PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, nagkalabuan at nagkabalikan?

Rabiya at Jeric, umamin tungkol sa relasyon nila sa Instagram.
by PEP Troika
Published Mar 17, 2022
jeric gonzales, rabiya mateo
Kahapon, March 16, halos magkasabay na nag-post sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ng sweet photos nila sa Instagram. Ito ang kumpirmasyong opisyal na ang kanilang relasyon.
PHOTO/S: @jericgonzales07 / @rabiyamateo on Instagram

JERRY OLEA

Disyembre 2021 nang ma-link sa isa’t isa sina Rabiya Mateo at Jeric Gonzales.

Sa PEP Live interview kay Rabiya noong Pebrero 8, 2022, ang pahiwatig ng dalaga ay getting close pa lang sila ng Kapuso hunk actor.

Napatili si Rabiya sa komento ng isang netizen na ire-reveal kung ano at sino si “J” sa puso niya pagsapit ng Valentine’s Day.

Noong Pebrero 14, present si Rabiya sa virtual mediacon ng Agimat ng Agila Season 2, kung saan nasa interbyuhan din sina Senator Bong Revilla, Michelle Dee, at MJ Lastimosa.

Blooming ang dating ni Rabiya!

Parehong walang ka-Valentine date sina MJ at Michelle. Maaga nga raw matutulog si Michelle dahil umaga ang call time niya sa taping the next day.

Sabi ng katotong Jun Lalin, “Eto si Miss Mateo, eto napapabalita kasi na may love life, e, oo. Isa yata sa mga una niyang nakasama sa GMA.

“So, Rabiya, ikaw ba, may boyfriend? May ka-date ka ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mabilis at mahinahon ang tugon ni Rabiya, “Sa totoo po, ahhm, wala po akong date this time.”

Nilinaw ni Jun, “Hmmn, pero wala ka pang boyfriend pa uli?”

Hindi agad nakahuma si Rabiya, “Ahhm… sandali lang! Na-stress ako bigla!” natatawa at nagkakandautal na bulalas ng dalaga.

“Ahhm… ahh… sandali lang po. Ahh…”

Hirit ni Jun, parang nabulunan si Rabiya. Dahil ba V-day na nga pero wala pa siya uling boyfriend, o medyo nag-iisip siya kung aaminin ba niya?

Napabuntong-hininga si Rabiya, “Wala po talaga as of the moment. And siguro, time will tell. Pero ngayon po, I am proud…

“Hindi naman proud, I can say and I can look po sa eyes ninyo and say na wala po.”

Ayon sa source ng PEP Troika, nagkalabuan sina Jeric at Rabiya bago mag-Valentine’s Day.

Pero afterwards ay nag-reach out daw si Rabiya kay Jeric, at nagkabalikan sila, hanggang inamin nila ang kanilang pagmamahalan via Instagram nitong Marso 16, Miyerkules ng gabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Rabiya Mateo, Jeric Gonzales confirm they are now a couple

Bida si Jeric sa pelikulang Broken Blooms, kung saan co-stars niya sina Therese Malvar, Jaclyn Jose, Boobay, at Royce Cabrera, sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Tampok din si Jeric sa Philippine adaptation ng K-drama na Start-Up na pangungunahan nina Bea Alonzo at Alden Richards.

GORGY RULA

Naging item sina Jeric at Rabiya nung nakaraang taon, pero wala nang kasunod na balita tungkol sa kanila.

Tapos, noong Valentine’s day, wala raw ka-date ang beauty queen-actress at single daw siya. Nagkalabuan ba at nagkabalikan lang?

Totoo bang itong bakasyon nila sa Bohol, napagkasunduang official na silang magkasintahan?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatsikahan namin si Jeric sa programa namin sa DZRH nung Miyerkules, March 16, pero nasabihan kaming hindi pa namin puwedeng itanong ang tungkol sa kanila ni Rabiya.

Pinu-promote ni Jeric ang bagong single niyang "Hihintayin Kita" na theme song ng launching movie niyang Broken Blooms.

Sabi ni Jeric, bukod sa kanyang pamilya at mga fans, inaalay rin daw niya ang awiting ito sa babaeng mamahalin niya.

Aniya, “Yung 'Hihintayin Kita,' siguro dun na lang talaga sa kung sino man talaga yung para talaga sa akin in the future.

“Hihintayin ko talaga yung kung sino ang mamahalin ko at magmamahal sa akin talaga.

“Darating at darating siya, maghihintay ako,” nakangiti niyang sagot sa amin.

Inaayos ang interview kay Jeric para sa 24 Oras ngayong Huwebes ng gabi. Sasagutin niya ang tungkol sa relasyon nila ni Rabiya. Abangan na lang natin.

NOEL FERRER

Naka-4.7K views na ang official music video ng "Hihintayin Kita" mula nang in-upload ito noong Pebrero 13 sa YouTube channel ng GMA Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hintayin natin kung ano ang ibabahagi ni Jeric tungkol sa relasyon nila ni Rabiya. Good luck sa magkasintahan!

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahapon, March 16, halos magkasabay na nag-post sina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo ng sweet photos nila sa Instagram. Ito ang kumpirmasyong opisyal na ang kanilang relasyon.
PHOTO/S: @jericgonzales07 / @rabiyamateo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results