Watch Now

Amy Austria, may limitasyon na sa pagtanggap ng roles sa TV at pelikula

by PEP Troika
Apr 14, 2022
Amy Austria
Amy Austria, ipinaliwanag ang limitasyon sa tinatanggap na proyekto: "Katulad halimbawa yung pagmumura. Yung may mga role na ganun, di ba, dati tinanggap ko, tapos nang mabasa ko yung script, teka muna. Tinanggal na ni Lord sa akin yun, e."
PHOTO/S: Amy Austria YouTube

GORGY RULA

Magmula nang napag-usapan ang pagiging active ni Amy Austria sa pamamahagi ng salita ng Diyos sa pamamagitan ng kanyang vlog, may ilang movie producers at TV productions na gusto siyang kunin para maging bahagi ng kanilang project.

Read: Amy Austria, isiniwalat na nagbaon ng shabu sa spiritual retreat: "Adik ako. Lulong ako."

Mahigit dalawang taon na rin kasing hindi lumalabas ang magaling na aktres. Nasa bahay lang niya sa Batangas si Amy kasama ang kanyang asawang si Duke Ventura.

Ang isa sa pinagkakaabalahan niya ay ang virtual Bible Study at sinimulan na rin niya ang kanyang YouTube channel na Finding Hope with Amy.

Ngayong lumuluwag na ang sitwasyon natin kahit nasa pandemic pa rin tayo, pinag-iisipan ni Amy na ayusin na ang kanyang pagbabalik-artista.

"Okay naman ako. Siyempre, depende rin sa pag-uusap. Pero I’m considering na," pakli ni Amy nang nakatsikahan namin sa aming radio program sa DZRH nung Miyerkules Santo, Abril 13, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nilinaw niyang bago pa man mag-pandemic at lumalabas siya sa mga teleserye, may mga kinu-consider na siya. Kagaya ng schedule na dapat ay hindi masasagasaan ang kanyang Bible study at iba pa niyang ginagawa.

"Maski noon pa, di ba? Hangga’t maaari, hindi masagasaan ang schedule ng Bible study ko at Sunday service na ina-attend-an ko."

Maging sa role ay magiging maingat na rin daw siya sa pagtanggap.

"At saka siyempre, kung hindi naman makaka-glorify kay God yung role, huwag na lang.

"Katulad halimbawa yung pagmumura. Yung may mga role na ganun, di ba, dati tinanggap ko. Tapos nang mabasa ko yung script, 'Teka muna. Tinanggal na ni Lord sa akin yun, e.'

"I mean… hindi na, yung mga may ganun. Kung hindi Niya ikatutuwa, hindi na.

"Pero depende siguro sa script. Halimbawa, it’s a testimony na ito ang buhay ko dati, ganito yung mga pangyayari, why not? Tapos nagbago, tapos bandang huli, nagu-glorify na si Lord, okay lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero yung nasa umpisa, ganun, tapos bandang huli, wala namang nangyaring ano, sayang. Nagu-glorify lang nang hindi maganda," sabi pa ng premyadong aktres.

JERRY OLEA

Natutuwa si Amy sa vlog niya dahil sa mga nakakarating sa kanyang magagandang feedback.

Merong nakaka-relate at nababago sa mga ibinabahagi niya sa kanyang YouTube channel.

"Katulad nung isang kaibigan na nai-share niya, at isang artista na nag-comment siya na, 'This is what I need,' parang ganun. Ang Holy Spirit talked to me through that vlog daw na napanood niya.

"Alam mo, maski isang tao lang na ma-bless, di ba, malaking bagay yun para sa kanya. Kaya ako, hinayaan ni Lord na gawin yun, mensahe yun para sa kanya, para umayos siya o gumaling siya, ay masayang-masaya na ako.

"Pero aside from him, ang dami ko nang ano…mga messages, mga nagti-text sa akin. Meron din sa comments sa may vlogs mismo. Positive lahat."

Sinimulan ni Amy ang Finding Hope with Amy vlog niya nitong nasa pandemya tayo. Balak niyang ituluy-tuloy ito dahil dito raw sa naturang platform mabilis na maipapamahagi ang salita ng Diyos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang dami kasing ganito. Ang dami na kasing nangyayari sa mundo at ang dami na ring may ganung problema.

"Tamang-tama din naman, na sabi ko, ang inuutos ng Lord to make disciples of all nation, ibig sabihin lahat, ilapit mo sa kanya na tao, ang pinakamagandang platform, ang YouTube.

"Ang ganda nga, e. Kasi sa isang lugar ka lang, makaka-reach out ka sa iba’t ibang tao sa buong mundo.

"Ang daming… kapag nagba-Bible study kami, ang family ko minsan meron sa Japan, si Alex sa New Zealand, meron ako dito sa Batangas. Ganun, e. Hindi mo na kailangang pumunta, e.”

Ang tinukoy niyang Alex ay ang ang anak niyang naka-base sa New Zealand.

NOEL FERRER

Mukhang nahanap na nga ang magaling at magandang aktres na si Amy Austria ng kanyang life mission.

"Itong buhay natin, temporary lang ito. Lahat naman tayo, aalis dito. So, ibig sabihin, mas maganda na pag-uwi natin kay Lord…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Ano ang ginawa mo sa regalo ng Anak ko? Ano ang regalo ng Anak ko? Na inalay Niya ang buhay Niya para sa ‘yo. Nang tinubos Niya ang buhay mo para huwag kang mapunta sa dagat-dagatang apoy, ano ang ginawa mo?'

"Ito ngayon ang ginagawa ko. Hindi ko sinasayang yung buhay, di ba, na binayaran ni Lord Jesus para sa akin, gagamitin ko para sa Kanya na nararapat lang," saad ni Amy.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Amy Austria, ipinaliwanag ang limitasyon sa tinatanggap na proyekto: "Katulad halimbawa yung pagmumura. Yung may mga role na ganun, di ba, dati tinanggap ko, tapos nang mabasa ko yung script, teka muna. Tinanggal na ni Lord sa akin yun, e."
PHOTO/S: Amy Austria YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results