Herlene Budol, naka-meeting ang GMA-7 executives; may nakalinya nang TV series

by PEP Troika
Sep 3, 2022
Herlene Budol with GMA-7 executives
Ayon sa source ng PEP Troika, isang Kapuso drama series ang nakakasang proyekto para kay Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol (in bikini and beret hat). Kasama niya sa meeting ang manager na si Wilbert Tolentino (black shirt) at GMA-7 executives na sina Atty. Anette Gozon-Valdes (black dress) at Joy Marcelo (white outfit).
PHOTO/S: Herlene Budol Facebook / @annettegozonvaldes Instagram

GORGY RULA:

Tuloy na ang pagiging Kapuso ni Herlene Budol aka Hipon Girl.

Ipinost ng Senior Vice President ng GMA-7 na si Atty. Annette Gozon-Valdes sa kanyang Instagram account ang pagkikita nila ng Binibining Pilipinas 2022 first runner-up kasama ang manager nitong si Wilbert Tolentino at ang Sparkle executive na si Joy Marcelo.

Ang nasa caption ng naturang IG post ni Ma’am Annette ay, "And…that’s a wrap! #tgif #endoftheweek #itstheweekend"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ilang napagtanungan namin, hindi pa nagkapirmahan sa GMA-7, pero mukhang meron nang nilulutong programa para sa comedienne-beauty queen.

Sa totoo lang, may mga nasagap na kaming impormasyon kung ano ang gagawin niya, pero hindi pa raw na-finalize lahat.

Kung matutuloy ito, malaking challenge ito kay Herlene dahil mga batikang aktor ang makakasama niya rito.

So far, wala pa kaming ideya kung sino ang makaka-partner niya sa proyektong ito. Abangan na lang natin ang kanilang official announcement.

NOEL FERRER:

Happy naman tayo kay Hipon Girl kung magkataon. Sana lang, makahanap sila ng babagay na leading man sa kanya dahil may katangkaran siya.

At kahit 1st runner-up siya sa Bb. Pilipinas, nahanapan siya ng international competition na lalabanan… ang Miss Planet International.

It seems like ang daming offers ni Herlene ngayon, ha!!! Congratulations!!!

JERRY OLEA:

Pinost ni Wilbert Tolentino sa Facebook ang pakikipagpulong nila ni Herlene Budol sa kay Madam AGV.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Wilbert (published as is): "Abangan ninyo ang mga malalaking projects ni Herlene Hipon. From teleseryes, movies, tv shows at music!

"At maraming sa toda suporta nila kay Herlene Nicole Budol sa kanyang pageant journey!

"Because we know for herself that she is uniquely Kapuso with projects."

Ang naulinigan natin, drama series ang unang gagawin ng Hipon na Takot Sumisid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya malabong si Buboy Villar ang maging leading man niya rito. Aliw na aliw pa naman tayo sa pagganap nila ni Buboy bilang Malakas at Maganda sa Kapuso primetime mini-series na False Positive.

May mga nagsa-suggest na maging leading man ni Hipon Girl ang bidang lalaki sa False Positive na si Xian Lim.

Teka! Bakit hindi itambal kay Hipon Girl sa Kapuso series niya si Joseph Marco, na leading man niya sa digital romcom series na Ang Babae Sa Likod ng Face Mask?

Take note, ang pilot episode na “Meet Cute” ng nasabing online series ay naka-1.3M views na mula nang in-upload noong Hunyo 11 sa Puregold Channel sa YouTube!

Isa pang pwedeng itambal kay Hipon Girl ay si Vin Abrenica na ang ganda-ganda ng katawan, katakam-takam ang mga pa-Felix Bakat bilang endorser ng isang brand ng underwear.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon sa source ng PEP Troika, isang Kapuso drama series ang nakakasang proyekto para kay Binibining Pilipinas 2022 first runner-up Herlene Budol (in bikini and beret hat). Kasama niya sa meeting ang manager na si Wilbert Tolentino (black shirt) at GMA-7 executives na sina Atty. Anette Gozon-Valdes (black dress) at Joy Marcelo (white outfit).
PHOTO/S: Herlene Budol Facebook / @annettegozonvaldes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results