Kasal nina Glaiza de Castro at David Rainey sa Pinas, gaganapin sa January 2023

by PEP Troika
Sep 15, 2022
david rainey glaiza de castro sweet
Glaiza de Castro on husband David Rainey's efforts to learn Tagalog: “Minsan nagko-converse kami in Tagalog para ma-refresh din siya. Pero nung nasa Ireland siya, wala rin siyang makausap na Filipino, kaya when he’s here, he tries as much as he can na mag-Tagalog siya.”
PHOTO/S: Gorgy Rula

GORGY RULA

Nakatakda na sa January 2023 ang kasal nina Glaiza de Castro at David Rainey dito sa Pilipinas.

Una silang ikinasal sa Ireland noong October 16, 2021.

Read: Glaiza de Castro reveals getting married to David Rainey October 2021

Napagkasunduan nilang mag-asawa na magkaroon din ng wedding ceremony dito sa Pilipinas para masaksihan ng pamilya at close friends ni Glaiza.

Read: Glaiza de Castro at David Rainey, pinaghahandaan na ang kasal nila sa Pilipinas

Ang ikinatutuwa ng mag-asawa, darating galing Ireland ang buong pamilya ni David, pati ang ibang kamag-anak at mga kaibigan.

“Ang exciting kasi, yung family ni David will be coming here sa Philippines. So, ang daming mga firsts. Pati yung mga pamangkin niya pupunta, mga friends niya.

"So, it’s gonna be busy and at the same time exciting din kasi kami rin yung naghahanap ng logistics,” sabi ni Glaiza nang nakatsikahan namin sa meeting niya sa mga taga-Lee Jeans, na isa sa supporters niya, noong Miyerkules, September 14, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gaganapin ang kasal nina Glaiza at David sa isang beach resort sa Zambales, at Christian ceremony ito.

Madami-dami raw ang grupo ni David na first time sa Pilipinas kaya inaayos nila ang pagpunta nila sa resort ni Glaiza sa Baler, Aurora at sa Zambales.

Humingi na rin ng tulong ang aktres sa mga kaibigan niyang tatayong wedding coordinator nito.

Kuwento pa ni Glaiza, “Tinutulungan kami ni Ms. Amanda Tirol. Siya talaga yung na-assign sa amin. Perfect for our wedding.

“Nakapag-prenup na rin kami. We will be releasing photos… baka this ano... sabi ko nga kay Ate Charisse [Tinio]… kasi si Ate Charisse is also helping us and Nice Print [Phtography] will be covering our wedding.”

Sa September 23 naman ang 4th anniversary ng relasyon nina Glaiza at David kaya doon nila ilalabas ang kanilang prenup photos, at aayusin na rin nila ang kanilang entourage.

Hindi pa raw nila nakukumpleto sa ngayon, pero inaayos na raw nila ito dahil gusto ng Kapuso actress na personal nilang kausapin ang mga magiging bahagi ng kanilang kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pina-finalize pa rin namin ang entourage, e. Tinatanong nila sa akin kung may updated list na kasi inuunti-unti ko rin, dahil ayoko munang biglain.

“Gusto ko rin sila ma-meet personally to… na alam mo yun, to ask their permission. Actually, hindi pa nga nila alam. Pero invited sila.

“In-invite ko muna sila, tapos saka ko na sabihin. Siyempre hindi mawawala sina Angelica [Panganiban], sina Ketchup [Eusebio]… sina Chynna and Kean, the Ciprianos,” saad ni Glaiza.

Nagsimula na rin silang mag-distribute ng Save the Date, at ang ibang nasabihan na ay nagpa-book na ng kuwarto sa Zambales.

Pero nilinaw ni Glaiza na simple lang ang kanilang kasal. Ang gusto lang nila ay mag-enjoy lang ang lahat sa araw na yun.

“Siyempre, gusto pa rin naming hindi ganun kaengrande kasi hindi naman kami masyadong maengrandeng tao.

“Pero siyempre, ang iniisip na lang namin, lifetime ito, and it’s really for the people na close sa amin. So, gusto lang talaga namin mag-enjoy,” saad ng Kapuso actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Napagkasunduan na raw nina Glaiza at David na dito muna sila sa Pilipinas manirahan dahil sa marami pang naka-lineup na gagawin ng aktres sa GMA-7.

May bahay naman daw sila sa Ireland kung sakaling mag-decide silang doon naman manirahan.

Pero sa ngayon ay dito muna sila sa Pilipinas dahil may pelikula pang gagawin si Glaiza, at itutuloy na niya ang drama series na Seed of Love. Napapanood din siya ngayon sa Running Man Philippines.

Gustung-gusto naman daw ni David dito sa Pilipinas kaya talagang nag-aaral itong magsalita ng Tagalog. Kapag kinakausap mo siya, talagang effort siya sa pagsasalita ng Tagalog.

Kuwento ni Glaiza, “Even before, nag-aral talaga siya. Nag-ano siya, kumuha siya ng online. May teacher from Ateneo na nagturo sa kanya.

"He had a couple of sessions. Tapos ngayon, practice na lang.

“Minsan nagko-converse kami in Tagalog para ma-refresh din siya. Pero nung nasa Ireland siya, wala rin siyang makausap na Filipino, kaya when he’s here, he tries as much as he can na mag-Tagalog siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakatuwa nga dahil nag-a-adjust talaga ang husband ni Glaiza sa kulturang Pinoy. Sana all!

JERRY OLEA

Dalangin nating mabiyayaan ng mga supling sina Glaiza at David upang lalong yumabong ang kanilang pag-ibig.

Mabuhay ang ikakasal muli!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Glaiza de Castro on husband David Rainey's efforts to learn Tagalog: “Minsan nagko-converse kami in Tagalog para ma-refresh din siya. Pero nung nasa Ireland siya, wala rin siyang makausap na Filipino, kaya when he’s here, he tries as much as he can na mag-Tagalog siya.”
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results