Watch Now

JC de Vera, papalitan si Kit Thompson sa Flower of Evil?

by PEP Troika
Apr 18, 2022
jc de vera kit thompson flower of evil
Bagamat wala pang kumpirmasyon, malakas ang usap-usapang papalitan na ni JC de Vera (kaliwa) si Kit Thompson (kanan) sa upcoming Kapamilya drama series na Flower of Evil.
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Haka-haka pa lamang at wala pang nagkukumpirmang tatanggalin na si Kit Thompson sa Pinoy adaptation ng sikat na K-drama na Flower of Evil.

Ayon sa ilang sources na napagtanungan namin, malaki ang role ni Kit sa bagong teleserye na ito nina Piolo Pascual at Lovi Poe. Ang dami na raw nakunang eksena.

Read: Meet Lovi Poe and Piolo Pascual's co-stars in Flower of Evil

Pero dahil sa isyung kinasangkutan ni Kit kay Ana Jalandoni, pinag-iisipan daw ng production na tanggalin si Kit at palitan ng ibang aktor.

Wala pang nagkukumpirma nito mula sa production ng Kapamilya Channel, pero kalat na kalat na ang usaping ito.

Ilang beses na ring tinanong ng PEP Troika ang taga-Cornerstone na nagha-handle ng showbiz career ni Kit, pero wala pa rin silang sagot.

Ang latest na nasagap namin ay mukhang tatanggalin na nga raw si Kit. Ayaw lang kumpirmahin ng aming source kung kinausap na si Kit o ang Cornerstone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang kasunod na pinag-uusapan ay may napili na raw na kapalit—si JC de Vera.

Wala pa ring sagot ang kampo ni JC. Kahit ang ilang taong malapit kay Kit ay safe din ang sagot, na wala pa raw nakakarating sa kanila.

Muli naming tinext si Erickson Raymundo ng Cornerstone kung totoo ba ito, at kung sakali, ano ang plano nila kay Kit. Pero wala pa siyang sagot sa amin hanggang sa ngayon.

Nananatiling tahimik si Kit.

Hinihintay na rin ng kampo ni Ana Jalandoni kung kailan ang initial hearing ng kasong isinampa nila laban sa aktor.

Read: Ana Jalandoni recalls how Kit Thompson took issue with her sexy films, followed ex-suitors on Instagram

JERRY OLEA

Wala pa rin tayong balita kung ipapalabas pa ba sa YouTube ang digital series na Ang Babae Sa Likod Ng Face Mask kung saan si Kit ang leading man ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Waiting din tayo kung saan at kailan ang streaming ng pelikulang Runway, kung saan si Kit ang katambal ng bidang si Maureen Wroblewitz.

Totoo bang shelved na rin ang isang movie kung saan si Kit ang leading man ng isang kontrobersiyal na aktres? Two days na lang daw at tapos na sana ang shooting ng movie, pero malamang daw na itago na muna iyon?

Inurirat namin si Christine Bermas kung nagkausap na ba sila ni Kit. Bida si Christine sa pelikulang Moonlight Butterfly, kung saan isa si Kit sa leading men niya.

Nag-streaming ang Moonlight Butterfly sa Vivamax noong Marso 18, kung kailan sumambulat ang isyung binugbog ni Kit ang kasintahang si Ana Jalandoni.

“Naging good friend naman sa akin si Kit,” malumanay na pahayag ni Christine nang makatsikahan namin nitong Abril 17, Easter Sunday, sa Novotel Hotel, Araneta City, Quezon City.

“Kasi, naging kasama ko siya sa Moonlight Butterfly. Kinomfort ko siya, of course, yes. Kasi, kailangan niya din yun, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kinumusta ko din siya. And now kasi, naka-deactivate ang kanyang social media accounts.

“Hopefully, sana OK din si Kit. Hindi din natin alam, e, yung pinakatotoong nangyari, yung story ng kay Kit at sa girlfriend niya.

“Sana, huwag din tayong maging one-sided or mag-judge. Pero at some point talaga, mali-mali yung nagawa ni Kit.

“Pero tao lang din naman si Kit. May reason or may mga dahilan kung bakit nagagawa ang mga ganun,” sabi pa ng 19-anyos na si Christina, na magbibida sa Vivamax movie na Scorpio Nights 3 sa direksiyon ni Lawrence Fajardo.

Siyempre pa, sabik na rin tayong mapanood ang launching film ni Ana Jalandoni na Manipula, kung saan leading man niya si Aljur Abrenica, sa direksiyon ni Neal “Buboy” Tan.

NOEL FERRER

Karapatan ng producers kung sinong cast ang kanilang ieempleyo. Sila ang may karapatang magdadag o magtanggal sa talents sa isang proyekto.

Alam naming mga managers ang maaaring consequence ng mga kilos ng aming mga talents. Sa huli’t huli, mahahanapan at mahahanapan ito ng maayos na solusyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bagamat wala pang kumpirmasyon, malakas ang usap-usapang papalitan na ni JC de Vera (kaliwa) si Kit Thompson (kanan) sa upcoming Kapamilya drama series na Flower of Evil.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results