JERRY OLEA
Na-excite si Elijah Canlas nang malaman na si Aga Muhlach ang gaganap bilang ama niya sa TV5 series na Suntok Sa Buwan.
Ganoonpaman, sinakmal din si Elijah ng matinding agam-agam.
Read: Aga Muhlach, Elijah Canlas walang bigger star sa set ng Suntok sa Buwan
“Sobrang pressure nga po, but as soon as I met Kuya Aga, parang smooth-sailing na from there,” lahad ni Elijah sa Zoom mediacon noong Hulyo 14, 2022, Huwebes.
Dagdag ng 21-anyos na aktor, “Dahil nga love na love ko yung ginagawa ko, and I really prepared every night.
“Sometimes nga, sabihin ko na kay Direk Geo [Lomuntad], feeling ko nag-overprepare ako for this one and, ‘Please help me.’
“I mean, nagpapatulong ako and I ask advice. From Kuya Aga, of course. And ang generous!
“Super-generous po niya sa wisdom niya. That’s why I think it’s really a blessing that I was able to meet him and was able to work with him.
“I’m one of like the lucky ones talaga and, I’m sure, I’ll be using that wisdom until… whenever wherever.”
Hindi pa ipinapanganak si Elijah, sikat na sikat na si Aga at nagkamit na ng acting awards.
“Aga Muhlach is Aga Muhlach. Ahhm, there was pressure, a little bit of nervousness,” pag-amin ni Elijah.
“But I liked the challenge po kasi kapag may pressure. Mas challenged ako na mas pag-igihin pa, mas magtrabaho pa, mas mag-prepare pa.
“Para when I meet him, when I’m gonna work with him na, ready na ako and kahit anong ibato ni Kuya Aga — coz si Kuya Aga has a lot of surprises din while doing scenes.
“Yung biglang, ‘O?’ He’s doing this. Kaya I have to be ready. Ha! Ha! Ha! Ha! I have to be ready all the time.”
Tumigil muna si Elijah ng pag-aaral ng kursong Filipino Arts sa UP Manila.
Katuwiran niya, “Opportunities like this don’t come too often kaya than can always wait and, of course, I wanna finish that one of these days.
“But right now, my focus is really here, it’s Suntok Sa Buwan.”

Hindi nakadalo si Elijah presscon ng 18th Cinemalaya indie filmfest noong Hulyo 6 sa CCP Main Lobby dahil nasa Baguio siya para sa taping ng movie-serye nila ni Aga.
Read: JK Labajo "nainis" sa galing ni Elijah Canlas sa kanilang Cinemalaya movie
Isa si Elijah sa mga bida ng Cinemalaya entry na Blue Room, kung saan tampok din sina JK Labajo at Harvey Bautista, sa direksiyon ni Ma-an Asuncion-Dagñalan.
Sabi pa ni Elijah, “We’re still here in Baguio. We’re halfway through our second cycle. We have a couple more cycles to go.
“So, konti na nga lang po, locals na kami dito sa Baguio, e.”
Pakiwari ni Elijah ay makakadalo siya ng gala night ng Blue Room sa Agosto 7 sa CCP.
“Parang nasa Manila po kami nun. Cycle break namin before we go up again for our third cycle,” sambit ni Elijah.
Mapapanood ang pilot episode ng Suntok Sa Buwan ngayong Hulyo 18, Lunes ng 7:15 p.m., sa TV5.
Kasama sa cast nito sina Maris Racal, Albie Casiño, Paulo Angeles, Awra Briguela, Rez Cortez, at Matet de Leon.
GORGY RULA
Agaw-eksena ang support role ni Elijah sa Cinemalaya 2019 film na Edward kung saan bida si Louise Abuel.
OK rin ang support role niya sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2019 entry na Last Song Syndrom (LSS) kung saan gumanap siya bilang pasaway na younger brother ni Gabbi Garcia.
Disyembre 2019 ipinalabas sa mga sinehan ang pinagbidahan niyang pelikula na Kalel, 15. Nagkamit ng awards si Elijah sa pelikulang iyon na streaming sa Netflix.
Read: Janine Gutierrez, Elijah Canlas big winners sa 43rd Gawad Urian
Mayo 22, 2020 nag-umpisang mag-streaming sa YouTube channel ng The IdeaFirst Company ang Pinoy BL series nila ni Kokoy de Santos na Gameboys.
Sa movie-seryeng Suntok Sa Buwan ay boksingero ang papel ni Elijah, at meron siyempreng mga bakbakan.
Sa Cinemalaya film na Blue Room ay band members sila ni JK, kaya meron doong kantahan.
Nakatapos na rin siya ng mapangahas na pelikulang LiveScream, na tila inspired ng slasher film na Saw.
“As an actor, I just want all the characters that I do, all the projects that I do, iba-iba talaga yung characters na ginagampan ko, you know,” saad ni Elijah.
“Magkakaiba kung paano sila umupo, paano sila magsalita, you know, intonation of voice, diction, whatever.
“I mean, I really make sure I prepare to do that before I step on the set, before mag-look test.
“Kung ano ang kailangan sa character, yun ang ibibigay ko. And, of course, that’s a collaboration pa with the direktor.
“Si Direk Geo ang nagsabi sa akin, ‘Medyo baluktot kang mag-English dito. Taasan mo yung boses mo. Huwag masyadong modulated.’
“Tinulungan niya akong i-shape yung character ko dito na si Dos as a person.
“And you know, iba-iba kasi talaga tayo, e. Iba-iba tayo lahat, may kanya-kanya tayong nuances, may kanya-kanyang mannerisms.
“Kaya I really believe na imposible yung when you do a different character, it’s the same with your last one. That can’t happen.”
NOEL FERRER
Bilib tayo sa artistry ni Elijah Canlas noon pa man. Very deliberate ang kanyang mga choices sa pelikula, serye, at kung anupamang creative projects na kinasangkutan niya.
No wonder, he’s one of the most awarded actors of his generation.
Kahit sa personal na buhay, magaling makisama at talagang mabuting tao itong batang ito, kaya hangad natin ang kanyang ibayong kaligayahan at tagumpay, pati na rito sa Suntok Sa Buwan series niya at Blue Room na Cinemalaya entry.
Pero teka, hindi ba’t isa si Elijah sa mga esteemed alumni ng Philippine High School for the Arts? Ano kaya ang masasabi niya sa isyung kinasasangkutan ng kanyang paaralan?
Read: Philippine High School for the Arts breaks silence on "haven for abuse" allegation
