Watch Now

Herlene Budol, Buboy Villar dinamihan ang eksena sa False Positive

by PEP Troika
Apr 16, 2022
Buboy Villar at Herlene Budol bilang Si Malakas at Si Maganda
Gaganap sina Buboy Villar at Herlene Budol sa GMA-7 series na False Positive bilang si Malakas at si Maganda.
PHOTO/S: PR

GORGY RULA

Abala na ngayon si Herlene Budol, na mas kilala bilang Hipon Girl, sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas.

Kaya naman, hindi siya nakasali sa nakaraang mediacon ng bagong drama series ng GMA-7 na False Positive, kung saan ginagampanan ni Herlene ang role bilang si Maganda na nagbigay ng sumpa na mabuntis ang karakter ni Xian Lim.

Ka-partne ni Herlene si Buboy Villar, bilang si Malakas, habang kapareha naman ni Xian dito si Glaiza de Castro.

Ipinaliwanag ng program manager na si Anthony Pastorpide na dapat ay maiksi lang talaga ang role nina Malakas at Maganda.

Pero nang nabuo ang casting kung saan sina Herlene at Buboy ang gaganap nito, napagpasyahan ng creatives na pahabain na at talagang bahagi na sila sa kabuuan ng kuwento.

Sabi ni Mr. Pastorpide, “Nung nagka-casting na kami, yung role na Malakas at Maganda, sa umpisa lang sana yun at saka konti.

“Pero when we had Herlene and Buboy, naisip ng Creatives, bakit hindi na lang pahabain yung roles nila kasi masaya talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Plus suwerte kami we got the two. Alam namin riot ito kasi itong dalawa, proven na nakakatawa itong mga ito.

"And to think na ika-cast mo sila as Malakas at si Maganda, the idea alone, talagang nakakatawa na.

“So we ended na from start to finish, nandun talaga sila. Buo yung kanilang kuwento.

“Habang nagkakagulo yung first layer ng mga cast na sina Xian and Glaiza, meron ding nangyayari sa dalawa. May issue din sila.”

Hindi maitatangging rater si Herlene, at maaring malaki ang maitutulong nito sa False Positive, di ba?

Sana makakatulong din siya sa promo nito bago umere sa May 2, 2022, kahit abala siya sa Binibining Pilipinas 2022.

JERRY OLEA

Nagprodyus ang Regal Films ng comedy movie na Si Malakas at si Maganda (1990), kung saan bida sina Vic Sotto at Alice Dixson.

Before this ay nagkaroon ng comedy film na Si Malakas, si Maganda at si Mahinhin (1980), kung saan bida sina Elizabeth Oropesa, Alma Moreno, at Dindo Fernando.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At may painting din si Evan Cosayo kung saan ang mag-asawang Ferdinand at Imelda Marcos ang modelo nina Malakas at Maganda.

May iba pang art works na ganoong pam-propaganda sa kapanahunan ng Martial Law sa bansa.

Ngayon ay sina Buboy at Herlene naman ang nagsabuhay sa mga karakter ng alamat.

Na-excite si Buboy sa tandem nila ni Herlene.

Nung nalaman niyang magka-partner sila ni Hipon Girl, nagka-one-on-one daw sila para pag-usapan kung paano atakehin ang role na si Malakas at si Maganda.

“Actually, nung unang na-meet ko si Herlene, nung sinabi agad sa akin na siya yung asawa ko, si Maganda, nag-usap agad kami. Kasi ito ang unang beses na magkatrabaho kami,” lahad ni Buboy.

“Nag-guest lang siya dati sa isa naming show, pero hindi kami nagka-eksena. Ito talaga ang pinakamatagal. Sobrang excited ako, kaya hindi rin ako nagdalawang-isip na kausapin siya, one-on-one kaming dalawa para mas gamay namin yung pinaka-character namin…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sobrang professional ni Herlene. Talagang nakikinig siya at open siya sa mga suggestion ko, at open din naman ako sa mga suggestion niya.

"At siyempre, nandiyan yung direktor namin para gabayan kami. I'm pretty sure… dahil si Herlene ay talagang patok sa masa, alam kong magugustuhan siya dito bilang si Maganda.”

Nawa'y maging maganda at malakas ang ratings ng False Positive!

NOEL FERRER

Congratulations at mataas nga ang rating ng Magpakailanman episode ni Herlene.

Ang task ni Hipon Girl ay panatilihin ang mahusay na isip at maayos na puso sa pagsali niya sa Binibining Pilipinas. I’m sure malaki ang head start niya sa mga text votes dahil sa kanyang following.

Pero sana pati sa mga judges, pasok si Hipon Girl.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gaganap sina Buboy Villar at Herlene Budol sa GMA-7 series na False Positive bilang si Malakas at si Maganda.
PHOTO/S: PR
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results