PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Buboy Villar, napa-"HUWAW" sa transformation ni Herlene Budol

Buboy Villar, wala raw pagnanasa kay Herlene Budol
by PEP Troika
Published Jun 5, 2022
buboy villar herlene budol
Bunoy Villar on transformation of False Positive co-star Herlene Budol: “Mas kinakalmahan niya ang sarili niya, parang ipinapakita niya ang pagiging finesse ba ang tawag dun? Babaeng-babae. So, pinapraktis niya ngayon, pagiging professional. Siyempre, Binibining Pilipinas, e.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @herlene_budol on Instagram

JERRY OLEA

Inaasam ni Buboy Villar na makatrabaho muli si Herlene Budol, aka Hipon Girl, matapos silang magtambal bilang Malakas at Maganda sa Kapuso primetime series na False Positive.

Read: Herlene Budol, Buboy Villar dinamihan ang eksena sa False Positive

“Actually, nag-usap kami ni Herlene nitong mga nakaraang araw lang,” lahad ni Buboy nang makapanayam namin sa grand launch ng AQ Prime Stream nitong Hunyo 4, 2022, Sabado, sa Conrad Hotel, Pasay City.

“Sobrang nabitin nga rin siya sa False Positive. Kasi, parang kulang na kulang yung one month na taping namin.

“Tapos sobrang nabitin din ako. Kasi, hindi pa namin talaga na-all out yung pinaka-character namin dun. May mailalabas pa yun.

“Well, I hope na masundan pa yung False Positive na yun. Sana, magkaroon pa ng programa na puwede kaming magsama ni Herlene.

“Natutuwa ako kay Herlene. OK siyang katrabaho, lalo na open siya sa mga suggestion, ganyan.”

Buboy Villar at Herlene Budol bilang Si Malakas at Si Maganda

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya lang, sakaling magwagi si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022 ay magiging abala ito sa duties bilang beauty queen.

“Sabi ko naman sa kanya yun. Sabi ko sa kanya, kung anuman ang desisyon niya sa buhay, suporta ako bilang kaibigan niya,” sambit ni Buboy.

“At bilang partner niya sa False Positive. Looking forward ako sa kung ano pang mga plano niya sa buhay.

“At I’m sure, may mararating pa siya.”

Paano niya ide-describe ang ganda ni Herlene?

“Siguro, ang pinakaano ko sa kanya, HUWAW! With letter ‘H’!” bulalas ni Buboy.

“Ha! Ha! Ha! Ha! Kasi, wala akong masabi sa kanya. Katulad nung nakita ko siya, sabi ko, ‘Huwaw! Ibang-iba ka na ngayon!’

“Nanibago ako sa kanya, e, nung nakita ko siya. Pero OK pa rin naman, ganun pa rin ang kalog niya!”

Herlene Nicole Budol, Herlene Budol, Binibining Pilipinas 2022

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa tingin niya, magkakamit si Herlene ng korona sa timpalak?

“Para sa akin, di man niya makuha o makuha niya, huwag lalaki ang ulo niya, tuluy-tuloy pa rin siya kung ano ang magpapasaya sa tao,” tugon ni Buboy.

May nagbago ba sa ugali ni Hipon Girl?

“Wala! Siguro ngayon, ahhh… mas kinakalmahan niya ang sarili niya, parang ipinapakita niya ang pagiging finesse ba ang tawag dun?” pagkunot-noo ni Buboy.

“Babaeng-babae. So, pinapraktis niya ngayon, pagiging professional. Siyempre, Binibining Pilipinas, e.”

Nakaramdam ba siya ng pagnanasa kay Herlene?

Nanlaki ang mga mata ni Buboy at tila naeskandalo, “Ako?! Kay Herlene?! WALA! Pinagpawisan ako sa tanong mo bigla! “Ha! Ha! Ha! Ha!

"Wala akong pagnanasa sa kanya. Baka siya pa ang magnasa sa akin, charing!!!”

Kasama si Buboy sa cast ng horror movie na Huling Lamay na idinirek ni Joven Tan para sa AQ Prime Stream. Co-stars niya rito sina Marlo Mortel at Lou Veloso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Hunyo 26 ang lipad ni Buboy Villar pa-South Korea para sa taping ng reality-variety show na Running Man Philippines.

NOEL FERRER

In demand talaga itong si Hipon Girl at parang ang dami niyang publicity, ha?!

I’m happy also for Buboy Villar at sunud-sunod din ang kanyang projects, mapa-mainstream channel man o sa streaming platforms.

Maganda itong maraming platforms, kasi nabe-blur din ang network/station wars na.

Sana, mangyari na magbigayan na ng mga artista so people can get to work with the best in the industry basta swak sa kanila ang project.

Medyo liberal na sa ganito ang Kapamilya network as some, if not most of their artists, can do digital work na sa ibang nerwork.

At kung totoong nagpo-progress na ang talks ng ABS-CBN and TV5, do you think GMA will also be liberal na in allowing their stars to explore the digital platforms too? Unless mag-exclusive din sila ng sariling online platform.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aabangan natin ang mga susunod na kabanata.

Read: ABS-CBN reportedly inking 50/50 partnership with Manny Pangilinan’s MediaQuest

GORGY RULA

Pinaghandaan ni Buboy itong pagsali niya sa Running Man Philippines ng GMA-7.

“Nagpapayat ako. Nagbawas ako ng timbang, kasi alam ko kasi dito sa Running Man, talagang takbuhan, ganyan, punung-puno ng challenge.

“Medyo minaintain ko lang yung katawan ko ngayon, kung ano lang meron.

“Puro naman po ako laro-laro, e. Handa naman po ako sa ganun,” pakli ng Kapuso actor.

May ideya raw siya sa reality-game show na ito ng South Korea, pero pinanood niya uli para lalo siyang ma-familiarize sa naturang show.

“Ngayon nga ay sinimulan ko ulit ang Running Man para may idea rin po ako, at siyempre nakakatuwa at nakaka-challenge, e.

"Kasi, bawat episode na pinapalabas nila, talagang malaman at saka lahat, nakakatawa. Walang sayang,” masaya niyang pahayag.

Nagpapasalamat si Buboy sa Diyos, pati sa GMA-7, dahil hindi raw siya pinababayaan. Hindi siya nawawalan ng show at alaga talaga siya ng Kapuso network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa mga show niya sa GMA-7, thankful din si Buboy dahil nakakapagtrabaho pa siya sa labas.

Isa na nga rito ang ginawa niya sa AQ Prime Entertainment na pelikulang Huling Lamay, na malapit nang mapanood sa AQ Prime Stream na magbubukas na ngayong buwan.

“Thank God! Thank God! Ako naman e, ginagawa ko lang po ang best ko. Basta meron akong trabaho na ibinigay sa akin, gagawin ko lang po ang best ko dun,” bulalas ni Buboy.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bunoy Villar on transformation of False Positive co-star Herlene Budol: “Mas kinakalmahan niya ang sarili niya, parang ipinapakita niya ang pagiging finesse ba ang tawag dun? Babaeng-babae. So, pinapraktis niya ngayon, pagiging professional. Siyempre, Binibining Pilipinas, e.”
PHOTO/S: Jerry Olea / @herlene_budol on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results