tao.

“I would be very, very happy to see one day na ang isang katutubo ang mag-represent ng Philippines with her natural hair, her natural skin color, it doesn’t matter kung ano man yung family background mo.

“Ang gaganda ng mga story nila. Mabigyan lang sila ng chance sa national stage and to represent Philippines sa international stage, I’d be very happy to see them,” saad ni MJ sa nakaraang mediacon ng Agimat ng Agila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sabi nga ni Rabiya, nung panahon niya ay hindi na ganun kahigpit pagdating sa height. Isa nga raw siya sa pinakamaliit na sumali sa Miss Universe.

“Siguro din, aside sa height, also sa weight, e. Kasi dun sa Miss Earth USA, you know, different sizes. Yun nga ang tinatawag nila na real beauty.

“Siguro isa na din…. it started with me, kasi isa ako sa pinaka-short na Miss Universe Philippines na ipinadala.

“Sana next time, different molds naman yung makikita natin. Kasi beauty has no form, it has no size.

“So, sana dito sa Philippines, unti-unti na makita natin, and it’s a beautiful message especially sa young ones na anybody can be Miss Universe,” saad ni Rabiya.

Nakikita naman na raw ni Michelle ang ganitong pagbabago sa susunod na beauty pageants.

Pahayag niya, “It’s so different na sa mga beauty pageant na, you know, galawan natin. And it’s really emphasizing kung anong mao-offer ng isang babae on the inside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It’s not just the physical na, but really, like what MJ said, it’s really what we have on the inside. Because, I really believe anyone can become a beauty queen naman, e. It’s just about what they believe in, what their stands are.

"And right now, yung mga nanalo, it’s just really a symbol of what can everybody can achieve also. So, I am happy na lumuluwag talaga yung rules, kasi you know sayang din, e.

“Ang dami talagang mao-offer yung mga babae that, just because of the mere height requirement, hindi nila mabibigay yun? Hindi nila masasabi yung mga stories nila

"So, it’s really a pleasing trend rather sa pageantry right now,” saad ni Michelle, na malapit na ang pagbabalik ng karakter niyang si Serpenta sa Agimat ng Agila.

JERRY OLEA

I wonder kung agree kina Rabiya, MJ, at Michelle ang Miss World natin na si Megan Young, maging ang apat nating Miss Universe na sina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach, at Catriona Gray.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sang-ayon din kaya ang anim nating Miss International natin na sina Gemma Cruz, Aurora Pijuan, Melanie Marquez, Lara Quigaman, Bea Santiago, at Kylie Verzosa?

Abang-abang tayo kung saang timpalak lalahok si Herlene Budol na mas kilala bilang Hipon Girl.

Ayon sa katotong Joey Sarmiento, aka DJ Kuya Jay Machete, nagsasanay na si Hipon Girl sa ilalim ng Kagandahang Flores.

Sabi pa ni Joey Sarmiento noong Pebrero 10, Huwebes ng umaga, via Messenger, “Desidido ang bagong business manager ni Hipon Girl na si Wilbert Tolentino na i-repackage siya bilang beauty queen.”

NOEL FERRER

No form. No size. Just really pleasing personality and truly a woman of substance — yun talaga siguro ang dapat mahanap natin sa susunod na kakatawan sa ating bansa.

Nakita nating malaking bahagi sa Miss Universe ay ang kahusayan at kaliksihan hindi lang ng katawan kundi lalo na ang pag-iisip.

Dapat din talagang magwagi ang kababaihan, lalo na sa panahon ngayon!!!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Universe Philippines 2014 MJ Lastimosa, Miss World Philippines 2019 Michelle Dee, at Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo nagbigay ng kani-kanilang opinyon sa mga pagbabagong nagaganap sa pageants.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results