Will Herlene Budol accept if Willie Revillame offers her to be part of his show at AMBS?

by Melba R. Llanera
Mar 18, 2022
Herlene Budol, Hipon Girl, Willie Revillame
Herlene Budol on Willie Revillame: "Sinabi ko na rin naman sa kanya yun na kung kailan niya ako kailanganin, e, nandito pa rin naman ako." Noon lamang February 2022 ay binisita ni Herlene si Willie sa studio ng Wowowin.
PHOTO/S: @herlene_budol Instagram

Tinatanaw pa rin ni Herlene "Hipon Girl" Budol na malaking utang na loob kay Willie Revillame ang showbiz break na ibinigay nito sa kanya noon.

Noong 2019, nadiskubre si Herlene nang siya ay maging contestant sa Wowowin, ang variety show na ipinoprodyus at hinu-host ni Willie.

Kinuha siya ni Willie sa show bilang co-host at binansagang resident "Hipon Girl," at tumagal siya roon hanggang mid-2021.

Nitong March 16, 2022, hiningan ng reaksiyon si Herlene kung sasama ba siya kay Willie kung sakaling kunin siya nito muling maging parte ng magiging shows nito sa AMBS (Advanced Media Broadcasting System).

Ang AMBS ay ang pag-aaring TV network ng business tycoon na si Manny Villar, na binigyan ng "provisional authority" na gamitin ang Channel 2 at 16 frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN.

Nang umalis si Willie sa GMA-7 noong February 2022, inamin niyang inalok siya ni Villar na pamunuan ang bubuksang TV station ng negosyante.

Continue reading below ↓

Sagot ni Herlene hinggil sa pakikipagtrabaho kay Willie: "Why not? Kasi siyempre marunong akong tumanaw ng utang na loob.

"Sinabi ko na rin naman sa kanya yun na kung kailan niya ako kailanganin, e, nandito pa rin naman ako."

Pero hindi rin naman daw sinasarado ni Herlene ang sarili sa ibang oportunidad.

"Nadadaan naman sa pag-uusap yun. Halimbawa, nakakontrata na ako sa GMA, halimbawa lang, at bigla akong kailanganin ni Tito Willie.

"Di namam porke't kailangan ako ni Kuya Wil, e, iiwan ko na ang isang istasyon.

"Kumbaga, nadadaan naman yun sa magandang usapan yun kung may maganda namang pinagsamahan ang mga tao na tumutulong sa akin."

Nakapanayam si Herlene ng press, kabilang ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa virtual mediacon ng pinagbibidahan niyang digital series na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask.

ON TONI GONZAGA

Isa pa sa mga taong pinasalamatan ni Herlene ay si Toni Gonzaga, na kinapanayam siya sa YouTube channel nito noong July 2021.

Continue reading below ↓

Kasagsagan noon ng pandemya, at emosyonal na inamin ni Herlene na "back to zero" at nasimot ang halos lahat ng kinita niya sa Wowowin, dahil tigil lahat ng trabaho sa loob at labas man ng showbiz.

Read: Herlene "Hipon Girl" Budol maagang namulat sa mapait na katotohanang di panghabampanahon ang showbiz

Tinanong namin si Herlene kung natanggap na ba niya ang pangako ni Toni na ibibigay nito sa kanya ang kikitain mula sa vlog episode kunsaan si Herlene ang celebrity guest.

"Kay Ate Toni, ibinigay niya ang lahat sa akin. Walang labis, walang kulang," sagot niya.

"May bonus pa nga, binigyan ako ng buong pamilya nila ng Bible. Pinatanggap nila ako kay Lord kung paano ako... tinuruan nila ako kung paano magbasa ng Bible kaya sobrang helpful nila sa nangyari sa akin.

"Kahit sa YouTube channel ko, kumikita na ako dahil sa tulong nila Ate Alex, nila Ate Toni...

"Actually, ngayon talaga ay nakakabawi na ako dahil sa tulong ng mga taong nakapaligid sa akin.

