Atty. Ferdinand Topacio, gustong gumawa ng biopic nina President Diosdado Macapagal, Apollo Quiboloy, at Deniece Cornejo

by PEP Troika
Sep 9, 2022
atty. topacio smiling
Kabilang sa mga proyektong nais gawin ni Atty. Ferdinand Topacio (kaliwa) bilang producer ay ang pagsasapelikula ng mga buhay nina President Diosdado Macapagal (inset, top left), Pastor Apollo Quiboloy (inset, top right), at Deniece Cornejo (inset, bottom).
PHOTO/S: Jerry Olea / Files

JERRY OLEA

Nag-streaming sa Vivamax noong Enero 28, 2022 ang pelikulang Deception na iprinodyus ni Atty. Ferdie Topacio sa ilalim ng Borracho Film Production. Bida roon sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez.

Bago matapos ang taon ay siniguro ni Atty. Topacio na maipapalabas na sa mga sinehan ang iprinodyus niyang Mamasapano: Now It Can Be Told with Viva Films as distributor.

Nagprodyus din si Atty. Topacio ng virtual concert ni Myrtle Sarrosa na Still Love Me noong Nobyembre 2020.

Kumusta ang pagpo-produce niya? Financially rewarding ba ang mga ito?

“Oo naman. Yung kay Myrtle, it was profitable. Deception was also profitable,” mabilis na sagot ni Atty. Topacio sa mediacon nitong Setyembre 5, Lunes, sa Pandan Asian Cafe, Sct. Limbaga St., Quezon City.

“OK naman. But of course, may limit pag streaming. Like yung kay Myrtle, maganda ang kita, not only because of the ticket sales but because of the sponsors.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sabi ko nga kay Myrtle, di ba, nag-produce ako ng concert niya? Sabi ko, ‘Ulitin natin! Let’s reproduce.’ Ayaw niya, e.

“Re-produce, produce uli! Another production,” sambit ng abogado.

Bakit gusto niyang ipalabas sa mga sinehan ang Mamasapano: Now It Can Be Told?

“It has panorama. Yung mga battle scenes niya, they have to be seen on the big screen,” paliwanag ni Atty. Topacio.

“Dapat ma-experience mo sa malaki, ha. It’s a big film, not in the sense of budget but because of the story. It’s an epic. It’s an epic story.”

Naisip ba niyang ilahok ang Mamasapano: Now It Can Be Told sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Kapaskuhan?

Pag-amin ni Atty. Topacio, “It has crossed my mind. Kaya lang, ang akin, baka hindi in line with the season.

“Kasi, sabi nga, it’s the season to be jolly. E, pag napanood mo ang movie, malulungkot ka, iiyak ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung nag-preview kami last month sa Baguio, andaming umiiyak. Grabe! E, hindi yun in line with the season, di ba?

“MMFF, Christmas season. Dapat pag nanood ka, masaya ka, magaan ang pakiramdam mo. E, ito, depressing. You will want to hate some people here!”

Bida sa Mamasapano: Now It Can Be Told sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, at Paolo Gumabao, with the special participation of Claudine Barretto.

Nasa cast din nito sina Alan Paule, Myrtle Sarrosa, Rey ‘PJ’ Abellana, Jojo Abellana, Jojo Alejar, Juan Rodrigo, L.A. Santos, Gerald Santos, Rez Cortez, at Kuya Manzano.

Ikinakasa na ang dalawang upcoming film project ng Borracho (salitang Kastila na ang ibig sabihin ay “lasing”).

Pagbabalita ni Atty. Topacio, “The working title of the first is Pain. It’s about yung recruitment ng mga communists ng ating kabataan. Kung ano ang ipinapain nila.

“Wala pa pong direktor ito. The script is being written by Troy Espiritu.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“The other is, the working title is One Dinner A Week. Ahhm, si Abdel Langit naman ang gumagawa ng script.

“I’m excited about yung One Dinner A Week because it’s a very good story. It’s the story of a rich person who is emotionally stunted dahil at the early age, he was made to run the family business dahil namatay yung parents niya.

“And then he could not relate. And then it got to a point where he had to pay someone just to have one dinner a week with him.

“Gusto na niyang malaman kung ano ang pakiramdam ng nakaka-relate with another person. And then it goes on.

“Maganda yung story, may surprise twist sa ending kung bakit pumunta sa point na kailangan pa niyang magbayad para meron siyang one dinner a week.

“Ang napipisil pa lang namin, ang iniisip namin dito, the lead is Paolo Gumabao. He also stars in Mamasapano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mabait na bata si Paolo. He’s very nice and he’s a very good actor, nakita namin ang intensity niya.

“Intense siya, e. At saka ano, magaling makisama. And then, ang iniisip naming female lead, si Kylie Verzosa.

“And of course, that will be the launching of Heartney Martinez as one of the supporting actresses.”

Si Heartney ay finalist sa isang timpalak kagandahan kamakailan sa Baguio City. Siya ang unang contract artist na ibi-build up ng Borracho.

NOEL FERRER

Reproduce. Panorama, dapat malaki. You will hate some people here.

These are what make Atty. Ferdie Topacio controversial.

Alam ninyo, magaling din siyang kumanta, ha! Ano kaya kung mag-showdown sila ni Atty. Sal Panelo in search for the best Singing Attorney?

GORGY RULA

Inaasam pa rin ni Atty. Ferdie Topacio na iprodyus ang biopic ni Pastor Apollo Quiboloy.

Read: John Lloyd, Jericho, Piolo, Gabby pinagpipiliang gumanap bilang bida sa Quiboloy biopic

“I have not yet given up on the idea nung Thy Kingdom Come, yung Pastor Quiboloy Story,” pagtatapat ni Atty. Topacio.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“In fact, I’m meeting with the Pastor sometime this week. Balikan lang ako sa Davao. Hindi ko pa rin gini-give up yun.

“Then meron pa akong gustong gawing project, e. Yung The Poor Boy From Lubao, about President Diosdado Macapagal.

“Kaya lang, mahirap yun sa production design, e. Period film kasi.”

Gusto rin ba niyang isapelikula ang life story ng client niya na si Deniece Cornejo?

“Of course, kaya lang, sub judice pa. Hindi pa namin puwedeng isapelikula. Kasi, hindi pa tapos,” lahad ni Atty. Topacio.

“Hindi pa natin alam kung ano ang mangyayari. I’m always willing to take her in as one of our actresses.

“Kaya lang, at this point in her life, I think her priorities lie elsewhere. She’s now part of a Christian community. Talagang yun ang pinagtutuunan niya ng pansin.

“After all the trials and tribulations that she went through nung dinemanda niya ng rape si Vhong Navarro na hindi pa rin natatapos ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Mahaba pa ang proseso. Kumbaga sa kuwan, second step pa lang ito sa court, e. Nahihirapan pa kami.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang sa mga proyektong nais gawin ni Atty. Ferdinand Topacio (kaliwa) bilang producer ay ang pagsasapelikula ng mga buhay nina President Diosdado Macapagal (inset, top left), Pastor Apollo Quiboloy (inset, top right), at Deniece Cornejo (inset, bottom).
PHOTO/S: Jerry Olea / Files
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results