Newbie singer Sofi Fermazi, nakaranas agad ng bashing dahil sa pagbanggit ng pangalan ni Donny Pangilinan

by PEP Troika
Jun 6, 2022
sofi fermiza
Sofi Fermazi on bashing: “Hindi po ako nagpapaapekto po. Hindi naman po ako nasaktan from their comments. Since hindi naman po talaga… it’s not really real, and sa sarili ko po, I believe that it’s not. Kaya parang ayun po… parang never po ako nasaktan.”
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Parang ramdam na ngayo ang pagbabalik sa dating normal na sitwasyon natin. Marami nang mga face-to-face presscon at press launch, at ilan sa mga producer ay purisigido nang magsimula sa paggawa ng pelikula at pagtuklas ng mga bagong talents.

Isa na rito ang AQ Prime Stream na ang dami na palang natapos na pelikula, at tuluy-tuloy raw ang pag-launch nila ng mga bagong artista.

Ganito na rin ang ginagawa ngayon ng indie actor-director na si Perry Escaño. Nagpapa-acting workshop na siya at nagdi-discover ng bagong talents na ima-manage ng kanyang MPJ Entertainment.

Isa sa inilunsad nila kamakailn ay ang 17-year-old singer na si Sofi Fermazi.

Sabi ni Direk Perry, sumali si Sofi sa acting workshop na in-organize niya. Nakitaan nila ng galing sa pagkanta kaya iha-handle na nila ang singing career nito.

Kuwento ni Direk Perry, “During ng workshop namin, meron kaming part na pinakanta ko sila. Nakita kong maayos kumanta si Sofi.

“Tinanong ko siya kung ongoing yung mga training niya sa Center for Pop. So, sabi ko, sayang yung ganda ng boses niya kung hindi ito i-develop.

“Dun nag-start yung singing niya, at pinapili ko siya kung ano yung gusto niya. So, mas gusto niya yung singing kesa sa acting.”

sofi fermiza perry escano

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon ay may binubuo nang album si Sofi na pinamagatang Rain Inside Us under Barcelona Recording at iri-release ng Star Music.

Magiging bahagi na rin siya ng Fun Nights Only sa Kumu Entertainment na nag-i-stream tuwing Sabado ng gabi.

Kaso nga lang, kapapasok pa lang ni Sofi sa showbiz ay naka-experience na siya ng bashing dahil sa nabanggit lang niya sa isang interview na isa sa wish niyang makatrabaho ay si Donny Pangilinan.

Pero sa murang edad ay kaya na niyang i-handle ang bashing at hindi na lang daw niya ito iniisip. Hindi na niya iniisip ang negative comments na natatanggap niya, at hindi raw siya apektado.

Sabi ni Sofi, “I admire the things that Donny Pangilinan does in his work, and of course helping people po.

“We can admire people in that way, di ba? Like our admiration to our teachers, our parents and our friends po.

“Hindi po ako nagpapaapekto po. Hindi naman po ako nasaktan from their comments.

"Since hindi naman po talaga… it’s not really real, and sa sarili ko po, I believe that it’s not. Kaya parang ayun po… parang never po ako nasaktan.”

NOEL FERRER

Naku, good luck, Sofi! Sana, makatulong lahat ng pinagdaanan mong experiences para mas makilala ka pa.

As for Direk Perry, carreer shift na ba ito — from being an actor to director to manager naman ito ngayon?

Saan kaya siya mas mag-e-excel at tatanggapin at susuportahan ng publiko….abangan po natin 'yan!

JERRY OLEA

Tuluy-tuloy ang pagre-release ng mga bagong kanta ng ABS-CBN Star Music at ng mga music label na affiliated dito. Napapakinggan ang mga ito sa iba’t ibang digital platforms.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

MARKUS PATERSON

May paalala na walang masama sa paghingi ng tulong o “Help” ang bagong kanta ni Markus Paterson.

Ayon sa Fil-Brit singer-songwriter, pinapakita sa “Help” ang halaga ng pagkilala sa sarili at pang-unawa na hindi ka perpekto.

Pahayag ni Markus, “Tutulong yung kanta na maintindihan yung pain at kung paano mag-cope, ito yung journey sa pagtanggap sa katotohanan na okay lang humingi ng tulong every now and then.”

markus paterson

Maririnig sa bagong Tarsier Records release ang tunog ng early-2000s R&B pati na ang indie vibe at ilang soul elements.

Isinulat ni Markus ang kanta katulong ang Indian songwriter/artist/producer na si Aman Sagar, na siya ring producer nito.

Bago ang “Help,” inilabas ni Markus ang 2022 single niyang “Hotel Room” kasama si Kyle Echarri at ang Tarsier Records label head na si Moophs.

Bukod sa pagiging musikero, isa ring aktor si Markus na huling napanood sa katatapos lang na Kapamilya teleserye na Viral Scandal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Markus ang ama ng panganay na anak ni Janella Salvador.

MOIRA DELA TORRE

Comeback single ni Moira de la Torre ang "Kumpas," na theme song ng bagong KathNiel series na 2 Good 2 Be True.

