GORGY RULA
Inaayos na ng Cornerstone Management ang pagpiyansa sa talent nilang si Kit Thompson para makalabas na ito sa detention ng Tagaytay PNP Headquarters ngayong Lunes, March 21, 2022.
Nataong Biyernes ng hapon, March 18, na-inquest si Kit at hindi na mai-report sa korte ang kanyang kaso kaya naka-detain siya nang buong weekend.
Inaresto si Kit dahil sa pananakit umano nito sa girlfriend na si Ana Jalandoni.
Read: Sexy star Ana Jalandoni rescued by Tagaytay police after alleged assault by boyfriend Kit Thompson
Inaasahang maire-report na ngayon sa korte at makakapag-request na ang legal counsel ni Kit ng bail para makalabas na ang aktor. Sa ngayon ay wala muna silang maibigay na statement dahil kakausapin pa raw muna si Kit ng Cornerstone at ng kanilang legal counsel.
Samantala, sumagot naman si Ana Jalandoni sa text ng PEP Troika kung kumusta na siya at kung puwede na siyang makapanayam.
Aniya, “I’m feeling better today. Nagpapagaling pa po ako.”
Ipinasa na niya kami sa kanyang abogado para sagutin ang iba pa naming katanungan. Pero sinundan ko ng tanong si Ana kung totoong nagdadalantao siya.
Bago pa nangyari ang gulo nila ni Kit, natsismis na noon si Ana na buntis daw ito. Kaagad namang itinanggi ito ng sexy actress.
“Hindi po ako preggy. Wala 'yan katotohanan, Gorgy,” mabilis na sagot sa akin ni Ana.
Ipinost ni Ana sa kanyang social media account ang flowers na ipinadala sa kanya ni Erickson Raymundo ng Cornerstone.
Napag-alamang ang Cornerstone din pala ang manager ni Ana Jalandoni.
Nalaman naman namin mula sa legal counsel ni Ana na purisgido silang kasuhan si Kit.
"Yes, she is bent on pursuing the case. Actually, we are preparing to press charges to the fullest extent of the law," pahayag ni Atty. Faye Singson.
UPDATE: Nakapagpiyansa na si Kit bandang 5:30 p.m. ngayong Lunes.
JERRY OLEA
Umariba sa Vivamax ang Moonlight Butterfly nang mag-umpisa ang streaming noong Marso 18, Biyernes. Launching film iyon ni Christine Bermas, kung saan leading men niya sina Kit Thompson at Albie Casiño.
Noong araw ring iyon pumutok ang isyung bugbugan sa pagitan ni Kit at ng kasintahang si Ana Jalandoni.
Kumalat tuloy ang screen shots ng pelikulang Sarap Mong Patayin (2021) kung saan inumbag-umbag ni Kit si Ariella Arida. Noong Oktubre 15 iyon nag-umpisang mag-streaming sa Vivamax.
Sa ilang artikulo na nabasa ko, iniulat na kesyo ipinalabas na last year ang launching movie ni Ana na Manipula, kung saan co-stars niya sina Aljur Abrenica, Christian Vazquez, Kiko Matos, Mark Manicad, at Marco Alcaraz.
Noong Oktubre 23, 2021 iyon nag-presscon sa Tipsy Pig, Timog Ave., Quezon City. Sa pagkakaalam ko ay hindi pa iyon naipalabas.
Inusisa ko ang direktor ng Manipula na si Neal “Buboy” Tan kung naipalabas na ba iyon.
“Wala akong alam. Si Ana ang may hawak ng marketing,” sabi ni Direk Neal nitong Marso 21, Lunes ng tanghali via Messenger.
Kumusta si Ana?
“Nag-reply lang sa comforting message ko. Nag-thanks and nag-I luv u lang,” tugon ni Direk Neal.
Ang pilot episode ng digital series nina Kit at Herlene “Hipon Girl” Budol na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask ay nakatakdang mag-premiere sa Marso 26, Sabado ng 6:00 p.m., sa Puregold Channel sa YouTube.
Tinanong ko ang producer ng digital series na si Direk Chris Cahilig kung tuloy ba ang streaming ng pilot episode sa Sabado.
“Wala pang update,” sagot ni Direk Chris.
Kasama rin pala si Kit sa Kapamilya series na Flower of Evil, kung saan bida sina Piolo Pascual at Lovi Poe.
Ano kaya ang magiging epekto sa career ni Kit ng isyung bugbugan nila ni Ana?
Kakalas kaya si Ana sa Cornerstone, o bibitawan ng Cornerstone ang pagma-manage kay Kit?
NOEL FERRER
Maganda yung naging statement ng Cornerstone na they don’t condone violence at sa kabila ng pag-aayos nila ng pampiyansa kay Kit ay ipinagpapaubaya nila ang lahat sa rule of law.
Sana’y lumabas nga ang katotohanan dito at managot ang dapat managot. Iyan ang essence ng hustisya na dapat nating igalang at makamit!
READ:
Kit Thompson in Tagaytay police custody; his girlfriend treated for injuries
Kit Thompson alleged assault of girlfriend Ana Jalandoni caused by jealousy, says police
Darryl Yap, nagkuwento tungkol sa Ana-Kit incident base sa pakikipag-usap sa mga ito
