JERRY OLEA
Nagulat si Manay Lolit Solis nang tawagan siya a few days ago ni Boss Vic del Rosario ng Viva Films.
Matagal na kasing hindi niya nakakausap ang big boss ng Viva, at akala niya ay kung sinong Boss Vic iyong nakalagay sa contacts niya sa cell phone.
“Years! So many, many years na hindi ko siya nakakausap!” pagtatapat ni Manay Lolit sa PEP Troika nitong Agosto 30, 2022, Martes ng hapon, sa FEU-NRMF Medical Center, Regalado Avenue, Novaliches, Quezon City.
“Kasi, hindi na naman siya kinakausap, di ba? Pag may project ang alaga ko sa Viva, usually ang kinakausap mo na lang, kung sino ang line producer.
“Kung sino ang ano. Wala ka nang dapat iklaro kay Boss Vic. Tapos bigla-bigla, may tumatawag sa cell phone ko na ang nakalagay na pangalan, Boss Vic.
“Sabi ko, baka mali ito. ‘Ha?! Sinong Boss Vic 'yan?!’ Siyempre, nakalimutan ko nang Boss Vic ng Viva, di ba?
“Tapos, pagsagot ko, ‘O, Lolit, kumusta ka na? Ba’t nabalitaan ko, maysakit ka chu-chu? Ano ba ang lagay mo? Masakit ba ang dialysis mo?’
“Sabi ko, ‘Naku, Boss Vic, hindi naman masakit yung dialysis. Ang ano lang talaga dun, boredom. Kasi, apat na oras na ano chu-chu!’
“Tapos sabi niya, ‘Basta may kailangan ka, saka makakatulong ako, huwag kang mag-aano, ha? Talagang andito ako para sa iyo.’
“Sabi pa niya, ‘Kahit na ibenta ko itong katawan ko para sa ‘yo!’ ‘Naku, Boss Vic, eklay lang 'yan! Sino naman ang bibili ng katawan mo, ‘no?!’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Tinilian niya ako, ‘Hoy! Maraming nagnanasa dito sa katawan ko! Alam mo naman ako, Boss Vic pa rin ako!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Punung-puno siya ng confidence!
“Pero hindi, talagang na-touch ako!” nakangiting sambit ng 75-anyos na talent manager.
“Kasi, di ba, yung out of the blue… silang dalawa ni Mother Lily, talagang naaano ako talaga.
“Alam mo naman si Mother Lily kung makatalak dito sa phone, ‘Hoy! Wala kang karapatang magkasakit, ‘no?! Ninanakawan mo ako ng eksena, ‘no?!’ Ha! Ha! Ha! Ha!
“Sabi ko, ‘Mother, sa ‘yo na lang lahat ng eksena, mawala na lang itong sakit ko.’ Ha! Ha! Ha! Ha! ‘Hindi! Magtatagal pa ang buhay natin, marami pa tayong gagawing kagagahan!’ sabi niya talaga.”
Matagal na ring hindi nakikita ni Manay Lolit ang Regal matriarch na sumapit ang ika-84 kaarawan noong Agosto 19.
Saad ni Manay Lolit, “Nakabantay-sarado sa kanya si Roselle. Saka sa bahay nila, hindi ka puwedeng dumalaw, sinabihan talaga yung guwardiya.”
Read: Lolit Solis, gustong isama ang alagang aso pag ike-cremate siya
GORGY RULA
Aware si ‘Nay Lolit sa kalagayan ni Tita Cristy Fermin bago pa ang operasyon nito noong Agosto 15.
“Nagte-text kami. Sabi ko, ‘Masuwerte ka, wala kang sakit na tulad ko. Ako talaga, talagang ano,’” pakli ni ‘Nay Lolit.
Nagkasama sina ‘Nay Lolit at Tita Cristy for three years sa online show na Take It… Per Minute! Me Ganun! (Pebrero 2019-Marso 2022).
At any rate, ka-join naming dumalaw kay ‘Nay Lolit nitong Tuesday afternoon ang mega-friend naming si Bernard Cloma.

Lolit Solis with Bernard Cloma (in printed polo), Jerry Olea, and Lolit's daughter Sneezy McDonald
Tinawagan ni Bernard si Jinkee Pacquiao. Nangumusta si Jinkee afterwards, at right there and there ay nag-share si Jinkee through Bernard ng budget para sa dialysis ni ‘Nay Lolit.
“Ewan ko, baka totoo rin yung sinabi ni Jo-Ann Maglipon na I may have done something good in my naughty past, di ba?” sambit ni ‘Nay Lolit.
“Kaya siguro… biruin mo, palaging may nag-o-offer na… out of the blue, ayan na naman, di ba?! Katibayan!
“Si Jinkee Pacquiao, out of the blue lang, tinawagan ni Bernard Cloma, ‘Ay! Anong nangyari sa 'yo? May ipapabigay po ako sa 'yo kay Bernard pagbalik ko sa Manila.’
“Dahil mayaman si Bernard, siya na ang nag-abono!”
NOEL FERRER
Ramdam ko ang pinagdaraanan ni Nanay Lolit. She has been used to a the fast and colorful and happy life sa showbiz, at ngayon ay kontrolado at limitado ang galaw niya.
Ika nga, back-to-basics siya talaga. Kaya nga naa-appreciate niya lahat.
At pati rin tayo, ang mga random text messages niya ng “Blessed, safe and happy day” — somehow, tumatatak iyun sa puso.
Para sa Team Dialysis, especially sa PEP Troika, Nay Lolit is always in our prayers!!! We love her.