Continue reading below ↓

"Especially kay Sir Wilbert Tolentino...

"Yung mga supporters ko, sa mga nasa ibang bansa kahit nandito sa Piipinas, di talaga sila nawala kahit nawala ako nung pandemya.

"Pero ang totoong nag-build sa akin is si Kuya Wil. Kaya sila ang mga taong nakatulong sa akin kung ano ako ngayon."

Ang tinukoy ni Herlene na Wilbert Tolentino ay ang kanyang manager na dating national director ng Mr. Gay World Philippines.

ON LUXURY SHOES AND BAG FROM ALEX GONZAGA

Ang tinukoy naman niyang Alex ay si Alex Gonzaga na unang nakipag-vlog collab sa kanya noong April 2021.

Nag-trend sa YouTube ang prank ni Alex kung saan dinala si Herlene sa isang branded luxury store para mamili ng shoes at bag.

Kunyaring nagkulang ang pera ni Alex, at pinabayaran sa kanya ang PHP80,000 kaya naiyak noon si Herlene na hindi malaman kung saan siya kukuha ng pambayad.

Sa huli ay si Alex din naman talaga ang nagbayad ng shoes at bag na napili ni Herlene.

Continue reading below ↓

Back to present time, ikinuwento ni Herlene na hindi pa pala niya ginagamit ang sapatos dahil naghahanap pa siya ng tamang okasyon para gamitin ito.

Aniya: "Never ko pang ginamit, actually isang taon na siya. Di ko pa ginamit kasi gusto ko pag ginamit ko siya, ayokong ilakad yun, ang mahal-mahal nun.

"Parang di ko alam kung saan ko siya dapat gamitin. Parang di ko siya deserve gamitin kung wala pa namang magandang pupuntahan.

"Gusto ko si Ate Alex ang unang makakita pag suot ko siya kasi siya ang unang nagbigay sa akin."

ON first digital series opposite kit thompson

Lubos ang saya ni Herlene dahil binigyan siya ng first lead role via romantic-comedy digital series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask.

Iprinodyus ni Chris Cahilig at ng Puregold channel, ang series ay magsisimulang mapanood sa March 26 sa YouTube channel ng Pure Gold.

Kapareha ni Herlene dito si Kit Thompson.

Continue reading below ↓

Hindi itinago ni Herlene na kinakabahan siya sa kanyang first acting role.

"Yes, may kaba, pero yung kaba rin na yun ay ginamit ko rin sa pag-acting. Ayoko kasi na puro kaba lang, kasi baka kainin ako ng kaba ko.

"Yung kaba ko pinag-aralan ko talaga ang mga kulang sa akin, gaya ng sinabi ni Direk Chris kung paano kiligin, kasi lagi kinikilig ako ganito pa rin. Kulang pa rin ako sa timpla ng kilig.

"Sobrang saya ko dahil ako yung napili nila Direk Chris na gumanap sa Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask."

Puring-puri rin ni Herlene si Kit na isa sa mga mahusay na aktor sa henerasyon nito ngayon.

"Si Kit naman, sobrang malupit. Bonus na lang talaga ang pogi niya tapos sobrang tangkad pa. Ang galing niya, wala akong masabi sa kanya.

"First time ko siyang nakatrabaho... First time ko siyang na-meet, so talagang nag- slow mo nung dumating siya.

Continue reading below ↓

"Hindi maipagkakaila ang ganung mukha. Siyempre, tayong mga Filipino, guwapung-guwapo tayo sa ganung face.

"Kaya ako, arte pa ako 'te, perfect siya para sa akin."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Herlene Budol on Willie Revillame: "Sinabi ko na rin naman sa kanya yun na kung kailan niya ako kailanganin, e, nandito pa rin naman ako." Noon lamang February 2022 ay binisita ni Herlene si Willie sa studio ng Wowowin.
PHOTO/S: @herlene_budol Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results