Janice de Belen, ipinagkibit-balikat lang ang balitang nabuntis ni Jake Vargas si Inah

by PEP Troika
Sep 17, 2022
janice jake inah
Janice de Belen (left) on rumor that her daughter Inah de Belen was impregnated by boyfriend Jake Vargas: “Kung magbuntis man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na yun. Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Sany Chua

GORGY RULA

Ipinagkibit-balikat lamang ni Janice de Belen ang kumalat na tsismis na nabuntis umano ang anak niyang si Inah de Belen ng kasintahan nitong si Jake Vargas.

Kumalat ang tsismis na ito ilang buwan na ang nakararaan dahil hindi nakikita si Inah gawa ng nasa pandemya pa tayo.

Ngayon lang namin naitanong ito kay Janice nang magpa-interview siya para sa promo ng pelikulang Sugat sa Dugo, na magsu-showing na sa ilang sinehan sa September 28, 2022.

Hindi na raw nagulat si Janice na natsismis din ang anak dahil pinagdaanan din niya ito noon.

“Ako rin naman, natsismis dati na nabuntis, bago ako nagbuntis, di ba?” bulalas ng premyadong aktres.

Itong isyung pagbubuntis ay mahirap itago sa panahon ngayon dahil sa social media.

“Wala naman. Parang wala naman. Kung mangyari yun, e, di magkakaroon lang uli ako ng apo,” kaswal na pahayag ni Janice.

“Kung magbuntis man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”

Hindi raw isyu sa kanila sakaling mangyari ito kay Inah dahil nasa tamang edad na nga ito.

Wala raw karapatan si Janice na i-judge ang kanyang anak dahil siya nga raw ay 18 pa lang ay nabuntis na.

“Wala akong ini-impose na dapat nilang gawin sa buhay. Wala akong ganun.

“Kasi, I cannot be quick to judge. Kasi, 18 po, buntis ako, wala naman akong asawa di ba? Tapos, nahiwalay pa ako. Nagbuntis uli ako.

"Talaga? Ako pa ba ang magiging judgmental sa ganyan, di ba?

“Kung magbuntis man siya ngayon, trenta na siya, 18 lang ako,” napapangiting pahayag ni Janice.

Si Inah ang panganay sa apat na anak ni Janice sa dating asawang si John Estrada.

JERRY OLEA

Nakikita naman daw ni Janice na okay sina Inah at Jake sa kanilang relasyon. Hindi naman daw niya saklaw kung ano ang desisyon ng kanyang anak sa buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“She’s 30 years old. Ngayon pa ba ako… okay naman siya. Okay naman si Jake. Hindi naman ako ang makakasama ni Jake.

"Matanda na siya. She should be able to take care of herself.

“I hope and pray na tama ang pagpapalaki ko sa mga anak ko,” saad ni Janice.

Hindi naman daw niya tinatanong si Inah kung ano ang plano nila ni Jake.

“Okay na muna na ganyan sila. Kung saan sila masaya.”

NOEL FERRER

Consistent na nakabase sa mapagpalayang prinsipyo ang mga tinuran ni Janice. Pinatatag na siya ng panahon at na kay Janice ang wisdom na natutunan niya sa kanyang naging sitwasyon.

Bilib ako sa pagdadala niya ng kanyang mga anak. Kung anuman ang desisyon at sapitin ni Inah ay sa kanya na yun! Nandoon na lang nakasuporta ang kanyang mga magulang.

Consistent pa rin si Janice sa ganyan maging sa panganay niyang anak na si Luigi Muhlach, na nakakabilib din sa ginawa nitong pagtataguyod ng restaurant business.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“I’m happy for him kasi nagba-branch out sa maraming bagay ang ginagawa niya,” pahayag ni Janice kaugnay kay Luigi.

“Maraming ideas na dumarating, and I’m happy because he actually turned out to be a good dad.

“He’s not a perfect dad, pero good dad siya. His kids love him and he’s so loving to his family.”

Si Luigi ay anak ni Janice sa dati niyang kasintahang si Aga Muhlach.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janice de Belen (left) on rumor that her daughter Inah de Belen was impregnated by boyfriend Jake Vargas: “Kung magbuntis man siya ngayon, she’s 30. She’s at that age… whatever choices she makes, kanya na yun. Basta kaya niyang panindigan. Again, babalik ako sa hope and pray that I raised my child right.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Sany Chua
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results