Kumuha ng inspirasyon ng kanta hindi lang sa serye kundi pati na rin sa real-life love story ng mga bida nitong sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“Hindi lang ito sa synopsis ng 2 Good To Be True nakabase but sa documentary ng KathNiel,” kuwento ni Moira sa 2 Good 2 Be True grand media conference kamakailan kung saan una niyang pinerform ang kanta.

“It was really made for KathNiel and 2 Good 2 Be True.”

moira dela torre

Inilalarawan ng “Kumpas” ang pinapahalagahang tao ng isang nagmamahal na itinuturing niyang kumpas o tagaligtas sa panahon ng mga bagyo at gabay tungo sa tamang daan.

Matapos ang hiwalayan nila ng asawang si Jason Marvin Hernandez, inaabangan natin ang mga hugot ni Moira sa mga susunod niyang awitin.

SAM CONCEPCION, YURIDOPE, MOOPHS

May bagong kanta si Sam Concepcion kasama ang Ex-Battalion rapper na si Yuridope at P-Pop producer na si Moophs, ang “Ikaw Ang” na kumuha ng inspired sa 2014 hit ni Yeng Constantino na “Ikaw.”

Mula sa viral song niyang “Diwata,” hatid ni Sam ang awitin na binuo ni Moophs mula sa kagustuhan niyang makagawa ng pop song mula sa dati nang OPM classic, at napili niya ang “Ikaw” ni Yeng para rito.

Ani Moophs, pinili niya ang kanta dahil naririnig niyang puwede pang makagawa ng bagong kanta mula rito.

“Sobrang strong at madaling ma-recognize ng hook. Nag-reach out kami sa team ni Yeng at pumayag sila kaya nagawa naming itong kanta,” kuwento ni Moophs.

“Maraming sikat na examples nito gaya ng pag-sample ni Puff Daddy sa The Police para mabuo ang 'Every Step You Take' nung 1997, pag-sample ni Madonna sa ABBA para sa 'Hung Up' nung 2005, at M.I.A. sa The Clash para sa 'Paper Planes' nung 2007, so naisip ko bakit hindi natin gawin with OPM?”

sam concepcion yuridope moophs

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nang magawa ang beat, nagsimula ring mabuo ang “Ikaw Ang” katulong ang songwriter na si Pippen Tan na nagsulat ng hook nito. Nagsulat ng rap verses si Yuridope at ini-record on the spot habang nasa studio.

“Kumuha talaga ng inspiration directly from ‘Ikaw’ ‘yung kanta,” ani Moophs.

“Hindi lang sa music na maririnig sa chords at sa piano riff, pero pati sa lyrics. Parang reply siya sa mensahe ng pag-ibig ni Yeng nung 2014 sa significant other niya — ‘yan ang binigay kong brief kina Pippen and Yuri nung nagsulat sila.

“Powerful ‘yung message na nabuo nilang dalawa tapos cherry on top pa yung feature ni Yeng sa dulo ng kanta kung saan kinanta niya yung original hook niya kasama yung bagong hook ni Sam.”

Sabi ni Yuridope, sina Eminem at J. Cole ang naging impluwensiya niya sa pagsusulat ng parte niya at kumuha rin siya ng inspirasyon sa partner niya.

“Ini-imagine ko na parang nagba-vows ako dito sa kasal, na para bang ikakasal din ako kagaya kay Ate Yeng. Naging sobrang creative din ako dahil sa pag-hype ni kuya Moophs,” lahad ni Yuridope.

KZ TANDINGAN

Solid ang music video ni KZ Tandingan para sa kanyang awiting “Winning.”

May bigating special effects at kasamang dance group si KZ sa music video na gawa ng YouMeUs MNL.

Ang “Winning” ang ikalawang international single ni KZ mula sa Tarsier Records na isinulat ni Grammy-nominated producer DJ Flict at Grammy-winner TxTHEWAY.

kz tandingan

KLARISSE DE GUZMAN

“Thank You” ang bagong kantang handog ng soul diva na si Klarisse de Guzman.

May tunog jazz ballad ang awitin na tungkol sa pagpapahalaga sa mga blessing at oportunidad at pasasalamat sa mga espesyal na tao na naghatid ng saya sa panahon ng matinding kalungkutan.

Para kay Klarisse, isang tribute sa mga magulang, titser, at sa Diyos ang kantang isinulat ni Ronald Adamat, inareglo ni Homer Flores, at prinodyus ni ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo sa ilalim ng Star Pop label.

klarisse de guzman

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

BRYCE MANZANO

Isa na namang feel-good love song ang hatid ng WCOPA multi-medalist na si Bryce Manzano sa ikalawa niyang single na pinamagatang “Pag Umiiyak Ka.”

Tila isang harana ang bagong labas na pop track na alay ni Bryce sa isang babae na para sa kanya ay isang anghel at diyosa na bumihag sa puso niya.

Kuwento nito ang pagkamangha ng lalaki sa kung paano umaayon ang langit sa iba’t ibang emosyon ng kanyang minamahal.

bryce manzano

Naging bahagi agad ng Fresh Finds Philippines playlist ng Spotify ang “Pag Umiiyak Ka” pagkalabas nito noong Mayo 27.

