Christopher Roxas, answered prayer ang family sitcom nila ni Gladys Reyes

by PEP Troika
Sep 5, 2022
Gladys Reyes, Christopher Roxas
Christopher Roxas on INCTV's One For All, All For One: "Ngayon, dito ano pa ba ang hihingin ko? Magkasama kaming mag-asawa, yung mga bata, maganda ang istorya, involved kami sa lahat, pati sa oras ng trabaho, at sobrang babait po ang mga nasa likod ng kamera." Seen in the photo are Gladys Reyes and Christopher Roxas together with their kids Aquisha and Christophe. Gladys' mom Zenny is also part of the sitcom.
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram

GORGY RULA

Inilunsad na ng Christian Era Broadcasting Service, Inc. o CEBSI ang bagong sitcom ng INCTV ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas—ang One For All, All For One—na ginanap sa INC Museum nung Linggo, September 4, 2022.

Halos kumpleto ang buong pamilya ng mag-asawang Christopher at Gladys na dumalo sa launch kung saan ipinalabas ang pilot episode ng sitcom.

Sabi ng mag-asawa, matagal na nila itong panalangin na project na magkasama ang buong pamilya nila.

Natatawa si Gladys na laging sinasabi sa aming halos buong pamilya na ang kasali sa kanilang sitcom.

Bukod sa kanilang mag-asawa, nasa main cast din ang dalawang anak nilang sina Christophe at Aquisha.

May special participation sa pilot episode ang isa pa nilang anak na si Grant at ang ina ng aktres na si Mommy Zeny Reyes.

Sabi pa ng direktor ng sitcom na si Nestor Malgapo Jr., sa mga susunod na episodes ay isasali na rin ang bunsong anak nina Gladys na si Gavin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya talagang “one for all, all for one!”

Saad ni Christopher, “Honestly, ito yung matagal ko nang pinangarap. Kasi may mga offers na magkasama. Ayoko rin kasi dati na magkasama kami sa isang proyekto.

"Ngayon, dito, ano pa ba ang hihingin ko? Magkasama kaming mag-asawa, yung mga bata, maganda ang istorya, involved kami sa lahat, pati sa oras ng trabaho, at sobrang babait po ang mga nasa likod ng kamera. Masaya po kami."

Gladys Reyes and Christopher Roxas on All for One, One for All

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon kay Direk Nestor Malgapo Jr., itong One For All, All For One ang nababagay sa INCTV dahil pampamilya at nagbibigay ng Christian values.

Sabi naman ni Gladys, "Kami kasi siguro, dahil matagal na rin kami sa industriya, iba na yung gusto naming direksiyon. Kaya nga malaking blessing ang One for All, All for One na family sitcom ng INCTV, the very first, ‘no? Kasi, pam-family nga siya, family-oriented.

"Siguro yung maganda dito, yung napapanahon na issues din ngayon sa pamilya, sa mga bata, tatalakayin namin dito.

"INCTV, pero hindi ito preachy. Iyon ang aming target. Hindi kami mangangaral dito.

"Kung hindi, gusto namin ipakita na kung papa'no ang pinagdadaanan ng karaniwang pamilya, na kung papa'no naging solusyon in a fun and light way."

Wala pa silang exact date ng playdate ng sitcom. Baka last week of October daw. Ang kaibahan nitong INCTV sa Net 25 ng INC ay wala raw itong commercials. Pero sa free TV rin ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Sabi pa ni Christopher Roxas, sobrang saya na siya sa kanyang career dahil kasama na niya ang buong pamilya sa isang pampamilyang project.

Hindi siya naghahangad sumikat nang husto. Ito na raw ang matagal niyang panalangin.

"May mga hiniling ako sa Ama na gusto kong mangyari sa buhay ko. So, awa ng Diyos, ngayon ay may katuparan na.

"Hiniling ko po na bigyan kami, ako ng maayos at yung meaningful na… gusto ko pa rin pong umarte. Gusto ko pa rin pong mag-artista, pero ayoko pong magbuhay-artista.

"Mahal ko po ang showbiz na buhay. Out of frustrations, hiningi ko po na ito na bigyan ako ng maayos na proyekto. Ilang taon yung hinintay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Manalangin ka, mag-pray ka, maging pasensyoso ka, ibibigay. Ano pa ba ang pinakahihingin ko? Wala na akong hihingin sa Itaas.

"Naging bida na ako sa pelikula [Tabon], Cinemalaya. Hindi nga lang napansin, pero naging bida ako.

"Natutupad ang mga pangarap ko sa buhay, kasama yung pamilya ko, mga kaibigan ko. Ayun. Gusto ko lang sabihin, prayers do work po."

Gladys Reyes and Christopher Roxas on All for One, One for All

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Truly, prayers move mountains and they are heard by the Lord!

Hindi lang ang makasamang makatrabaho ang pamilya ang ibinigay sa pamilya nina Christopher kundi ang magpamalas pa ng values na dapat tularan at kapulutan ng aral ng mga pami-pamilya ngayon.

It seems like naghahanap pa si Christopher ng isang definitive project na makikita pag-stretch pa sa kakayahan niya bilang aktor.

Buti na lang, suportado ang mag-anak ng INC. Sana all!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Christopher Roxas on INCTV's One For All, All For One: "Ngayon, dito ano pa ba ang hihingin ko? Magkasama kaming mag-asawa, yung mga bata, maganda ang istorya, involved kami sa lahat, pati sa oras ng trabaho, at sobrang babait po ang mga nasa likod ng kamera." Seen in the photo are Gladys Reyes and Christopher Roxas together with their kids Aquisha and Christophe. Gladys' mom Zenny is also part of the sitcom.
PHOTO/S: @iamgladysreyes Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results