Watch Now

Jaclyn Jose, nilinaw na hindi siya namimili ng katrabahong baguhang artista

by PEP Troika
Apr 5, 2022
Jaclyn Jose
Newbie star Cloe Barretto (in blazer) on Jaclyn Jose (rightmost in Zoom): "Sobrang galing po niya! Naka-work ko siya before, sa Anak ng Macho Dancer, pero wala po kaming eksena. Yung pagsampal niya, ang galing! Nandun po ako sa set nung tine-take yun, e! Nasa likod ako." JC Santos (in specs) is Cloe's leading man in Tahan, while Jaclyn will portray as her mother.
PHOTO/S: Jerry Olea

GORGY RULA:

Kung kaya lang sa schedule at maganda ang material, hindi tumatanggi si Jaclyn Jose ng movie offers lalo na kapag mga baguhan ang makakasama niya rito.

Tinanggap ng multiawarded actress ang bagong project ng 3:16 Media Network na pag-aari ni Janilyn Carillo. Ka-partner ni Janilyn ang baguhang producer na si John Bryan Diamante.

Pinamagatang Tahan ang pelikulang sinulat ng anak ni Janilyn na si Quinn Carillo, na bahagi rin ng cast.

Pinagbidahan ito ng maituturing pa ring baguhan na si Cloe Barreto. Ngayon pa lang nasundan ng pelikula si Cloe, pagkatapos ng launching movie niyang Silab.

Halos lahat sila ay ngayon pa lang makakasama ni Jaclyn, pati ang direktor nitong si Bobby Bonifacio Jr.

"First time ko silang nakatrabaho, pero hindi po ako namimili ng katrabaho. Kasi, minsan din akong naging baguhan," pakli ni Jaclyn na humarap sa press via Zoom.

Ang iba pang cast ay dumalo sa story conference ng Tahan sa Music Box sa Quezon City noong Lunes, April 4, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw ni Jaclyn na hindi siya namimili sa mga artistang makakasama niya, lalo na’t kung baguhan dahil pinagdaanan din niyang maging baguhan noon.

Dagdag ni Jaclyn, "Ang mga nakasama ko dati nung nagsimula ako ay hindi naman nila ako tiningnan nang mababa, or baguhan.

"So, binibigay din po natin yung respeto kung paano tayo nirespeto ng ating mga seniors nung araw.

"Kung ano po yung binigay nila, ganun din po yung suporta at respeto na ibibigay ko sa mga baguhan.

"I will never get tired of working with the newcomers because I was once there."

Ang hiling lang ni Jaclyn mula sa mga baguhang ito ay mag-focus sana sa trabaho at pag-aralan ang role na ginagampanan kapag nasa set na.

Paliwanag ng beteranang aktres: "Siyempre, pagdating sa set, we are what we are portraying na.

"Pagkatapos po ng take ng shoot, balik na po tayo agad-agad sa ating pagkatao. Kasi, pag ganitong may pandemya mabilis po ang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, kinakailangan naka-focus po tayo. Kasi, hindi po tayo puwedeng matagal, kailangan medyo alam na po natin maski papa'no kung ano na po ang gagawin natin.

"I-brief naman po tayo at saka yung script po. So, ang ini-expect ko po sana, kung maari ay…pati sa sarili ko rin po, kasi nasa gitna ako ng soap, e. Hindi pa po ako nakakalabas dun sa ginagawa ko. Pagdating po sa trabaho, trabaho po. Yun lang po.

"Puwede naman pong magsaya. Hindi naman ibig sabihin maging ano tayo… Let’s enjoy and work, para smooth and maganda po."

Cloe Barretto, Karl Medina, Direk Bobby Bonifacio, Quinn Carillo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA:

Idolo ni Cloe Barreto si Jaclyn Jose, kaya masaya siya na ito ang gaganap bilang ina niya sa pelikulang Tahan.

"Sobrang galing po niya! Naka-work ko siya before, sa Anak ng Macho Dancer, pero wala po kaming eksena," kuwento ni Cloe.

"So, parang sabi ko, ang galing niya! Natural na natural. Parang hindi siya umaarte.

"Yung pagsampal niya, ang galing! Nandun po ako sa set nung tine-take yun, e! Nasa likod ako.

"Kaya excited po ako na kinakabahan pag may eksena na kami together."

Siyempre pa, excited din si Cloe sa bagong leading man niyang si JC Santos.

Dahil prostitute o escort girl ang papel ni Cloe sa Tahan, marami siyang seksing eksena sa pelikula.

"Mas ready po ako ngayon. Mas palaban po ako ngayon!" bulalas ni Cloe, na nangangarap maging action star.

Magpapaseksi pa rin naman daw si Cloe kahit maging action star siya na tuma-tumbling-tumbling, at nag-i-split-split.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER:

Gusto rin ni JC Santos na makatrabaho ang mga baguhang artista.

"I like working with new actors, kasi madami rin po silang ibibigay na bago po, e. Updated version lang sila. May matutunan tayo na bago," katwiran ni JC na nasa Zoom din.

Pati sa direktor nitong project na si Bobby Bonifacio Jr. ay gusto rin daw niyang mag-suggest para lalo pang mapaganda ang pelikula.

"I think the script, puwede pang pagandahin, and dun ako nai-excite, and para makakuha ako ng fresh take, yung something new to learn. That’s exciting for me na may bago akong matutunan with new set of actors.

"I think okay naman sila sa collaboration, and that’s my impression. I think mapapaganda pa lalo and para maging malalim pa siya and maging makatotohanan pa," sabi ni JC.

Okay kay Direk Bobby ang ganung set-up dahil bukas siya sa mga suggestions mula sa mga artista niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre, ako po sobrang high respect sa kanila, sa experience nila at excited na makatrabaho sila," lahad ni Direk Bobby.

"Ako naman po kasi, I’m a very collaborative director. Sa lahat, ang pinakagusto ko po, yung katrabaho ko ay may maibabahaging talino sa proyekto.

"Kasi, sama-sama po naming pagandahin yung project. Kasi, hindi naman po puwedeng ako lang at ako, na ako lang ang magdidikta kung ano ang mangyayari. Mas maganda po kasi kung lahat, may contribution."

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Newbie star Cloe Barretto (in blazer) on Jaclyn Jose (rightmost in Zoom): "Sobrang galing po niya! Naka-work ko siya before, sa Anak ng Macho Dancer, pero wala po kaming eksena. Yung pagsampal niya, ang galing! Nandun po ako sa set nung tine-take yun, e! Nasa likod ako." JC Santos (in specs) is Cloe's leading man in Tahan, while Jaclyn will portray as her mother.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results