GORGY RULA
Isa si Marlo Mortel sa mga hindi nakakalimutan ang kabaitan ng namayapang aktres na si Cherie Gil.
Nakatsikahan ng PEP Troika ang Kapamilya actor nitong Agosto 8, 2022, Lunes, sa Luxent Hotel kung saan ginanap ang mediacon ng AQ Prime at Director’s Cut by AQ. Nagsimula na ang naturang streaming app ngayong Lunes ng 8:08 a.m.
Isa sa mga pelikulang unang mapapanood sa AQ Prime ay ang Huling Lamay na idinirek ni Joven Tan, at kasama sa cast nito si Marlo.
Naikuwento ni Marlo sa amin na isa siya sa nagulat nang nabalitaang namayapa na si Cherie sa sakit na cancer.
Read: Award-winning actress and primera contravida Cherie Gil dies at 59
Sa pagkakaalam daw niya ay wala pang sakit si Cherie nung nagkasama sila sa isang international film festival na ginanap sa Malaysia nung taong 2017.
Aniya, “It was a short but deep conversation that I had with Ms. Cherie Gil, kasi nagpunta kami way back 2017 para sa international film festival.
“Nung panahon na yun, na-open heart surgery ang mommy ko. So, I was super troubled at that time.
“So, nung nag-iinuman kami ni Ms. Cherie Gil, siya ang nag-a-advice sa akin.
“Sabi niya, ‘You should be strong for your mom, kasi cancer is a sickness na kailangan talaga ng matinding assistance. But you also have to enjoy life at huwag pababayaan ang sarili mo.’
"Kasi, nalaman niya na ako ang breadwinner ng family."
Pumanaw ang ina ni Marlo na si Merlie Pamintuan noong August 24, 2018.
Read: Marlo Mortel's mother dies after long battle with cancer
Hindi man sila naging close ni Cherie, hinding-hindi raw niya makalimutang napakabait nito sa kanya.
“She was super kind. Kabaligtaran nga ng mga nasa pelikula niya. Sobrang nice niya. Mga tatlong araw kaming nag-bonding, and nag-iinuman.
“Nagsasayaw siya, kanta-kanta. So, I was so shocked when I found out about this.
“Hindi man kami super close, pero the words and wisdom that she shared with me will forever live on,” saad ni Marlo.
NOEL FERRER
Sa Martes, August 9, ay aalis si Marlo patungong Los Angeles, California para sa isang immersion ng Star Magic artists.
Hindi pa raw puwedeng sabihin kung anong project, pero ilan daw sa makakasama niya roon ay sina Maymay Entrata, Alexa Ilacad, KD Estrada, at Andrea Brillantes.
“Ang purpose talaga ng pag-alis ko, for family. But pumili ang Star Magic ng mga tao na mag-immersion abroad. So, isa ako sa mga artist na yun.
“I’m gonna try to reconnect with Anderson .Paak,” pagtukoy ni Marlo sa American rapper/singer/songwriter/record producer.
Susubukan daw niyang i-consider siya ni Anderson sa bagong recording label nito.
Read: Marlo Mortel, nanood ng concerts ng BTS at ni Lady Gaga, na-meet at nayakap si Bruno Mars sa U.S.
JERRY OLEA
P99 ang introductory price para sa first month ng AQ Prime (general patronage) at Director’s Cut by AQ (for adults only) hanggang katapusan ng Setyembre.
For the second month, parehong P1 ang dalawang streaming platform.
For the third month, free sa AQ Prime, samantalang P129 na sa regular monthly subscription for Director’s Cut by AQ.
Limang pelikula ang handog nila umpisa Agosto 8.
Nasa AQ Prime ang MMFF 2021 entry ni Winwyn Marquez na Nelia, at ang horror film ni Marlo Mortel na Huling Lamay.
Para sa Director’s Cut by AQ, andiyan ang Bingwit, La Traidora, at Adonis X.
Dalawampung bagong pelikula na ang nagawa ng AQ mula noong Marso, pero humigit-kumulang 500 titles na ang kasado sa kanilang library.
Magkakaroon din ng AQ Music! Ang mga bituin ng AQ ay sasailalim sa iba’t ibang paligsahan upang mahasa pa ang kani-kanyang talento!
