Glaiza de Castro, Mikael Daez, Ruru Madrid, Kokoy de Santos kasama sa Running Man Philippines?

by PEP Troika
May 26, 2022
running man philippines cast
Sinu-sino ang pitong cast members ng Running Man Philippines?
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Iri-reveal na sa Biyernes, Mayo 27, 2022, ang pitong kasali sa Running Man Philippines, ang reality game show na franchise sa South Korea.

running man

Ilang linggo ang nakararaan, may mga nasagap na kaming mga pangalan kung sinu-sino ang mga kalahok pero walang nagkumpirma.

Read: Running Man Philippines, kasado na sa GMA-7; final cast, kaabang-abang!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natawa na lang ang manager ng isang aktor na nasa listahan ng mga kasaling maglalaro sa sikat na reality-game show na ito. Hindi raw sila puwedeng magsalita, kaya wala kaming nakuhang sagot sa ilang napagtanungan namin.

Hindi pa kumpirmado kung totoong si Mikael Daez ang maghu-host nito kasama si Glaiza de Castro.

Ilan pa sa mga pangalang lumabas na magiging bahagi ng bagong programang ito ay sina Ruru Madrid, Buboy Villar, Lexi Gonzales, Angel Guardian, at Kokoy de Santos.

Ayon pa sa nasagap ng PEP Troika, bandang end of June daw sila aalis patungong South Korea para ma-lock-in doon ng halos dalawang buwan.

Abangan na lang natin ang kanilang grand reveal sa 24 Oras bukas.

running man philippines cast

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JERRY OLEA

Mukhang kalahok nga si Kokoy de Santos sa Running Man Philippines na kukunan sa South Korea kaya mami-miss talaga nila ni Elijah Canlas ang isa’t isa.

Sa World Gameboys Day 2022 noong Mayo 22, Linggo, ay ibinunyag ni Elijah na mapapalayo si Kokoy, di ba?

Read: Gameboys stars Elijah Canlas at Kokoy de Santos, nami-miss ang isa't isa

Kung kasali rin si Glaiza sa Running Man Philippines, paano na iyong The Seed of Love nila nila ni Mike Tan na noong Marso 2020 pa naumpisahan ang taping sa Banaue bago nag-umpisa ang community quarantine?

Kung anu’t ano man, may kasunod agad na proyekto si Glaiza pagkatapos ng False Positive nila ni Xian Lim.

Kuwela ang tandem nina Buboy Villar at Herlene “Hipon Girl” Budol bilang Malakas at Maganda sa False Positive.

Mas masaya sanang kasali pareho sina Buboy at Herlene sa Running Man Philippines. Pero siyempre, naka-focus muna si Hipon Girl sa Binibining Pilipinas 2022 na nakatakda ang koronasyon sa Hulyo 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At ang pogilicious na si Ruru Madrid, mabuti at may bago pang TV project matapos ang dambuhalang adventure series na Lolong na inabot ng 'sandamukal na aberya.

Iyong huling project na bida si Ruru ay ang Cara x Jagger (2019) nila ni Jasmine Curtis-Smith na sumemplang sa takilya. Hopefully ay magningning pa ang bituin ni Ruru sa pamamagitan ng Lolong at Running Man Philippines.

NOEL FERRER

Reality TV is alive again. Sana, masalamin ng participants ang saloobin ng mga tao at ibalik ang sigla at saya nating mga Pilipino na lubhang nahati-hati nitong nakaraang eleksyon.

Noong kasagsagan ng pandemya, maagang nagbukas ang South Korea sa kanilang industriya. Sana, yung mga magte-taping sa South Korea ay maraming matutunan doon na maaaring madala pagbalik nila sa ‘Pinas.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinu-sino ang pitong cast members ng Running Man Philippines?
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results