Watch Now

Magpakailanman episode ni Herlene Budol, umalagwa sa ratings; FPJ Da King, tinalo ang Star Cinema movie sa GMA Blockbusters

by PEP Troika
Apr 11, 2022
Herlene Budol, Magpakailanman, FPJ Da King, GMA Blockbusters
Patok ang pagganap ni Herlene Budol (left) bilang YouTuber na si Rosemarie Vega. Nagtapatan naman ang FPJ Da King (upper right) ng Kapamilya Channel at It Takes A Man And A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo (lower right) para sa GMA Blockbusters.
PHOTO/S: Magpakailanman / FPJ Da King / GMA Blockbusters

GORGY RULA

Pinatunayan ni Herlene Hipon Girl" Budol ang pagiging rater dahil mataas ang rating ng Magpakailanman kung saan siya ang bida sa episode na "Fiancée or Financier."

Ginampanan niya rito ang kuwento ng buhay ng YouTuber na si Rosemarie Vega.

Kunsabagay, mataas ang viewership ng primetime ng GMA-7 nung nakaraang Sabado, Abril 9, 2022, Araw ng Kagitingan.

Naka-8.6% ang 24 Oras Weekend, at 2.2% naman ang TV Patrol Weekend. Sumunod ang Pepito Manaloto na 10.9% versus My Papa Pi na 1.7%.

Tumaas din ang Agimat ng Agila na naka-13.1%, at 1.5% naman ang Pinoy Big Brother Kumunity Season 10.

Lalong tumaas pagdating sa Magpakailanman na naka-15.6%, at 1.9% naman ang Maalaala Mo Kaya.

Okay rin ang rating ng mga programa ng GMA-7 nung Linggo, April 11, 2022.

Nagulat lang kami dahil hindi gaanong nag-rate ang GMA Blockbuster kung saan ipinalabas ang Star Cinema movie na It Takes A Man and A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ito ang unang arangkada ng partnership ng GMA-7 at ABS-CBN na ipalabas ang Star Cinema movies sa Kapuso Network.

Read: GMA-7 inks deal with ABS-CBN; to air Star Cinema movies

Mataas pa nga ang Kapuso Movie Festival na naka-4.8%. Sumunod ang All-Out Sundays na tumaas din sa 4.5%, at 2.8% naman ang ASAP Natin ‘To.

Ang GMA Blockbusters ay 3.9%, at natalo ito ng combined ratings ng FPJ Da King (Umpisahan Mo, Tatapusin Ko) na naka-4.1%.

Ang The Best Ka ay 4.3%, at 4.5% ang sumusunod na Regal Studio Presents, at 7.3% naman ang Amazing Earth.

Sa primetime naman ay naka-11.4% ang 24 Oras Weekend. Naka-2% ang TV Patrol, at 4.4% ang PBA Finals sa TV5.

Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na 11.5% versus 1.3% ng PBB.

Medyo bumababa naman nang slight ang Happy ToGetHer ni JLC na naka-12.4%. Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.5%, at mataas ang replay ng The Boobay and Tekla Show na naka-5%.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sayang at naudlot ang pagpapalabas ng digital series ni Herlene na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask sa YouTube.

Ang leading man kasi ni Herlene ay si Kit Thompson, na inireklamo ni Ana Jalandoni dahil sa pambubugbog.

Totoo ba ang naulinigan ng PEP Troika na tatanggalin si Kit sa teleseryeng Flower of Evil nina Piolo Pascual at Lovi Poe?

Ire-reshoot ba ang mga eksena na kasama si Kit? Wala pa rin tayong balita kung kailan ipalalabas ang pelikulang Runway kung saan si Kit ang leading man ni Maureen Wroblewitz.

Samantala, yung It Takes A Man And A Woman ay bugbog na ng pagpapalabas sa iba’t ibang platform, kaya hindi na ako nagulantang na so-so ang rating nito.

NOEL FERRER

Ako naman, ganun pa rin ang stand ko sa ratings, parang election surveys din lang iyan—a snapshot of the present TV situation.

Pero ito ba ang kailangan natin? Ito ba ang gagabay sa atin para maging nagkakaisang bansa tungo sa mabuting pagbabago?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ilan sa TV shows natin ang nagpo-promote ng kritikal na pag-iisip at ilan ang basta wala lang.

Kung umaasa tayo sa mas matinong kalalabasan sa halalan, sana’y kasabay nito ang mas napapanahon at matinong panoorin sa media.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patok ang pagganap ni Herlene Budol (left) bilang YouTuber na si Rosemarie Vega. Nagtapatan naman ang FPJ Da King (upper right) ng Kapamilya Channel at It Takes A Man And A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo (lower right) para sa GMA Blockbusters.
PHOTO/S: Magpakailanman / FPJ Da King / GMA Blockbusters
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results