JERRY OLEA:
Ipinaliwanag ni Manay Lolit Solis kung bakit wala nang comment section ang kanyang Instagram account.
"May isang fans club na nairita sa akin," sambit ng 74-anyos na talent manager nang makatsikahan namin nitong Marso 7, Lunes ng hapon, sa Supersam restaurant, Quezon City.
"Nag-blind item kasi ako. Tapos, may isang nag-claim na siya yung sinulat kong maganda nga pero bobitang aktres.
"Clinaim niya, siya yun. Nagalit ang fans club niya chu-chu! Cinomplain ako. Gustong ipatanggal ang aking IG.
"E, hindi naman malaman ng IG kung bakit tatanggalin. Wala naman akong sinulat na ano.
"Ang nakita lang nila na merong kabastusan sa IG ko, yung mga basher. So, ang ginawa, tinanggal ngayon ang mga comment."
So, hindi na siya naba-bash?!
"Kaya nga, e! Naiinis ako, yun pa naman ang mental exercise ko!" bulalas ni Manay Lolit.
"Honest, nasasaktan ako dun sa iba pero parang mental exercise yun, di ba? Biro mo, hindi niya ako kilala, ba’t ganito ang tingin niya sa akin?
"Parang naisip ko tuloy, 'Ay, dapat din pala, mag-iingat ako!' Dahil yun lang yun, tapos…
"Kasi, parang dinedesisyunan mo na yung tao sa tingin mo pa lang sa kanya, sa pagsasalita niya or sa ano.
"Samantalang hindi mo naman kilala, di ba? So, medyo ano… may iba lang na nakakairita na, 'Hingi ka nang hingi ng pera! Mabait ka lang sa nagbibigay sa ‘yo ng pera!'
"Bakit? Nabigyan mo ba ako? Binigyan mo ba ako? Hiningan ko ba siya? Kaso, hindi ko siya kilala, ‘no?!"
Sa local showbiz ba, maraming maganda pero bobitang aktres? O ilan lang sila at madaling ma-identify?
Napabuntong-hininga si Manay Lolit, "Yung iba kasi, nagdudunung-dunungan. Akala mo, madunong tapos bobita pala! Di ba?
"Di ba?! Accepted nila na talagang bobita sila. Talagang walang ano, di ba? E, yung iba kasi, talagang… huh, nagdudunung-dunungan!
"Wala namang alam, ‘no?! Kaya gusto kong tampalin!"
GORGY RULA:
Basta, sinasabi ni Nay Lolit na nagtataka siya kung bakit sineseryoso siya ng mga tao, e hindi naman daw dapat.
Kaya natutuwa raw siya kay Kris Aquino na hindi napipikon sa mga sinasabi niya. Noon pa man ay sinasabi ni Kris na hindi naman daw mina-mind ni Nay Lolit kung wala siyang credibility.
Kaya ang talino raw ni Kris na hindi siya apektado kahit nalalait siya ni Nay Lolit minsan dahil hindi naman dapat seryosohin ang mga sinasabi niya.
Naalala ko rin ang sinasabi ni Billy Crawford na kahit ano pa raw ang sabihin sa kanya nina Nay Lolit at kahit daw si Tita Cristy Fermin, okay lang daw sa kanya.
Lumaki na siya sa mga beteranang showbiz personalities na ito na naging bahagi ng kanyang showbiz career.
NOEL FERRER:
Ngayong araw na ito ang pagbubukas ng bagong chapter sa online engagement ni Nay Lolit thru Take It!Take It! Me Ganon! kasama si Mr. Fu.
Yun na lang ang bagong balitang gusto kong pagtuunan sa kanya. May kahiwalay nang online show si Nay Cristy Fermin, ang Showbiz Now Na (SNN) with Rommel Chika and Morly Alinio.
Mukhang mas malalim ang pinagsamahan nina Nay Lolit at Nay Cristy kaysa sa napapabalitang magandang aktres. Next issue na lang, please…