Si Christian Martinez ang sumulat at nagprodyus ng awitin na inareglo ni Dominic Benedicto.

Si ABS-CBN Music head Roxy Liquigan ang executive producer ng kanta sa ilalim ng Star Pop label.

Nagwagi ng gold at silver medals sa World Championships of Performing Arts (WCOPA) si Bryce noong 2017, at pinasok ang mundo ng recording noong 2021 sa pamamagitan ng kanyang debut single na “Ordinaryo.”

Kasalukuyang Pharmacy student sa Silliman University ang baguhang artist.

Bukod sa pagkanta, mahilig siyang maglaro ng badminton, basketball, chess, at online games.

SAB

Bilang selebrasyon ng kanyang 20th birthday, handog ng singer-songwriter na si SAB ang She@Twenty live acoustic album na napakinggan simula sa Hunyo 3, Biyernes, tampok ang raw versions ng mga orihinal niyang kanta, kolaborasyon kasama ang mga kaibigan, at bagong awitin.

Gaya ng laidback setup ng kanyang She@Twenty birthday concert noong Abril 24, lahat ng kanta sa bagong album ni SAB ay madaling pakinggan at maghahatid ng magaang pakiramdam sa mga tagapakinig.

sab

Bukod sa mga nauna na niyang inilabas na awitin na “She,” “Dancing in the Dark,” at “Sunsets and Heaven,” kasama rin sa She@Twenty album ang reimagined version ng “Golden Arrow” ng BINI na isinulat niya.

Maririnig din sa album ang mga duet niya kasama ang kapwa Kapamilya talents at mga kaibigan. Kabilang dito ang group version ng “I’d Like To” kasama sina Angela Ken, Shanaia Gomez, at Anji Salvacion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May Tagalog-English na bersiyon din sina SAB at Angela ng hit song na “Ako Naman Muna,” na isinalin sa Ingles ni SAB.

Isa lamang si SAB sa mga talentadong singer-songwriter ng ABS-CBN Music na nagsusulat ng tagos-pusong musika hindi lang para sa sarili niya kundi para rin sa ibang artists.

Noong 2021, inilabas niya ang self-penned debut EP niyang Sunsets and Heaven at ini-release naman ang single na “I’d Like To” sa ilalim ng Tarsier Records kasama ang label head na si Moophs.

ZACHARY

Mapusok ang rising girl-crush musician na si Zachary sa kanyang debut single na “Dahan-dahan.”

Proud niyang ipinakita ang sexy side niya sa music video ng kanta, na siya mismo ang nag-compose.

Naimpluwensiyahan si Zachary sa musika ng ama niyang si Gail Ignacio, ang dating drummer ng ‘90s rock band na Alamid, at ang ina niyang aniya ay isang "karaoke queen."

zachary

Ipinapakita sa kantang ini-release ng Star Music ang emosyon ng babae na sobrang attracted sa isang tao na hindi niya magawang iwasan.

“Tungkol yung kanta sa kagustuhan na mas makilala pa yung isang tao at magkaroon ng deep, passionate, at intimate connection sa kanya,” ani Zachary.

Bago pumirma sa premier music label ng ABS-CBN, hinarana ni Zachary ang netizens sa pag-a-upload ng mga cover ng kanta sa internet. Paminsan-minsan, nagko-cover pa rin siya ng mga kanta sa TikTok.

CESCA

Isang paglalakbay sa mga komplikasyong dulot ng pag-ibig ang mararanasan sa unang EP ni Cesca na pinamagatang Travel.

Ayon sa baguhang singer-songwriter, tampok sa mini-album ang iba’t ibang emosyon at karanasan na kalakip sa mga pagsubok ng pag-ibig.

“It takes you on a journey from leaving your own protective bubble to taking risks, facing hurt, and eventually, returning home to comforting arms,” ani Cesca.

Si Cesca mismo ang nagsulat at nag-compose ng anim na awitin sa album na ipinrodyus ni Star Pop label head Rox Santos.

cesca

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa Travel ang mga nauna nang ilabas na single na “Lovesick (Pagmahalasakit)” at “Pambihirang Harana,” pati na ang “Her Name,” “What If,” at “Travel (Ma, Pauwi Na).”

Ang key track nitong “Dahlia” ay napasama sa New Music Friday editorial playlist ng Spotify Philippines.

Saad ni Cesca, ang “Dahlia” ay naglalahad ng kuwento ng isang love triangle mula sa pananaw ng isang babae na pinapanood ang lalaking mahal niya na piliin ang isang babaeng nagngangalang Dahlia.

Ipinapakita rin sa kanta ang lakas ng dalawang babae na nasaktan ngunit natuto ng mga aral mula sa sakit na naranasan nila.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sofi Fermazi on bashing: “Hindi po ako nagpapaapekto po. Hindi naman po ako nasaktan from their comments. Since hindi naman po talaga… it’s not really real, and sa sarili ko po, I believe that it’s not. Kaya parang ayun po… parang never po ako nasaktan.”
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results