Bea Alonzo, Julia Barretto, Gerald Anderson may kanya-kanyang pasabog ngayong Setyembre

by PEP Troika
Sep 12, 2022
Bea Alonzo, Julia Barretto, and Gerald Anderson
Unang Kapuso project ni Bea Alonzo (left) na Start-Up PH, eere na sa GMA-7. Julia Barretto (center) sumugal sa kanyang sexy role sa pelikulang Expensive Candy. Gerald Anderson (right), mapapanood ang pelikulang My Perfect You sa Netflix.
PHOTO/S: Sany Chua / Expensive Candy / @andersongeraldjr Instagram

JERRY OLEA

A September to remember ang kasalukuyang buwan para kina Gerald Anderson, Julia Barretto, at Bea Alonzo.

Nitong Setyembre 9, 2022, Biyernes, ay nag-streaming na sa Netflix ang pelikulang My Perfect You (2018) nina Gerald Anderson at Pia Wurtzbach.

As we write this, panlima na ang My Perfect You sa Top 10 Movies in the Philippines today.

Ang isa pang Pinoy movie sa nasabing talaan ay ang MMFF 2021 entry na Love At First Stream, na kagaya ng My Perfect You ay idinirek ni Cathy Garcia-Molina para sa ABS-CBN Film Productions.

Sa Setyembre 14, Miyerkules, ay palabas na sa local cinemas ang Viva movie nina Julia Barretto at Carlo Aquino na Expensive Candy. Idinirek ito ni Jason Paul Laxamana, na siya ring nagdirek ng pelikulang Between Maybes (2019) nina Gerald at Julia, na iprinodyus ng Black Sheep (na film company rin ng ABS-CBN).

Sa Setyembre 26, Lunes, naman mag-uumpisa ang Kapuso prime-time series nina Bea Alonzo at Alden Richards na Start Up PH. Ito ang unang Kapuso series ni Bea, at may pelikula ring nakatakdang pagtambalan ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Alin kaya ang mas pupusuan ng mga tao ngayong Setyembre—ang My Perfect You ni Gerald, ang Expensive Candy ni Julia, o ang Start-Up PH ni Bea?

Baduda baduda baduda badu! Baduda badu baduda badu sa Earth, Wind & Fire! Take note na nag-promote si Julia noong Sabado sa Eat Bulaga, at may mga haka-haka na magiging Kapuso rin siya.

Open kasi ang GMA sa pakikipag-collab sa iba’t ibang produksiyon o kumpanya, kabilang ang Viva na nagha-handle sa career ni Julia.

Siyempre pa, open din ang GMA na makipag-collab sa ABS-CBN, at posibleng next year ay ipahiram ng ABS-CBN sa GMA si Gerald, di ba?

NOEL FERRER

Parang lahat ng characters dito sa sala-salabid na kuwento na kasangkot si Gerald ay naka-move on na.

The lesson learned? The best weapon here is not answering every controversy that comes your way.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

The best weapon is always a good work!!! So, tingnan natin ang teleserye ni Bea with Alden, ang Unravel movie ni Gerald with Kylie Padilla, at ang pelikula nina Julia at Carlo.

Pati yung reunion movie ni Kim Chiu with Xian Lim na Always, and yung Wildflower series ni Maja Salvador na pangatlo na sa Top 10 TV Shows in the Philippines today ng Netflix Philippines.

Sana, dito makita how well they all coped and used their personal experiences to their advantage and for the benefit of their greater audience. Good luck!

GORGY RULA

Hindi pa tapos ang What We Could Be sa September 26, pero kukunin na ng Start-Up PH ang timeslot na yun. Kaya ibaba na ang feel-good series nina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Magiging apat na gabi na lang ito mapapanood dahil may Bubble Gang tuwing Biyernes. Malaking bagay na sumusunod ang Start-Up PH sa Lolong dahil malakas na pre-programming ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lalo pa ngang lumalakas ang Lolong na nahi-hit ang 18.9% na rating kaya ang dami nang title na ikinakabit ngayon kay Ruru Madrid.

Nung una ay tinagurian siyang "Primetime Action-Drama Star," naging "Hottest Leading Man," at ngayon ay tinatawag na siyang "Primetime Action Prince."

Umaariba rin si Ruru sa Running Man, at nasaksihan ko kung gaano kalakas ang pagtanggap ng fans sa nakaraang mall show ng isang beauty brand sa Ayala Malls Cloverleaf.

Malaking challenge ito sa Start-Up PH, dahil consistent top-rater talaga ang Lolong. Malamang na hindi maiwasang pagkumparahin na sina Ruru at Alden Richards.

Ibabase ba natin sa lakas ng programa kung sino ang mas mainit ngayon? Kapag binabanggit ang Lolong, ang daming nakapanood at ang lakas ng dating ni Ruru. Matatapatan kaya ito ng Start-Up PH ni Alden?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Unang Kapuso project ni Bea Alonzo (left) na Start-Up PH, eere na sa GMA-7. Julia Barretto (center) sumugal sa kanyang sexy role sa pelikulang Expensive Candy. Gerald Anderson (right), mapapanood ang pelikulang My Perfect You sa Netflix.
PHOTO/S: Sany Chua / Expensive Candy / @andersongeraldjr Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results